Author

Topic: [FILIPINO]Ano Nga Ba Ang Post na May Kalidad? (Read 403 times)

sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Para sa akin ang mga post na may kalidad yung mga post na pinagiisipan talaga, minsan galing sa ibang linguahe pagkatapos nung sinaling na sa lenguahe natin pinaghirapan at pinaganda pa. hindi yung kinopy paste lang sa google translate tapos hindi na inayos mag mumukhang walang ka effort2x kaya minsan ang hirap intindihin.
Dapat galing sa isipan mo yung mga pinpost mo,  marami kasi sa mga tao ngayon hindi makuntento sa kung anong mayroon ang isipan nila maaari silanf mag-aral o magbasa basa kung gugustuhin nila para naman makapag-isip sila ng maaayos ng ipopost nila para hindi sila nagcocopy paste na bawal sa ating forum o kahit sa mang larangan. Dapat din andun yung Idea nung post ng isang tao para maintindihin ng lahat.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Modding Service - DM me!
Nice thread.

For short, Quality posts are those who have structure, information, and sense.

Kahit ano pa yan, basta may ambag sa iisang discussion, it's considered as quality post. Ngayon kasi ang basehan ng quality posts ay yung mga mahahaba lang pero nagkakamali kayo. Even a picture, you can analyze and formulate a lot of meaning there, marami kang maiisip and at the same time makakabuo ka ng panibagong analysis regarding sa topic na pinaguusapan niyo.

Wala akong gustong i-degrade dito pero karamihan sa atin ay wala ng sense ang pinagsasabi, puro common at similar replies lang ang nakikita ko dito. Lahat sila sinasabi na "for the betterment daw ng forum ang mga ganitong thread". Kadalasan high rank member pa ang mga pasimuno ng non-sense replies, walang ginawa kundi atupagin ang tasks for the bounty.

Basta ako, I only considered a post as a quality post if may ambag yon about sa topic. If wala, It might considered as shitposting kasi non-sense lang ang pag-reply at para saan pa diba? How can you considered it as a part of your thread if hindi naman related ito sa topic mo? I do have a point here pero it's kinda rude ba? Uunahan ko na kung may matamaan man, please be a better member here, lahat tayo pataas at paangat! Huwag tamarin sa pagiisip ng statements, it's a forum, not a social media platform.

Be a quality poster!


 
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Salamat sa effort, sana makita ng mga kapwa natin pinoy ito dahil alam kung marami tayo dito, pero kunti lang ang active dito sa local.
Malaking tulong yan para maiwasan ang spam, at tsaka yung plagiarism talaga malaking offense dahil perma ban.


I agree, grabe and wave ban sa ngayon, kahit mga Legendary accounts na baban talaga.

Anyways, maganda ng yung mga nilalaman ng akda ni @Coolcryptovator at maayos naman ang pagkakasalin sa wikang Tagalog ni @r1a2y3m4, so props to both of you.
Napaka lalim naman ng tagalog nito, nakakatuwa lang. Ang kalidad na post talaga dito ay kailangan para mapangalagaan mo ang iyong saril at syempre maging matulungin lang tayo and for sure maraming blessing ang darating sa atin. Magtiwala ka lang, maging active and makipagusap ng maayos dapat alam mo rin ang mga sinasabe mo.
full member
Activity: 1232
Merit: 186
Para sa akin ang mga post na may kalidad yung mga post na pinagiisipan talaga, minsan galing sa ibang linguahe pagkatapos nung sinaling na sa lenguahe natin pinaghirapan at pinaganda pa.

Agree ako dyan bro kasi kapag napunta ka talaga sa international boards ay sobrang dami mong matututunan. Nagkalat lang ang mga ideas dyan, ang kailangan na lang gawin ay i-compile mo yun at bumuo ng post na may meaningful thought. I just want to clarify, getting inspiration or ideas from a specific post is GOOD but translating it to Filipino only or even using most of the content of the original post is a big NO! Para sa akin ay hindi maituturing na quality post ang ganun because a real one requires your own imagination and style as well.
hindi yung kinopy paste lang sa google translate tapos hindi na inayos mag mumukhang walang ka effort2x kaya minsan ang hirap intindihin.
Well, if that's the case then good luck na lang sa guilty na yun kasi mataas ang chance na mag bye bye (ma-ban) account nya once na mahuli lol. Kaya para sa mga kapwa ko posters, study na lang kayo kesa naman sa mga "easy but risky" ways Smiley
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Para sa akin ang mga post na may kalidad yung mga post na pinagiisipan talaga, minsan galing sa ibang linguahe pagkatapos nung sinaling na sa lenguahe natin pinaghirapan at pinaganda pa. hindi yung kinopy paste lang sa google translate tapos hindi na inayos mag mumukhang walang ka effort2x kaya minsan ang hirap intindihin.
full member
Activity: 504
Merit: 127
Match365> be a part of 150BTC inviting bonus
You've have been given 8 numbers of the possible quality post but I've not seen posting memes is a part of good quality post.
Ma consider mo ba ang pagpopost ng memes image is a part of a good quality post?
I think it's also a good quality post. Since, unique ang post na yan. Iba iba din kasi interpretation natin ng quality post eh. And if you will ask my opinion about this, I consider this a quality post. I'm a meme fan Grin. Mas malupet kung meme ni Bong Revilla nandyan lol. I'll just add this info sa OP. Thanks for adding this. I only worked in translating this but, I guess adding some additional information could help Wink.
sr. member
Activity: 2436
Merit: 343
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Learning is a process and we never think that it can be instant. Alam naman natin na may iba't ibang wika tayong ginagamit kahit sa iisang bansa lang tayo may Bisaya, Tagalog, Ilokano at iba pa..Kaya hindi natin kailangan pang maging magaling sa wikang Ingles kasi hindi nman natin ito ginagamit araw-araw, mostly dito lang sa forum.
Kunga palagi tayong magbasa or gamitin nating yung grammarly medyo aayos yung mga post natin.
legendary
Activity: 2534
Merit: 1233
Well said OP, it is a big help to our fellow countrymen especially newbies that they inform how to post with a high-quality post.

Don't worry guys, sa una lang yan. Believe me. Magbabago yan as time pass by Wink. Believe in yourself, focus kayo sa Bahay, tell your parents/families to speak in English. It's a good practice.
Mahina talaga ako sa wikang Eglish minsan pa nga wrong grammar buti nalang may tools akong ginagamit yung grammarly pero minsan naging awkward basahin kapag hindi mo maayos ang sentence mo. I usually watching foriegn movie na may sub title malaking tulong sila sa atin para mapalawak pa ang pagsasalita ng English.



You've have been given 8 numbers of the possible quality post but I've not seen posting memes is a part of good quality post.
Ma consider mo ba ang pagpopost ng memes image is a part of a good quality post?
Loading...
full member
Activity: 504
Merit: 127
Match365> be a part of 150BTC inviting bonus
Salamat sa effort, sana makita ng mga kapwa natin pinoy ito dahil alam kung marami tayo dito, pero kunti lang ang active dito sa local.
Malaking tulong yan para maiwasan ang spam, at tsaka yung plagiarism talaga malaking offense dahil perma ban.

We are doing a lot of effort for our local board to be active again. Mas maganda na maging active to kesa maging dull and inactive. So far guys, we're doing a great job. Let's make Philippine board great again! And don't thank me on this, pasalamatan niyo si Coolcryptovator for this.

Don't worry guys, sa una lang yan. Believe me. Magbabago yan as time pass by Wink. Believe in yourself, focus kayo sa Bahay, tell your parents/families to speak in English. It's a good practice.
full member
Activity: 798
Merit: 104
Maayos naman ang pagkakasalin sa Tagalog salamat OP sa magandang guide na ito mas lalo ng mauunawaan ng iba kung papaano nga ba masasabi na my kalidad ang pinopost nila, sa akin naman as long as you help to other by answering right maiksi man o mahaba basta ang mahalaga nandun yung nilalaman at hindi basta basta kinuha o natranslate sa google.
legendary
Activity: 3038
Merit: 1169
Isa din ako sa hindi kagalingan mag-english dito sa forum na to at minsan nahihirapan din ako magcompose ng sentence gamit ang English. Nakakaintindi naman ako ng English pero di ako gaano kafluent kapag nagcocompose. Ang ginagawa ko na lang ay nagtatranslate ako ng gusto kong sabihin mula sa Tagalog to english, sa pamamagitan ng google translator pero minsan hindi ganon kaaccurate ang pagtranslate ni google translator kaya nirerevise ko na lang ito.

Mahirap nga na mag transtale ng direkta sa google translate and pwede pang mabago ang kahulugan kapag dun ka gumawa ng grammar correction mo, and hindi naman ako gaanong kagaling dati magpost sa english pero nung tumagal nasanay narin ako sa pag post at pagconstruct ng english sentence and sa pag check ng grammar ko, Grabe talaga improvements ko sa forum na to,

And para sa mga nahihirapan talaga na magcompose ng sentence and sablay sa grammar, Alam ko may google application na grammarly para maitama yung mga grammar, sentence, Spelling tingin ko makakatulong to.
full member
Activity: 280
Merit: 102
Isa din ako sa hindi kagalingan mag-english dito sa forum na to at minsan nahihirapan din ako magcompose ng sentence gamit ang English. Nakakaintindi naman ako ng English pero di ako gaano kafluent kapag nagcocompose. Ang ginagawa ko na lang ay nagtatranslate ako ng gusto kong sabihin mula sa Tagalog to english, sa pamamagitan ng google translator pero minsan hindi ganon kaaccurate ang pagtranslate ni google translator kaya nirerevise ko na lang ito.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Ito talaga ang batayan para masabi kung maganda ang content ng post mo para makakuha ng merit kaya salamat sa pag translate mo sa tagalog nito.

Alam natin marami sa quality post na hindi nabibigyang merit so kahit mabigyan ka mg merit hindi pa rin ibigsabihin nun na quality na yung post pero dahil malay mo nagustuhan niya lang yung Idea na yun
Tama ka dyan, may nakikita akong post na deserve magkaron ng merit pero hindi nabibigyan at marami dito satin nyan na mga useful thread at mga guide pero iilan lang ang nakukuhang merit.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Alam natin marami sa quality post na hindi nabibigyang merit so kahit mabigyan ka mg merit hindi pa rin ibigsabihin nun na quality na yung post pero dahil malay mo nagustuhan niya lang yung Idea na yun pero hindi na kakaiba kung titignan mo dahil marami na rin ang Idea na yun at ikaw lang ang natiyempuhan.  Pero salamat pa rin dito dahil gumawa ka pa nito para makatulong ka sa amin na malaman ang kalidad ng post.
hero member
Activity: 2632
Merit: 833
Salamat sa effort, sana makita ng mga kapwa natin pinoy ito dahil alam kung marami tayo dito, pero kunti lang ang active dito sa local.
Malaking tulong yan para maiwasan ang spam, at tsaka yung plagiarism talaga malaking offense dahil perma ban.


I agree, grabe and wave ban sa ngayon, kahit mga Legendary accounts na baban talaga.

Anyways, maganda ng yung mga nilalaman ng akda ni @Coolcryptovator at maayos naman ang pagkakasalin sa wikang Tagalog ni @r1a2y3m4, so props to both of you.
hero member
Activity: 2716
Merit: 904
Salamat sa effort, sana makita ng mga kapwa natin pinoy ito dahil alam kung marami tayo dito, pero kunti lang ang active dito sa local.
Malaking tulong yan para maiwasan ang spam, at tsaka yung plagiarism talaga malaking offense dahil perma ban.
full member
Activity: 504
Merit: 127
Match365> be a part of 150BTC inviting bonus
Minsan kailangan din ng magandang presentation ng mga text at table para maengganyo ang mga readers.
Almost similar to Infographics.

Siguro imbes na "suhestyon" ang gamitin, mas maganda siguro kung "mungkahi"?
Mas maganda nga sigurong pakinggan to kapatid. I changed it from suhestyon to mungkahi. Those words are just the same pero mas maganda nga sigurong pakinggan yung mungkahi.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Ang may akda ng orihinal na paksa ay si Coolcryptovator I thank him for giving his permission to me posting on our board to help my fellow kababayan. Eto yung orihinal na topic: https://bitcointalksearch.org/topic/what-is-quality-post-really-5109908.
Although I don't know FILIPINO language but tried to understand above quote from google translate (with English). Yes I am aware about this translation and OP took my permission via PM. Thanks OP spread my article on your native language and helping community. Good effort,  Keep it up. 

Good guide



Almost similar observation. Kadalasan mga ganyang paksa nga ang nabibigyan ng pansin at gantimpala. Minsan kailangan din ng magandang presentation ng mga text at table para maengganyo ang mga readers.

- - -
Siguro imbes na "suhestyon" ang gamitin, mas maganda siguro kung "mungkahi"?
full member
Activity: 504
Merit: 127
Match365> be a part of 150BTC inviting bonus
Ang may akda ng orihinal na paksa ay si Coolcryptovator I thank him for giving his permission to me posting on our board to help my fellow kababayan. Eto yung orihinal na topic: https://bitcointalksearch.org/topic/what-is-quality-post-really-5109908.
Although I don't know FILIPINO language but tried to understand above quote from google translate (with English). Yes I am aware about this translation and OP took my permission via PM. Thanks OP spread my article on your native language and helping community. Good effort,  Keep it up. 
I believe that there's no need for thanking me for this effort. This is clearly your effort and your effort probably could make a change for Filipino people for them to be encouraged in doing quality posting. And the person we need to thank is no other than you. Thank you so much again.
legendary
Activity: 2422
Merit: 2228
Signature space for rent
Ang may akda ng orihinal na paksa ay si Coolcryptovator I thank him for giving his permission to me posting on our board to help my fellow kababayan. Eto yung orihinal na topic: https://bitcointalksearch.org/topic/what-is-quality-post-really-5109908.
Although I don't know FILIPINO language but tried to understand above quote from google translate (with English). Yes I am aware about this translation and OP took my permission via PM. Thanks OP spread my article on your native language and helping community. Good effort,  Keep it up. 
full member
Activity: 504
Merit: 127
Match365> be a part of 150BTC inviting bonus
Ang may akda ng orihinal na paksa ay si Coolcryptovator I thank him for giving his permission to me posting on our board to help my fellow kababayan. Eto yung orihinal na topic: https://bitcointalksearch.org/topic/what-is-quality-post-really-5109908.



Ano nga ba ang post na may kalidad?
Nung sinimulang magkaroon ng merit system ang salitang quality post ay palagi na lamang ay nababanggit. Pero walang nagsasabi kung ano ba talaga ang quality post. Kapag ang usapan ay tungkol sa merits, napaguusapan din ang paggawa ng post na may kwality. At ang katotohanan ay, kapag hindi ka nakagawa nang post na may kalidad, hindi ka rin magkakaroon ng merits.

Kung may thread na katulad nito, wala na akong magagawa dahil gusto ko lang isiwalat ang aking opinyon kung ano ba talaga ang post na may kalidad. Kung may mga miyembro dito na hindi sang ayon sa aking opinyon, nawa'y magiwan ng kanilang komento. Ito'y makakatulong sa mga newbie na gumawa nang post na may kalidad. Akin nang isisiwalat sa ibaba;

1. Kapaki-pakinabang na topic o paksa; Kinokonsider ko ang mga topic na kapaki-pakinabang bilang isang post na may kalidad at kapag ako'y may merit ito'y aking binibigay. Ang mga post o topic na nakakatulong sa mga miyembro ay kinokonsider ko na quality post. Halimbawa, ikaw ay gumawa ng post tungkol kung pano mo maisasalba ang iyong wallet, kapag natatangi ang iyong post, ito'y  isang quality post.

2. Maayos na pagkakabuong komento; hindi naman dapat lagi kang gagawa nang panibagong topic para maging quality post. Maaari kang makagawa nang quality post kahit sa pagkokomento lang sa ibang tao gamit ang sarili mong opinyon. Maayos na pagkakabuong komento ay ang pag reply sa topic at makagawa nang pinakatumpak na sagot o di kaya solusyon sa problema. Halimbawa, may nagtanong ng Pano ko maisasalba ang aking wallet? Maaari kang magbigay nang tips para sa OP. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

3. Infographics topic; Minsan kailangan natin mag post ng infographics para maexplain natin nang maayos. Halimbawa na lang ang pag sign ng message sa bitcoin address, maaari kang gumawa nang infographics upang madaling malaman nang mga users ang nais mong ipabatid. Napakaraming forum member dito ang hindi masyado marunong mag ingles, pero ang infographics ay makakatulong sa kanila. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

4. Analysis post; Maaari kang gumawa nang isang topic o komento gamit ang analysis. Maaari ito'y tungkol sa forum o kaya naman sa cryptocurrency mismo. Minsan ay madami tayong natututunan sa mga ganitong uri ng post.  Halimbawa nito ay ang paggawa ng analysis tungkol sa merit, trust at kung ano pang tungkol sa crypto. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

5. Historical post; Marami dito sa atin ay mahina sa history, minsan ayaw na lang natin alamin ito. Kung ikaw ay makakagawa nang historical post, maaari itong makatulong sa amin sa pagtuklas nang iba't ibang mga pangyayari. Kunwari, gagawa ka ng post about sa history ng bitcoin. Sa historical post, kailangan mong alamin lahat lahat tungkol sa gusto mong ipabatid. Ang ganitong uri ng post na tumutukoy sa history ay isang post na may kalidad.

6. Experimental post; Maaari ang paksa mo dito ay tungkol sa forum mismo o sa cryptocurrency. Halimbawa, gumawa ka ng experimental post tungkol sa blockchain, kung pano gumagana ito at kung paano natin ito mapapabuti pa at iba pa. Ang ganitong uri ng post ay isang quality post.

7. Post na nagbibigay nang mungkahi; Ang suggestional post ay napakaimprotante sa mga baguhan. Maaari kang magbigay ng suggestional post na makatutulong sa mga bagong forum users. Maaari ka ring gumawa ng post tungkol sa pagpapabuti pa ng forum. Kapag ang mungkahi mo ay kakaiba at makakatulong sa pagunlad, ito ay post na may kalidad. Wag ulitin ang mungkahi ng iba o di kaya'y mag copy paste pa.

8. Nakatutulong sa komunidad
; Maari kang makatulong sa komunidad sa iba't ibang paraan. Wala itong limitasyon, katulad na lamang ng pag bubunyag ng mga scam, guidelines tungkol sa forum o kaya naman ay tungkol sa crypto. Kunwari, may Nakita kang phishing site, ito ay dapat mong ishare sa community para madali nilang maiiwasan ito at maliligtas ang kanilang mga pera. Ang ganitong post ay kinokonsider kong quality post.

Dumako naman tayo sa pagiingles, ito ay isa sa mga kailangan upang makabuo ng post na may kalidad. Ang iyong Ingles ay nararapat na konstruktibo kagaya na lamang ng spelling, grammar at iba pa. Hindi tayo makakabuo nang isang quality post kung di natin alam makabuo ng isang English sentence. Kahit na hindi pa ako masyadong hasa sa pagsasalita ng Ingles, pinipilit ko itong pagyabungin. Kaya naman kapag alam mong mahina ka sa pagsasalita ng Ingles, maglaan ng oras nang pagkatuto. Kailangan mong gumawa palagi nang kakaibang post, dahil ito ay napakaimportante upang makagawa ng quality post. Ang pagkopya ng ideya o post ng iba ay kinokonsider kong isang post na walang kalidad.



ADDITIONAL QUALITY POST(suggested by other user)

9. Meme Posts or Any Funny Posts
You've have been given 8 numbers of the possible quality post but I've not seen posting memes is a part of good quality post.
Ma consider mo ba ang pagpopost ng memes image is a part of a good quality post?
Loading...
Iba iba ang eksplanasyon ng mga tao sa mga post na may kalidad. May ibang tao tumitingin sa ambag mo sa komunidad at may iba naman na tumitingin sa kasiyahan(entertainment). Isa na dito ang pagpopost ng meme sa forum. Napakadami dito sa forum ang mahilig sa memes at nakikita ko din sa pagpopost ng memes dumadami ang merits din ng isang tao. Ito ay ilan sa mga halimbawa:

@ Infofront.





By just posting pictures, you're creating something unique and being unique is something Smiley. So, just by that you can get merits.


GOODLUCK PEOPLE!
Jump to: