Author

Topic: [Extension]Masakit ba sa mata ang brightness ng screen mo? Makakatulong to sayo. (Read 199 times)

sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Lagi naman mababa ang brightness kaya hindi masakit sa mata sa tingin ko maayos naman ang pagkaset ng brightness ko dahil kung mataas ito matagal nang sumakit ang aking mata.  Pero dapat natin ingatan at pangalagaan ang ating mata dahil ito ang nakakatulong sa ating trabaho sa atin. Huwag pabayan upang hindi manglabo at makapagtrabaho tayo ng maayos.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Hindi naman ako nakakaranas ng pagkasakit ng mata dahil sa brightness ng gadgets ko pero if ever na makaranas ako ay itratry ko ito at salamat dito.  Alam natin marami sa atin babad ang mga mata kakatrading or trabaho dito sa cryptocurrency kaya dapat ingatan din natin ang mga paningin upang hindi sumakit at lumabo ito.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Ok din yang dark mode sa pagkaka-alam ko nakakatipid ng kuryente dyan, isipin mo na lang na bawat pixel eh may ilaw, kapag super bright medyo malakas sa kuryente ang gamit natin.  Kapag black background, karamihan sa mga light dun sa pixel eh nakaoff.   
Hindi alam yung ganito tungkol sa pixels. Mukhang dual purpose pala kapag naka darkmode ka, hindi lang para maging komportable yung mata natin.

Economical din pala siya kasi nakaka-save pala ng kuryente kapag ganun.
legendary
Activity: 3010
Merit: 1280
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Ok din yang dark mode sa pagkaka-alam ko nakakatipid ng kuryente dyan, isipin mo na lang na bawat pixel eh may ilaw, kapag super bright medyo malakas sa kuryente ang gamit natin.  Kapag black background, karamihan sa mga light dun sa pixel eh nakaoff.   



Malamig sa mata ang pagkaka contrast ng mga letra.  Yung ibang dark mode masakit sa mata kasi magbabasa ng maliwanag sa madilim na sorrounding.  Mas masakit pa nga sa mata yung ganoong setup kasi after mo magbasa may maiiwang parang liwanag kapag tinanggal mo ang paningin mo sa screen.  Pero yung pagkaka gawa dito sa dark mode na ito eh malamig sa mata.
full member
Activity: 1002
Merit: 112
Never pa naman sumakit mata ko kahit na medyo mataas brightness ng phone ko. Iba iba kasi tayo ng mata merong kahit nakababad sa cp or computer ndi nanlalabo ang mata kagaya ng saken. Meron naman konting babad lang sa computer nanakit na ulo at mata kagaya naman sa kapatid ko. Pero kailangan pa din pangalagaan ang mata every once in a while patakan ng eyedrop ang mata para malinis.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Parang may nagpost na rin nyan dati dito, ikaw ba op nun?

Hindi ako ophthalmologist pero may pagkakaiba kasi yung mga mata natin. Merong hindi kaya yung medyo light at malinaw at meron din naman na dark mode, sakin kung masakit sa mata ang brightness ng screen tama yan mag switch sa dark mode pero kapag hindi talaga effective at nanlalabo na mata niyo. Kuha na kayo ng salamin niyo na may grado at radiation protection, mag-iinvest ka talaga para maprotektahan mata mo.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Dati madalas ako naka-night mode pero nung nasubukan ko yung f.lux, okay na ako kahit hindi nightmode. May iba-iba kang pwede pagpilian sa f.lux, reduce eyestrain ang madalas kong set up.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Hindi naman nasakit amg mata dahil sa laptop pwede mo naman babaan ng brightness kung sa tingin mo sa super liwanag na.  At kung sa cellphone naman gamit ko ay naka lagay na eye protection at lagi nakaon yun para hindi nagkadiprensya ang aking mga mata na magdudulot ng pananakit at panlalabo ng mga ito.
sr. member
Activity: 819
Merit: 251
Masakit ba sa mata ang brightness ng gamit mong computer or laptop? Maaring makatulong itong google chrome extension na ito para maging mas komportable ang iyong mata dahil sa maari mong iturn on ang dark mode kahit nakalaptop or computer ka.

Hindi ko pa sya natatry sa Mobile kung maari nga syang gamitin pero legit at almost 1 year ko na itong gamit. Makakatulong ito lalo na't kulay white ang theme ng ating forum.
Shinare ko ito para sa mga tulad ko na dati na nananakit ang mata pag masyadong maliwanag ang screen.
Applicable sya sa lahat ng website na puntahan mo kahit fb,twitter,youtube,bitcointalk or kahit ano basta gagamitin mo ang iyong browser.

Link; https://darknightmode.com/

Sana makatulong sa inyo  Smiley
Subukan nyo po para makita nyo ang pagkakaiba ng mababang brightness at gamit ang dark mode na ito.
Jump to: