Author

Topic: Fake Airdrops on Facebook (Read 470 times)

sr. member
Activity: 644
Merit: 252
July 12, 2020, 01:16:23 AM
#38
Ingat tayo sa mga crypto-related facebook pages na follow natin kasi may mga scammers na ginagamit ang mga ito.

Ganito ginagawa nila para mukhang kapani-paniwala:
  • Gagawa ng pekeng facebook page
  • Kukunin mga profiles ng mga naka-follow
  • Tapos i-share nila profile photo mo sa kanilang page with a message na isa ka sa mga nanalo (see image below)

Kahit saan na lamang ang pang-iScam na yan. Nakakasawa na din, nakakadismaya, at nakakagalit kasi lahat na lamang ay alam nilang gamitin sa masama. Kung mayroon mang mga tao na naloko nito sana ay kapulutan na nila ng aral ito. Ako, halos hindi na ako sumasali sa mga airdrop. Madami akong karanasan sa mga scam na yan noong 2018. Nasayang lamang ang oras. Buti na lamang hindi nahack ang account ko dahil sa airdrop na yan. Sana lang din hindi nila nagamit sa masama ang mga information na nakuha nila sa akin.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
July 09, 2020, 08:08:52 PM
#37
Hindi talaga ako nagtitiwala sa kahit anong bitcoin related na hindi galing sa bitcointalk forum. Masyadong madaming scam na nagkalat sa internet reagarding bitcoin at dahil ganon nga ang sitwasyon doon parin ako nakuha ng impormasyon sa mas mapagkakatiwalaan. Madaming forum about sa bitcoin at mas maganda kung sa kanila ka lamang kukuha ng impormasyon o kahit anong bagay patungkol sa bitcoin.

Ok lang sana kung katulad natin yung makakakita dun, alam na nating kaagad na scam yung mga yun. ang masama lang kapag yung mga newbie nating kababayan ang ma-engganyo sa mga click bait na pinopost ng mga scammers. kawawa talaga sila dahil hindi nila alam kung ano pinasok nila, minsan tsaka palang malalaman nilang scam ito kung naubos na ng scammer nakuha mga pera nila. Kaya dapat lang talaga magbahagi tayo ng ating mga kaalaman dahil hindi natin alam sa simpleng post natin ay meron tayong masasalbang tao.
hero member
Activity: 1106
Merit: 501
July 06, 2020, 06:36:39 PM
#36
Hindi talaga ako nagtitiwala sa kahit anong bitcoin related na hindi galing sa bitcointalk forum. Masyadong madaming scam na nagkalat sa internet reagarding bitcoin at dahil ganon nga ang sitwasyon doon parin ako nakuha ng impormasyon sa mas mapagkakatiwalaan. Madaming forum about sa bitcoin at mas maganda kung sa kanila ka lamang kukuha ng impormasyon o kahit anong bagay patungkol sa bitcoin.
member
Activity: 1120
Merit: 68
June 30, 2020, 05:19:19 AM
#35
Sa tingin ko hindi lang facebook ang may fake airdrops na katulad niyan dahil sa dami ng tao na gumagamit ng iba't ibang social media, madami din silang pwedeng mapain sa ginagawa nilang fake airdrops kaya ang dapat sa mga yan ay maireport ng maaga ng walang taong maiscam.
Hindi lang talaga sa Facebook nagaganap ang pagkakaroon ng scam sa airdrop dahil halos lahat ng social media platforms ay may mga ganitong scam kang makikita dahil ina-advertise nila ito. Naranasan ko lang ang fake airdrop sa isang telegram group at nakaipon ako dito ng mahigit 0.09 btc buti nalang nalaman ko ito sa aking kaibigan na isa pala itong i-scam, kaya naitigil ko din ito at ni-report ko din.
member
Activity: 501
Merit: 10
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
June 28, 2020, 03:37:36 AM
#34
Sa tingin ko hindi lang facebook ang may fake airdrops na katulad niyan dahil sa dami ng tao na gumagamit ng iba't ibang social media, madami din silang pwedeng mapain sa ginagawa nilang fake airdrops kaya ang dapat sa mga yan ay maireport ng maaga ng walang taong maiscam.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
April 30, 2020, 10:24:03 PM
#33
so far wala pa naman ako naeencounter na mga airdrop sa mismong facebook talaga kasi karamihan nasasalihan ko sa mga airdrop at galing sa messenger. payo ko lang sa mga mahilig sumali sa airdrop galing sa facebook ay suriin nalang nang mabuti yung link lalo pa at direct link yung binibigay nila magbasa nang comment dahil malamang may mga feedback yan panigurado...
sr. member
Activity: 1078
Merit: 256
April 21, 2020, 08:43:38 PM
#32
Ginagawa ko plagi para makasigurado kung legit ang Airdrop nila eh nag research muna ako para maka sigurado ako na legit at di sayang ang aking effort sa pag participate sa isang airdrop.

Mga steps na ginagawa ko
1. Googles search
2. Check sa other social media
3. Check kung legit ang website hanap (hanap ng review)

Para narin sa safety eh never invest sa isang airdrop kasi ang airdrop ay bigay lang yan na kapalit ay mga madadaling task
Ung effort na gagawin mo ikaw din naman ang magbebenefits kaya mas magandang magsimula ng nakapag research ka para hindi sayang ung oras at efforts mo, gaya ng ginagawa mo dapat talaga intindihin at siyasatin ung nagpapa airdrops kadalasan dinuduplicate ng mga fake scammers yung mga legit groups or legit na mga business kaya dapat mas malalim na research ang gawin para hindi mabiktima.
copper member
Activity: 392
Merit: 1
April 21, 2020, 02:21:20 PM
#31
Ginagawa ko plagi para makasigurado kung legit ang Airdrop nila eh nag research muna ako para maka sigurado ako na legit at di sayang ang aking effort sa pag participate sa isang airdrop.

Mga steps na ginagawa ko
1. Googles search
2. Check sa other social media
3. Check kung legit ang website hanap (hanap ng review)

Para narin sa safety eh never invest sa isang airdrop kasi ang airdrop ay bigay lang yan na kapalit ay mga madadaling task
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
April 18, 2020, 04:47:17 PM
#30
Maraming mga scammer talaga ito sa facebook dahil na rin madaling gumawa ng account or madaling pikiin ang account dito. Sobrang daming user sa facebook kaya perfect sa mga ganitong scam.

For sure mangungulang ng information tong mga ito para magspam sa email or kay mangscam ng mga user. Nakakatawa lang yong mga crypto groups sa fb dahil maraming mga scammer or affiliate.

Kahit saan ka naman na tumingin ngayon makikita and makikita mo yan mga scam na yan hindi lang Facebook. Youtube, Twitter, and Telegram makikita and makikita mo halos linggo linggo may thread sa mga scams na nagaganap dito. Kaya hindi mo talaga mapipinpoint sa isang website lang may mga nanloloko kasi halos lahat covered nila and lahat may kaya silang mabiktima. Let's just always practice scam awareness lalong lalo na sa mga high traffic sites kasi dito sila madalas mang target ng tao.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
April 17, 2020, 01:33:08 PM
#29
Di na yata yan bago sa facebook, dati yung account ko na nagfollow sa waves sa facebook bigla nalang nanalo ng waves, I think that was 2017 pero hindi ko na rin pinansin dahil takot ako baka mahack lang account ko. Careful lang talaga tayo, lalo na kung need na talag in input ang private details natin like wallet seed or passwords, daming kalokohan sa crypto.
Maraming mga scammer talaga ito sa facebook dahil na rin madaling gumawa ng account or madaling pikiin ang account dito. Sobrang daming user sa facebook kaya perfect sa mga ganitong scam.

