Author

Topic: FACT CHECK: BITCOIN - MONEY o CURRENCY? Busisiin natin... (Read 279 times)

hero member
Activity: 1246
Merit: 588
~


Bitcoin as well can also be in the category of money dahil nga sa store of value na sinasabi mo. Pero obviously bitcoin is a digital currency which is a unique type of currency dahil sa decentralized feature nito na hindi pde angkinin ng any country.


Fact: The founder and early bitcoin users considered it as digital currency that is why it is named "cryptocurrency" so wag na natin i complicate ang ideang ito hehe.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
In short ang currency ay isang uri lamang ng money system. Therefore bitcoin as well ay isang uri din ng money system which we called "cryptocurrency" but unlike currencies dahil nga sa unique approach ng bitcoin it can also be a form of money  depending on how you use it.  

Bitcoin if you consider that it can be a store of value then it can be called money, if not, it will just only be a currency.  As simple as that.  To define a store of value:

A store of value is the function of an asset that can be saved, retrieved and exchanged at a later time, and be predictably useful when retrieved.[citation needed] More generally, a store of value is anything that retains purchasing power into the future.

So basically, tulad ng nasabi if we consider Bitcoin as a store of value, it is more than a cryptocurrency, it is money.  
hero member
Activity: 1246
Merit: 588
Don't get the wrong idea, masyado nyo kinocomplicate ang salitang currency, crypto currency and money.

Napaka daling i determine ang isang currency I am not so sure if there other examples of a currency but ang pinaka obvious ay ang mga (USD,PESO,YEN) basically papers and coins or bank notes. Obviously lahat ng yan iisang particular amount lamang ang kanilang binibased like USD.

Based on the Wikipedia "currency is a system of money (monetary units) in common use"
https://en.wikipedia.org/wiki/Currency


While referring to money. madami tlga ang pdeng i consider as  money even your goods can be considered as money and the assets as well like Gold.

Therefore by that being said. Bitcoin is a unique type of currency dahil sa volatility ng price. Unlike Currency or Fiat to be specific hindi ka pde mag imprint or gumawa ng maraming bitcoin. And like gold bitcoin price is also increasing or decreasing rapidly.

In short ang currency ay isang uri lamang ng money system. Therefore bitcoin as well ay isang uri din ng money system which we called "cryptocurrency" but unlike currencies dahil nga sa unique approach ng bitcoin it can also be a form of money  depending on how you use it. 
sr. member
Activity: 980
Merit: 261
So, masasabi natin na dapat nga na CRYPTO MONEY at hindi CRYPTOCURRENCY pero marahil ginawa lang ito bilang tawag pero makaclassify pa din natin ito as Money.

may mga nabasa ako katulad nito "Money is a store of value and maintains its purchasing power over a long period of time."
So masasabi natin na ang bitcoin ay macoconsider nating MONEY talaga pero still maganda na patunayan din natin soon na pwede din nating maclassify ito as CURRENCY nga kahit isang reason lang.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Ang pagkakaiba ng money at currency ay talagang nakakalito na maski ako ay ngayon ko lang nalaman na ganito pala kalaki ang pinagkaiba nila. Ang totoo nga ay baligtad ang pagkakaalam ko kung saan ang currency ay digital dahil nadin sa bitcoin at ang money ay physical katulad ng fiat. Pero dahil ba dito, ang dapat na nating itawag sa cryptocurrency ay cryptomoney?
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Pagkakaalam ko parehas lang ang money at currency yun pala in technical terms sobrang dami palang pagkakaiba at definition kung hihimay himayin mo.

Sa ngayon nagagamit naman natin ang bitcoin bilang isang pera/money. Kaya para sa akin dati currency at money ang bitcoin yun pala tangible pala ang currency at hindi ganun ang bitcoin.
sr. member
Activity: 1008
Merit: 355


Ngayon ko lang talaga nalaman ang kaibahan ng money at currency kasi parang interchangeable lang para sa akin ang mga bagay na yan. Basta pag magamit ko sa pagbili sa tindahan money yan o kwarta pero pag sinabi mong Peso o Yen o Dollar yan siguro ang currency. Nakakalito din ng kaunti...buti na lang din may infographic sa taas for our guidance.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Nahilo ako konti ah. Meron palang hiwalay na definition itong dalawa.
Kaya nga. Huwag na tayo magpa-teknikal siguro. Iwan na lang natin yan sa mga interesado pag-aralan at pag-debatehan ang kaibahan ng dalawa. Dun na lang tayo sa blockchain at sa kitaan.

Hindi naman ginawa itong thread na ito for a debate, this is created to give information regarding sa pagsuporta sa mga pinaniniwalaan nating kung ano ba talaga ang Bitcoin.  Iba ang debate sa pagbibigay ng impormasyon.  Like what I said, it is better to be equipped with knowledge kapag nakikipag usap tayo sa mga tao kesa ikalat natin ang mga maling idea tungkol sa Bitcoin.   Wink   At isa pa lahat ng desisyon ng isang institusyon ay binabase sa teknikal na aspeto ng isang bagay, kaya kung sakali mang may magrelease ng isang batas tungkol sa Bitcoin , mauunawaan natin kahit papaano at bakit nila ginawa iyon.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Nahilo ako konti ah. Meron palang hiwalay na definition itong dalawa.

