Isa lang ang masasabi ko dito: ang Facebook ay isang malaking negosyo at wala talaga sa kanilang polisiya ang tumanggi sa mga posibleng mag-ads sa kanilang social media platform wag lang illegal ang pinapa-ads. Noon pang inanunsyo ng Facebook sa ban alam ko na ibabalik din nila ito basta susunod lang sa kanilang mga palatuntunan. Di gusto ni Mark na mawalan ng isang source of revenues kaya nila ibinalik ang mga cryptocurrency related ads. Ganyan lang yan kasimple lalo na ngayon na meron ata silang plano na gagamit din ng cryptocurrency sa kanilang mga social media sites.