For sure mangungulang ng information tong mga ito para magspam sa email or kay mangscam ng mga user. Nakakatawa lang yong mga crypto groups sa fb dahil maraming mga scammer or affiliate.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
April 17, 2020, 09:12:23 AM
#28
Di na yata yan bago sa facebook, dati yung account ko na nagfollow sa waves sa facebook bigla nalang nanalo ng waves, I think that was 2017 pero hindi ko na rin pinansin dahil takot ako baka mahack lang account ko. Careful lang talaga tayo, lalo na kung need na talag in input ang private details natin like wallet seed or passwords, daming kalokohan sa crypto.
member
Activity: 308
Merit: 10
Revolution of Power
April 14, 2020, 02:59:05 AM
#27
Napansin ko din yan sa facebook shinare profile picture at may nanalo na daw kaya report agad para block ng facebook mukhang madami na naman bots ang mga scammer hacker na yan
full member
Activity: 821
Merit: 101
April 13, 2020, 07:24:42 AM
#26
marami na nga talagang nag kalat sa facebook na mga ganyan at marami narin nag report. kaya ginagawa nalang nang facebook ngayon ay parang binaban na yata nila yung mga crypto currency pag tungkol sa mga pa airdrop or mga giveaway.
jan nasisira ung imahe ng crypto dahil sa ginagamit nila ang cryptocurrency para makapanloko ng ibang tao, imbes na i adapt nila ung crypto ,lalo p nilang sinisira.
Yun nga ang problema kaya marami din ang hindi naniniwala sa crypto akala nila scam. Ang dami kasi nagkalat sa facebook na maling info at panloloko ng mga scammers. Marami ka makikita na paraan para kumita gaya nga ng mga giveaways na yan pero majority sa kanila hindi talaga reliable at panloloko lang.

Hindi ito about sa crypto pero recently lang may nagpapasa sa messenger ng link free access daw sa netflix for 2 months. Another scam para ma hack ang facebook kaya ingat mga kababayan.
gagawin lahat ng hacker para makuha ung private information katulad ng fb, email kung san nakalagay ung private details mo kagaya ng bank info at kung ano ano pa. Kaya naman dapat maging maingat n talaga ngayon.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
April 13, 2020, 04:00:57 AM
#25
marami na nga talagang nag kalat sa facebook na mga ganyan at marami narin nag report. kaya ginagawa nalang nang facebook ngayon ay parang binaban na yata nila yung mga crypto currency pag tungkol sa mga pa airdrop or mga giveaway.
jan nasisira ung imahe ng crypto dahil sa ginagamit nila ang cryptocurrency para makapanloko ng ibang tao, imbes na i adapt nila ung crypto ,lalo p nilang sinisira.
Yun nga ang problema kaya marami din ang hindi naniniwala sa crypto akala nila scam. Ang dami kasi nagkalat sa facebook na maling info at panloloko ng mga scammers. Marami ka makikita na paraan para kumita gaya nga ng mga giveaways na yan pero majority sa kanila hindi talaga reliable at panloloko lang.

Hindi ito about sa crypto pero recently lang may nagpapasa sa messenger ng link free access daw sa netflix for 2 months. Another scam para ma hack ang facebook kaya ingat mga kababayan.
copper member
Activity: 658
Merit: 402
April 13, 2020, 03:51:11 AM
#24
Nung isang araw muntikan pa akong mahulog sa trap ng phishing link dahil sa ganda ba naman ng offer aakalain mo totoo.
Nako kabayan! mag-iingat palagi dahil yung ganito ngayon ay parang legit na talaga yung tipong kuhang-kuha na yung lahat ng detalye kaya hirap tayong idistinguish kung legit ba o hindi. Ang facebook ay isa mga social media site na puno ng mga fake airdrop/giveaways at kung baguhan ka palang sa ganito panigurado maloloko ka nila. Kahit naman sino maaring mabiktima ng phishing link lalo kung tulad ito ng lehitimong project pero kung ikaw naman masipag sa pagresearch panigurado agad-agad mo rin malalaman kung ito ba ay tunay o hindi. At, sobrang hirap na ngayon magtiwala sa internet dahil talamak na yung mga fake aidrop at alam naman natin na ang iba satin ay gustong-gusto agad kumita kaya minsan ay nahuhulog sila sa ganito.

Marami na akong nakitang ganito pero hindi ko naman ito binibigyang pansin dahil nakakatakot na kung makukuha nila ang inyong mga importanteng impormasyon tulad nalang ng password,email at private key, at kung sasali man ako/tayo sa ganito ichecheck muna natim ito sa forum dahil pagdating sa ganyan malalaman agad natin kung tunay or hindi.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
April 13, 2020, 01:21:43 AM
#23
Nung isang araw muntikan pa akong mahulog sa trap ng phishing link dahil sa ganda ba naman ng offer aakalain mo totoo. mabuti nalang meron tayong experience sa mga katulad ng mga ganong pangloloko. kaya agad naman itong naiwasan ko, salamat na rin sa mga kababayan natin na walang sawang nagshashare nga mga bagong kaalaman upang maiwasan ang mga scams na katulad nito. pero sa kasamaang palad ay marami pang nabibiktima na mga walang alam kaya mas makakabuti rin sa atin na ishare din yung ating mga kaalaman sa ating mahal sa buhay at sa mga kaibigan na hindi miembro ng Bitcointalk para naman magka ideya sila kung ano ang ibig sabihin ng phishing.
full member
Activity: 821
Merit: 101
April 13, 2020, 12:42:50 AM
#22
marami na nga talagang nag kalat sa facebook na mga ganyan at marami narin nag report. kaya ginagawa nalang nang facebook ngayon ay parang binaban na yata nila yung mga crypto currency pag tungkol sa mga pa airdrop or mga giveaway.
jan nasisira ung imahe ng crypto dahil sa ginagamit nila ang cryptocurrency para makapanloko ng ibang tao, imbes na i adapt nila ung crypto ,lalo p nilang sinisira.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
February 29, 2020, 08:57:29 AM
#21
Naranasan ko na rin ito.
Pero Stellar Lumens (XLM) naman shinashare nila yung picture ko sa Facebook Tapos ganyan din nanalo daw ako etc.  Tapos kailangan ko mag log in gamit private keys ko kaya naman alam ko agad na fake dahil ito at Phising Website.
Grabd naman yan naexpose yung identity mo diyan kabayan nakakatakot baka mamaya gamitin yung name at mukha mo para sa pangiiscam sa ibang mga tao at baka mamaya sisihin ka pa nung naloko nila. Kaya next time huwag na nating hayaan na magjoin kung saan dahil lahat ng mga website o anu man nasa online ay maraming scammer at hacker.
sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
February 29, 2020, 08:18:37 AM
#20
Naranasan ko na rin ito.
Pero Stellar Lumens (XLM) naman shinashare nila yung picture ko sa Facebook Tapos ganyan din nanalo daw ako etc.  Tapos kailangan ko mag log in gamit private keys ko kaya naman alam ko agad na fake dahil ito at Phising Website.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 22, 2020, 04:10:08 AM
#19
~
May gumagamit pa pala ng Facebook ngayon? ~

Una palang wala nakong pinagkakatiwalan sa mga ganyan. Maigi ng wag magfacebook o sumali sa mga group na puro ganyan kaysa mamroblema pa. Hindi naman sapat na gamit ang fb para maturuan yung ibang nagrereply ng "paano po pm sent".
Marami pa actually. I would guess na FB pa din ang most used app dito sa Pinas. I wouldn't argue na maraming trash contents dun pero marami pa din mga crypto projects ang gumagamit kaya sinusundan pa din ng mga hackers.

Sad to say na kahit pauli-ulit tayo at parang sirang plaka na kakabigay ng babala, meron pa din nabibiktima. I personally know someone na muntik ng mabiktima ng same method kagaya ng nasa OP pero fake coinsph page naman ang ginamit ng scammer. Mabuti na lang naisipan muna magtanong sa akin bago magtuloy.



