Noted yung sa informatioon mo sir tungkol sa Pdax at Coins.ph pero doon ako sa off topic nababahala ano naman kaya yung scam na yun na sila Bernadette Sembrano at Toni Gonzaga ang mag iinterview siguro panibagong pampaputi na naman ito o kaya ay vitamins na pampabata, duan kasi tayo mahilig.
Heto yung sinasabi ko,
Bitcoin Revolution Scamso far wala pa ako narereceive na warning galing sa Pdax at Coins.ph pero mas maganda pa rin talaga na may first hand information ka para alam mo na ang darating sa yo.
Usually naman kasi at base sa observation ko, hindi masipag maghanap ang mga exchanges, ng mga ganitong klaseng phishing sites. At unless may nag report, hindi sila mag rereact. So parang phishing site muna, may nabiktima or may nakahuli, report sa exchanges then saka mag release ng notification sa mga users nila.
Do you think sa 171 na websites na ginagamit yung address na yun mostly used sa mga illegal activities unlike phishing sites. Sobrang dami naman and if not a vigilant na tao ang makapunta sa mga phishing na yan tiyak iyakan ang labas sa mga mai-scam.
Phishing, scams etc., are literally everywhere kaya talagang educate nalang talaga sa sarili sa mga ganito, like not clicking everything sent to you lalo na kung galing sa mga random na sites lang or acquaintances online.
Sigurado yan kaya dapat talaga ingat, dahil sa mundo ng ginagalawan natin, talagang target ito ng mga cyber criminals. Ang good news lang talaga eh hindi lang basta basta mga browsers ang ang take offline sa mga phishing sites na ito, mismong domain registrar. Ang bad news eh available na naman ang mga website name na ito kaya kahit sino pwedeng mag register at mag phish na naman.
Halos di ko mamalayan ang pagkakaiba ng fake site adress sa orihinal. Malilito talaga ang mga hindi magbasa ng domain at kusa bibisita na hindi man lamang mg check sa domain ng site kung ito bah ay maayos o hindi. Sa tingin ko malaki talaga ang chansa na maka phished out sila ng account lalo na yung gumagamit ng browser. Buti na lng mobile app gamit ko kasi no need ba bibisita sa kanilang site para sa pag gamit ng exchange. Ang problema ko lang kung secured ba talaga ang coins.ph pag dating sa hackers sa kanilang system.Baka mamaya mg announce na lang sila bigla na hijack ang kanilang system at natangay ang bitcoins natin. Nako po sana hindi mangyari.
Then educate yourself, laging mapanuri sa mga websites ng coins.ph at pdax.ph. Walang secured na exchanges, kahit ang Binance na hacked na, good thing hindi pa na hacked ang coins.ph sa mga international cyber groups pero target narin sa mga phishing sites na yan.
Hanep din noh, na sa larangan ng panglalamang sa kapwa makikita mo na kaya nila gumawa ng ganito kadaming domain in relation sa Coins.ph at PDAX, most probably Abra meron din at hindi lang natin alam. Honestly the domain names included in the list you provided ay medyo malayo sa actual domain name ng Coins.ph at Abra pero may mga ilan siguro na mabibiktima dito kasi kadalasan naman hindi binabasa mabuti yung domain name at basta basta nalang sila mag-login.
Nag quick scan ako gamit ang Abra, so far wala pa akong nakitang ganitong atake sa mga kriminal pero hindi ibig sabihin safe sila.
But to answer your question, most likely 99% yes. Though mostly ung mga companya is kinukuha nila ung "typo" versions ng domains nila(ginagamit rin ng Google ung googl.com at googel.com na domains for typo purposes), wala akong alam na company na kinukuha rin nila ung sort of "special character" versions ng domains nila.
True, binibili narin ng mga companies ngayon ang mga mis-spelling tapos i-redirect na lang sila sa kanilang websites.
Ito ang dahilan kung bakit importante ang pagiging mapanuri sa pagbisita sa iba’t ibang website at kung bakit kailangan pag isipan mabuti ang bawat kilos na gagawin. Wala talagang nakakaligtas pagdating sa mapanlinlang na tao, biruin mo kahit local exchanges ay ginagamit nila para lang makapanloko. Madali talagang mawawala sa iyo lahat ng funds at data mo kung wala kang idea sa pagkakaiba ng phishing site at nung official site. Dapat siyasatin mabuti, gaya nung nasa list dahil kung titignan mo ito makikita mo na mayroong diacritical marks na hindi mo naman makikita doon sa legitimate na site. Kaya if ever, hindi malabong walang mahulog sa ganitong klaseng patibong.
Kailangan talaga nating mapanuri at wag basta basta magtiwala sa mga websites na nakikita naman kasi isang pagkakamali lang natin eh tangay ang funds natin.