Kahit ano man ang tawag sa cryptocurrency ang mahalaga ay kumikita tayo,  may ibang ibang tawag ang mga tao sa crypto world. Pero mas kilala natin ito sa tawag na cryptocurrency dahil ito ang nakasanayan na natin at kung babaguhin pa natin ito masyado na silang maguguluhan sa aking palagay lamang. Pero kahit anong itawag nila iisa pa rin naman ang meaning.

Kaya nga. Huwag na tayo magpa-teknikal siguro. Iwan na lang natin yan sa mga interesado pag-aralan at pag-debatehan ang kaibahan ng dalawa. Dun na lang tayo sa blockchain at sa kitaan.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Kahit ano man ang tawag sa cryptocurrency ang mahalaga ay kumikita tayo,  may ibang ibang tawag ang mga tao sa crypto world. Pero mas kilala natin ito sa tawag na cryptocurrency dahil ito ang nakasanayan na natin at kung babaguhin pa natin ito masyado na silang maguguluhan sa aking palagay lamang.

Sa tingin ko mas maganda pa rin na maintindihan natin at malaman ang nature ng pinagkakakitaan natin ng sa gayon ay hindi tayo maging katawa-tawa sa mga taong nagtatanong.  Katulad halimbawa ng pinagkakakitaang signature campaign, paano tayo makakasagot sa mga talakayan sa forum na ito ng may sense?  Hindi ba dapat nating alamin ang mga pinag-uusapan? Nang sa gayon ang ating mga sagot ay hindi magmukhang spam o nonsense?  

kaya siya tinawag na cryptocurrency dahil siya ginamitan siya ng encryption technique
Quote from: google dictionary
cryp·to·cur·ren·cy
/ˈkriptōˌkərənsē/
 Learn to pronounce
noun
a digital currency in which encryption techniques are used to regulate the generation of units of currency and verify the transfer of funds, operating independently of a central bank.
"decentralized cryptocurrencies such as bitcoin now provide an outlet for personal wealth that is beyond restriction and confiscation"

currency dahil during the creation siya ay wala pang store of value, ang characteristic pa lang nya ay

possible medium of exchange
store of account
durable
divisible
portable at
fungible

at ng tumagal, tinanggap siya ng mga merchants sa buong mundo kaya na establish ang kanyang pagiging medium of exchange.  After a decade naging store of value na rin siya but because of the high volatility as I mentioned he fare poorly sa aspeto na ito.  But being recognized as store of value whether bad or good, ang dating pagiging recognized as currency ay naging money.

check this comparison


source

I suggest na panoorin natin ang video na ito na nagpapaliwang tungkol sa currency at money https://youtu.be/DyV0OfU3-FU?t=272





hero member
Activity: 1834
Merit: 523
So base sa infographics mas nararapat na tawagin na lang nating cryptomoney instead of cryptocurrency  Grin

Ewan kung sino ang geek na gumawa ng definition ng money at currency pero ayaw ko ng gawing komplikado. Currency is the physical form of money na lang siguro  Huh
Kahit ano man ang tawag sa cryptocurrency ang mahalaga ay kumikita tayo,  may ibang ibang tawag ang mga tao sa crypto world. Pero mas kilala natin ito sa tawag na cryptocurrency dahil ito ang nakasanayan na natin at kung babaguhin pa natin ito masyado na silang maguguluhan sa aking palagay lamang. Pero kahit anong itawag nila iisa pa rin naman ang meaning.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
So base sa infographics mas nararapat na tawagin na lang nating cryptomoney instead of cryptocurrency  Grin

Ewan kung sino ang geek na gumawa ng definition ng money at currency pero ayaw ko ng gawing komplikado. Currency is the physical form of money na lang siguro  Huh

Meron pang isang comparison ang dalawa, ito ay medyo generalized.  Actually ang dalawa ayon naman sa definition na ito ay walang pagkakaiba pero may higit na kapasidad ang money kesa sa currency at iyon ay ang pagkakaroon ng store of value.  Ang problem with bitcoins kaya hindi siya gaanong nirerecognize ng mga "expert" as money dahil sa kanyang issue tungkol sa  pagiging poor sa store of value dahil sa high volatility nya.  but na nanalify nya iyon dahil sa kanyang scarcity.  check my post here for more detail at source : https://bitcointalksearch.org/topic/m.51265607
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
So base sa infographics mas nararapat na tawagin na lang nating cryptomoney instead of cryptocurrency  Grin

Ewan kung sino ang geek na gumawa ng definition ng money at currency pero ayaw ko ng gawing komplikado. Currency is the physical form of money na lang siguro  Huh
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Maraming nagkalat na usapan dito sa forum kung ang Bitcoin ba ay currrency o money, nais kong malaman ang inyong mga pananaw tungkol dito.  Subalit bago kayo sumagot nais ko lamang na ipakita sa inyo ang kahulugan at pagkakaiba ng dalawa. 

Isa sa pinakamagandang pagpapaliwanag nito ay ang infographics na mula sa https://www.wallstreetmojo.com/money-vs-currency/

   MONEY   VS  CURRENCY   




Nagulat din ako ng mabasa ko ang infographic na ito.  Ito ang nagpapatunay na ang Bitcoin ay isa palang uri ng "money" kung pagbabasihan natin ang detalye na nakalagay sa infographic.


Note mahirap itranslate ang money at currency sa ating salita dahil parehong nagreresulta ito ng salapi o pera.
Jump to: