We are all aware of what's happening right now in our country right? January 12, 2020 nung nagsimulang mag alburoto ang Taal Volcano na nagdulot ng malaking pinsala sa mga tao at hayop na nakatira malapit sa bulkan. Ang PHIVOLCS ay nag anunsyo na nasa alert level 4 na ito at apektado ang mga karatig lugar sa Southern Luzon pati na rin sa Metro Manila sa ashfall.
Marami na ang nagpadala ng tulong mula sa iba't-ibang tao, lugar, at organization para sa mga lugar na apektado. Isa na dito ang Fintech Alliance.ph na naglaunch ng "Help Taal Digital Initiative" kung saan ang lahat ay maaaring magpaabot ng tulong at mag donate gamit ang platform na ito. In partnership with PDFR, sila ang mag hahandle at mag mamanage ng mga donations na nalikom.
Additionally, the microfinance companies will be offering a holiday on the interest on loans from people affected by the volcano as well. These companies are Acudeen, Asialink, Ayannah, Balikbayad, Billease, Bukas, Cashalo, Credit Pros, Loan Ranger, Moneymatch, Seedin, Tala, and Uploan.
Mga kababayan, pwede tayong tumulong at magdonate gamit ang mga sumusunod:
Coins.ph
GCash
Grabpay
Paymaya
Truemoney
Instapay
Pesonet
RCBC
Donate with Bitcoin through Rebit/SCI via QR code.
For more information on how to donate, you can check this link:
https://bitpinas.com/news/fintech-alliance-ph-launches-help-taal-digital-donation-initiative/
Isang magandang balita na naman ito para sa atin! Maaari nating gamitin ang crypto para tumulong sa mga nangangailangan. Itong mga ganitong projects ang pwedeng maging daan para mas matanggap at makilala ang cryptocurrency sa bansa. Kaya kung nais nyong tumulong para sa mga naapektuhan ng Taal Volcanic eruption, pwedeng pwede na kayong tumulong with less hassle and sigurado pa tayo na dadating agad ang donation na binigay natin sa kanila.