Hanggang saan ang aabot ang price? Pakiramdam ko may epekto yung pag-inaugurate ni Trump sa 20th kaya sa araw na yun, expected ko na babalik ang Bitcoin sa $100,000. Sa mga susunod na linggo ng 1Q ng 2025, ang inaasahan ko ay tataas pa ang Bitcoin hanggang $120,000. Yun ang realistic peak price ko sa kanya pero maganda kung tataas pa ito hanggang sa $150,000 pero di ko alam kung nakahold pa ako ng Bitcoin pag dumating yung araw na yun.
Simula noong 2018 hanggang ngayon, nasa Bitcoin-paid signature campaign ako. Palagi kong natatanong sa sarili ko "What if hinold ko lang lahat ng Bitcoin na nakuha ko sa buong 6 years na un? Baka iba na ang buhay namin ngayon." Ginagamit kasi namin ung portion ng nakukuha ko sa signature campaign pambayad sa bills.
Alam mo dude, kung lagi mong natatanung sa sarili yung ganyang mga bagay sa tingin ko hindi rin maganda yan kalaunan, dahil pwedeng maging daan yan na baka para maistress kapa na huwag naman mangyari sayo diba, maaring sa ngayon, sabihin mo na hindi mangyayari sayo yun, pero maaring sinasabi lang yan ng bibig mo pero deep in your nagsisisi ka talaga.
Ito nasabi ko na ang ganito sa section na ito, sasabihin ko rin sayo dude, natatanung mo lang talaga yan sa sarili mo dahil sa naabot ni bitcoin ang 100k$ mahigit, Pero kung hindi narating ni bitcoin ang 100 000$ o 50 000$, sa tingin mo ba matatanung mo ba ang sarili mo sa ganyang katanungan? for sure hindi, diba? kung nabenta mo man ang bitcoin mo before, malaki parin ang naging part ng desicion mo na yun para sa buhay at sa pamilya mo. Wala akong nakikita na dapat kang magsisi sa bagay na yun o magtanung ka ng ganyan sa sarili mo, may dahilan parin naman na maganda ang Dios sa atin. Shukran kabayan