Brand new sa paningin ko ang ganitong modus ahh, Sobrang creative ng mga scammer mag isip ng mga idea para manglamang ng sa kapwa nila tao. Really didn't expect na gagamitin pa nila ang airdrop to execute their scam scheme.
This isn't the first time na nakita ko ganitong style. Kung hindi ako nagkakamali around 2018 pa yung una at fake Waves giveaway naman. Nagkataon lang siguro na wala kang followed or liked crypto fb page. Parang yung mga ginagaya nilang pages ay yung may legit giveaways din.

Parang low budget scam lang din kasi to, Gumamit lang ang scammer ng free domain which is webhost. Dun palang sa link ay mahahalata ko na as an IT na scam website yun. Pero for most of the people na hindi masyado aware sa domain names ay pwedeng mabiktima ng ganitong modus.
Oo nga eh. Sa mata ng newbies, high level na yan kaya napapaniwala at nabibiktima.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
February 21, 2020, 01:51:35 PM
#18
Brand new sa paningin ko ang ganitong modus ahh, Sobrang creative ng mga scammer mag isip ng mga idea para manglamang ng sa kapwa nila tao. Really didn't expect na gagamitin pa nila ang airdrop to execute their scam scheme.

Parang low budget scam lang din kasi to, Gumamit lang ang scammer ng free domain which is webhost. Dun palang sa link ay mahahalata ko na as an IT na scam website yun. Pero for most of the people na hindi masyado aware sa domain names ay pwedeng mabiktima ng ganitong modus.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
February 20, 2020, 08:26:27 PM
#17
Naalala ko din yong nangyare saken (Last week lang ito actually). Ipinost nga ang profile ko  at nakalagay doon na "Congratulations, you are the winner"  blah blah at may link pa na need daw iclick para ma claim yong prize. Kung walang masyadong knowledge ang isang tao sa bago nilang style, mai engganyo ka talagang mag click.

Obviously, it was a scam or a phishing link. Bago ako nag click nabasa ko din sa mga nabiktima na nawala ang laman ng wallet nila. Sad, but totoong ginagamit nila ang facebook para makapanloko pa din ng kapwa.

full member
Activity: 840
Merit: 105
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
February 20, 2020, 12:50:57 PM
#16
~

May gumagamit pa pala ng Facebook ngayon? I mean messenger lang gamit ko roon. Kasi dati palang way back 2016 is nabobombard na ang facebook ng sobrang daming shitposts at non-sense news (madalas is peke at masyadong too good to be true) kaya hindi nako masyadong nag gagagamit nito. Tapos recently nagbrowse din ako and even joined a facebook group page na related sa cryptocurrency and wala na, nagsisi ulit ako after kong makita mga posts don kasi ang daming nagtatanong "how" tas need pa iPM ng mga hindi ganon maalam sa crypto like bakit hindi nila sabihin ng direkta kung legit diba?

Una palang wala nakong pinagkakatiwalan sa mga ganyan. Maigi ng wag magfacebook o sumali sa mga group na puro ganyan kaysa mamroblema pa. Hindi naman sapat na gamit ang fb para maturuan yung ibang nagrereply ng "paano po pm sent".
sr. member
Activity: 1456
Merit: 267
Buy $BGL before it's too late!
February 17, 2020, 10:19:53 AM
#15
Talamak talaga ang mga scammer sa social world lalo na dyan sa facebook kaya ingat ingat den sa pag lilike ng mga page lalo na kapag too good to be true ito. Muntikan na akong mascam gamit ang facebook buti nalang talaga at marami na akong nababasa na kagaya nito. Maging maingat at wag basta basta magpapabulag sa mga small free tokens.
mas marami daw kasi mabibiktima sa social media sir kasi halos lahat ng tao may fb account, hindi lng fake airdrops ang talamak dun kundi samut saring scaman ang naroon.  Nakakalungkot lng na marami pa ring mga tao ang naniniwala sa mga un.
Marami p rin kasing naniniwala sa easy money kaya andaming napapahamak sa pagsali sa mga ganitong fake airdrops sana lang maging tanda ung mga ganitong post para makaiwas at maging full aware ang mas marami. Dapat mas maging maingat para wag basta basta madadale ng mga scammers. Merong mga legit pero kailangan talagang pag aralan ng maigi.
newbie
Activity: 113
Merit: 0
February 17, 2020, 08:59:53 AM
#14
Kapag yung mga airdrops, promos o rewards galing sa facebook hindi talaga ko naniniwala kalimitan kasi sa fb puro fake sa dami ng scammer though kahit sa ibang social media sites naman ganun din.

Lagi din tayo mag ingat sa mga link na sinesend lalo na sa messenger kasi may possibility na phishing site yun, lalo na yung mga baguhan kasi sila madalas mabiktima.

Sa telegram at twitter talamak din yan kaya be aware sa gusto salihan kung ayaw mo magsisi sa huli.


Nabiktima na ako ng phishing site na un, kaya doble ingat ako ngayon sa pag join sa mga pinopost na mga link.
tsaka nga ung facebook mismo may fake na website.. nag sisend sila ng notice na may problema daw ang pag log in sa account ko

ganito ang message:

Facebook

We noticed you're having trouble logging into your account. If you need help, click the button below and we'll log you in.

Log In With One Click
 
Why did you receive this email?

There was an unsuccessful login attempt on your account. If this wasn't you, let us know.

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 17, 2020, 01:20:18 AM
#13
Since the name of the thread is in english I'll give my opinion.

Long ago I joined quite a lot of crypto groups on facebook, slowly exited them all, all groups i seen including bitcoin philipinas keeps promoting probable scam sites services and freebitcoins. I would stay away rather than lose time.
I was surprised to see you here. I thought you were one of us. To fully understand my post, you can visit the other thread (translated) I made in the service discussion board - Be careful of the fake airdrops/giveaways on facebook
legendary
Activity: 2366
Merit: 1048
February 16, 2020, 08:56:41 AM
#12
Since the name of the thread is in english I'll give my opinion.

Long ago I joined quite a lot of crypto groups on facebook, slowly exited them all, all groups i seen including bitcoin philipinas keeps promoting probable scam sites services and freebitcoins. I would stay away rather than lose time.
hero member
Activity: 1946
Merit: 502
February 16, 2020, 08:54:45 AM
#11
Talamak talaga ang mga scammer sa social world lalo na dyan sa facebook kaya ingat ingat den sa pag lilike ng mga page lalo na kapag too good to be true ito. Muntikan na akong mascam gamit ang facebook buti nalang talaga at marami na akong nababasa na kagaya nito. Maging maingat at wag basta basta magpapabulag sa mga small free tokens.
mas marami daw kasi mabibiktima sa social media sir kasi halos lahat ng tao may fb account, hindi lng fake airdrops ang talamak dun kundi samut saring scaman ang naroon.  Nakakalungkot lng na marami pa ring mga tao ang naniniwala sa mga un.
sr. member
Activity: 896
Merit: 267
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
February 16, 2020, 07:56:50 AM
#10
Kapag yung mga airdrops, promos o rewards galing sa facebook hindi talaga ko naniniwala kalimitan kasi sa fb puro fake sa dami ng scammer though kahit sa ibang social media sites naman ganun din.

Lagi din tayo mag ingat sa mga link na sinesend lalo na sa messenger kasi may possibility na phishing site yun, lalo na yung mga baguhan kasi sila madalas mabiktima.

Sa telegram at twitter talamak din yan kaya be aware sa gusto salihan kung ayaw mo magsisi sa huli.


Well totoo naman sa facebook dominant na ang mga pekeng bagay including yang mga airdrops na yan kaya kahit gaano pa ka solid yung offer wag na wag kayong magkakainterest. About naman sa pagcclick ng mga link diyan tayo madalas nadadale ng scammers eh once na clinick mo na yung link its either mamanipulate ka nila using yung web page na mapupuntahan mo para makuha infos mo or right after you click hindi mo alam naaaccess na pala phone mo so as much as possible triple check every link, messages, emails na sinisend sayo or mas okay not to entertain yung ganon, better to lose that your so called chance sa airdrop than possibly lose your info and coins.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
February 16, 2020, 04:00:34 AM
#9
Kapag yung mga airdrops, promos o rewards galing sa facebook hindi talaga ko naniniwala kalimitan kasi sa fb puro fake sa dami ng scammer though kahit sa ibang social media sites naman ganun din.

Lagi din tayo mag ingat sa mga link na sinesend lalo na sa messenger kasi may possibility na phishing site yun, lalo na yung mga baguhan kasi sila madalas mabiktima.

Sa telegram at twitter talamak din yan kaya be aware sa gusto salihan kung ayaw mo magsisi sa huli.

sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
February 15, 2020, 06:11:07 PM
#8
Talamak talaga ang mga scammer sa social world lalo na dyan sa facebook kaya ingat ingat den sa pag lilike ng mga page lalo na kapag too good to be true ito. Muntikan na akong mascam gamit ang facebook buti nalang talaga at marami na akong nababasa na kagaya nito. Maging maingat at wag basta basta magpapabulag sa mga small free tokens.
hero member
Activity: 1946
Merit: 502
February 15, 2020, 06:03:08 PM
#7
Basta laging tandaan kung maredirect man kayo sa isang site lagi niyo titignan ung url kung tama b lalo ung myetherewallet .com jan kasi nadadali ung ibang users, lalo ung mga tao n gustong gusto magkaroon ng free token di n nila iniisip kahit private details n kinukuha sa kanila.
full member
Activity: 680
Merit: 173
Giggity
February 15, 2020, 01:02:28 PM
#6
Nascam nadin ako sa mga ganyan ang laki kasi ng pinangakong ibibiga, Kay hindi talaga maiiwasan yang mga ganyan nasisilaw kasi sila sa halaga na ibinibigay at higit pa dun mabilis lang kitain kaya nahihikayat kaagad, kaya naawa nalang ako minsan sa iba nating kababayan na nahihikayat sa mga ganyan, sapat na kaalaman lang talaga kailangan para maiwasan yang mga ganyang scams at pagbibigay narin siguro ng babala wag na natin silang hayaan na sumali pa at sabihan na kaagad, pero sabi nga nila matututo ka sa kamalian mo,
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
February 08, 2020, 06:34:34 PM
#5
Ingat tayo sa mga crypto-related facebook pages na follow natin kasi may mga scammers na ginagamit ang mga ito.

Ganito ginagawa nila para mukhang kapani-paniwala:
  • Gagawa ng pekeng facebook page
  • Kukunin mga profiles ng mga naka-follow
  • Tapos i-share nila profile photo mo sa kanilang page with a message na isa ka sa mga nanalo (see image below)
....

Ang hirap din kasi kung hindi ka ganun ka knowledgeable sa mga fake websites eh lalo na't gumamit pa ng URL shortener yung nasa post mo. I mean to be honest onti lang maloloko niyan dito sa forum kasi almost karamiihan na satin is alam na yung ibang scam and hacking techniques sa sobrang daming threads na ginawa dito for awareness and prevention. Kaya di ako masyadong nagpapa-follow din ng mga crypto groups and pages eh kasi puro lang useless links yung andun kahit airdrops pinepeke pa.

And also, hindi lang yan yung way. Minsan may mga greedy talaga na ippm ka pa tas need mo maginvest before you get your "premyo". Nakakaawa in the end yung mga hindi maalam sa ganitong scams.

Dapat wag nalang natin e grab ang kunting opportunity na tingin ninyo na legit. Suriin muna bago mag desisyon upang hindi masadlak sa kasamaang palad. Ang scam ay maiiwasan kung tayo ang may kaalaman sa mga nangyayari sa ating paligid. Kaya ingat lang at huwag padalos dalos sa kahit anong nakikita, dahil hindi lahat ng sa tingin nating maganda ay mapagkatitiwalaan.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 374
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
February 08, 2020, 02:17:49 PM
#4
Ingat tayo sa mga crypto-related facebook pages na follow natin kasi may mga scammers na ginagamit ang mga ito.

Ganito ginagawa nila para mukhang kapani-paniwala:
  • Gagawa ng pekeng facebook page
  • Kukunin mga profiles ng mga naka-follow
  • Tapos i-share nila profile photo mo sa kanilang page with a message na isa ka sa mga nanalo (see image below)
....

Ang hirap din kasi kung hindi ka ganun ka knowledgeable sa mga fake websites eh lalo na't gumamit pa ng URL shortener yung nasa post mo. I mean to be honest onti lang maloloko niyan dito sa forum kasi almost karamiihan na satin is alam na yung ibang scam and hacking techniques sa sobrang daming threads na ginawa dito for awareness and prevention. Kaya di ako masyadong nagpapa-follow din ng mga crypto groups and pages eh kasi puro lang useless links yung andun kahit airdrops pinepeke pa.

And also, hindi lang yan yung way. Minsan may mga greedy talaga na ippm ka pa tas need mo maginvest before you get your "premyo". Nakakaawa in the end yung mga hindi maalam sa ganitong scams.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
February 07, 2020, 07:44:18 AM
#3
Ang facebook ay napasok na talaga ng mga scammer and hacker ngayon dahil kaya yan ang puntirya nila dahil billion ang tao na gumagamit niyan kaya naman makakapagloko sila ng kapwa nila gaya na lang ng fake airdrop at kung ano ano oang fake sa facebook kaya naman mas maganda huwag agad sasali at mag-iinvest research muna para iwas loko.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 329
February 07, 2020, 06:30:13 AM
#2
Bukod jaan may mga page din bigla ka nalang daw nanalo daw ng stellar lumen tapos memention ka at i tatag para mukhang makatotohanan. Ang masama nun may photo mo pa na gagamitin.
Meron din naman na usong uso din yung gagayahin ung logo at name ng isang project .tapos mag popost ng to good to be true na investment, kung hindi ka maging alerto sa pag check pwede ka mabiktima kasi doon mismo sa update sila ng rereply using the page.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
February 07, 2020, 02:46:43 AM
#1
Ingat tayo sa mga crypto-related facebook pages na follow natin kasi may mga scammers na ginagamit ang mga ito.

Ganito ginagawa nila para mukhang kapani-paniwala:
  • Gagawa ng pekeng facebook page
  • Kukunin mga profiles ng mga naka-follow
  • Tapos i-share nila profile photo mo sa kanilang page with a message na isa ka sa mga nanalo (see image below)



Yung link na binigay dun sa post nila ay isang fake website (do not visit)
Code:
https://sites.google.com/site/exmrfdnairdropprograms/



Yung "Get 2500 EXMR" ay papupuntahin ka sa fake MEW at ang objective talaga nila ay makuha ang iyong PK (do not visit website and/or enter private key)
Code:
https://airdrop-programs-erc2.000webhostapp.com/myetherwallet.html?/access-my-wallet





Kahit anong popular page ay pwede nilang gayahin kaya make sure na double o triple check niyo muna ang legitimacy ng mga ganitong airdrops/giveaways. Patulong na din sa pag-report ng mga websites na nabanggit sa itaas sa https://safebrowsing.google.com/safebrowsing/report_general/

Sa mga gusto din i-report yung pekeng facebook page na nabanggit ko, ito yun
Code:
https://www.facebook.com/EXMR-FDN-Rewards-105736020998129/
Jump to: