Author

Topic: Fun Fact naman tayo dyan tungkol sa forum! :D (Read 157 times)

hero member
Activity: 1498
Merit: 586
January 12, 2020, 11:48:51 AM
#6
Ibig sabihin ba bro yung 1337 na post kapag nahit mo na yan ang lalabas sa profile mo yung leet na word? After another posting yung regular na yung lalabas? Hindi ko kasi naexperience na makita pa yan hehe although lagpas na yung post count ko. Will take time to read about this.

Yup. Ganyan nga ang mangyayari. Bago ko i-post ito, nasa "leet" pa ang post count ko pero pagkatapos kong i-post itong thread na ito, tumuloy na ulit sa 1338 post counts. Siguro parang hidden easter egg o joke ito ni theymos sa mga makakaabot ng 1337 post counts. Cheesy
Naencounter ko na rin ito before pero hindi ko alam ang ibig sabihin ng "leet." Natatawa na lang ako kapag naaalala ko. Ngayon batid ko na ang ibig sabihin ng "leet" maraming salamat sa impormasyong ate napakalaking bagay. Noong una kinabahan din ako nung naranasan ko to pero after how many days napansin ko na lang na nagcontinue na pala ulit ang countings ng post ko kaya nakalimutan ko na din ang insidenteng iyon.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Ibig sabihin ba bro yung 1337 na post kapag nahit mo na yan ang lalabas sa profile mo yung leet na word? After another posting yung regular na yung lalabas? Hindi ko kasi naexperience na makita pa yan hehe although lagpas na yung post count ko. Will take time to read about this.

Yup. Ganyan nga ang mangyayari. Bago ko i-post ito, nasa "leet" pa ang post count ko pero pagkatapos kong i-post itong thread na ito, tumuloy na ulit sa 1338 post counts. Siguro parang hidden easter egg o joke ito ni theymos sa mga makakaabot ng 1337 post counts. Cheesy
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Ganyan din ang nangyari sa akin noong una ay kinabahan ako kasi ganyan kumabas sa post count ko pero naayos din naman ulit pagtapos ko magpost kala ko kung anong problem na ang naranasan ng account ko. Siguro marami din ang nacurious at nagtaka bakit ganyan atleast ngayon alam na nila ung bakit nangyayari yan at ano ba talaga yan.
sr. member
Activity: 924
Merit: 265
Ibig sabihin ba bro yung 1337 na post kapag nahit mo na yan ang lalabas sa profile mo yung leet na word? After another posting yung regular na yung lalabas? Hindi ko kasi naexperience na makita pa yan hehe although lagpas na yung post count ko. Will take time to read about this.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Nung na-hit ko din yung 1337 post mark noon, akala ko parang warning sa akin na sobrang dami ko ng post. Napa-delete tuloy ako ng mga previous posts ko noon. After nun nag-search din ako dito sa forum sa mga parehong cases at ayun nga, it means elite.

Meron na din mga nagtanong nyan dito sa lokal - Ano ang ibig sabihin ng leet sa profile?
full member
Activity: 1624
Merit: 163
Alam nyo ba na kapag na reach nyo ang 1337 post count ay biglang magbabago ang inyong post count as "leet"?.


Nagulat ako nung una ko itong nakita dahil ang akala ko may nangyaring bug or may nangyari sa account ko pero wala pala  Grin
Ito pala ay isang meme noon na tinago siguro ni theymos sa mga taong makakakuha ng 1337 post count.

Ano nga ba ang "leet"?

Ang "leet" (1337 or 31337) ay isang titulo na kinuha sa salitang "elite" o mga taong beterano o magaling (pwede ding feeling cool sa modern time). Kilala din ito sa tawag na "leetspeak" na isang lengguwahe na ginagamit sa internet na may iba't-ibang characters, numbers, or symbols (ASCII characters) pero may kahulugang salita or letra (example, "bl4ckm4g3" imbis na "blackmage" or n00b imbis na noob).

Nag originate ito sa bulletin board systems (BBS) noong 1980s kung saan ang pagkakaroon ng "elite" o "leet" na titulo ay mabibigyan ng privilege na ma-access ang iba't-ibang parte ng isang BBS, file folders man ito, games, o mga special chat rooms. Ang "Cult of the Dead Cow" ay isang grupo ng kilalang hacker noong 1980s na pinagmulan ng titulong ito.

During 1980s, ang BBS ang isa sa mga lugar na pinupuntahan ng mga hackers at kadalasan ay doon nila ginagawa o pinag-uusapan ang ibang illegal activities. Ang mga "elites" ng BBS users ay nag imbento ng lengguwahe para ma crypt nila ang kanilang topics or any activities na against sa BBS rules at iyon ang "leetspeak". Ginagamit din nila ito para ma identify ang mga "elites" ng BBS at makapag-invite ng mga bagong myembro.

Sa kasalukuyan, ito ay isa nang meme at madalas itong ginagamit ng mga gamers (lalo na yung mga feeling cool sa internet Cheesy). Isa sa kadalasan nating nakikita noon na leetspeak word ay ang salitang "n00b". Sigurado naman nakita na natin to maski isang beses man lang. Grin

sources:
https://en.wikipedia.org/wiki/Leet
https://www.howtogeek.com/443390/what-is-leet-speak-and-how-do-you-use-it/
Jump to: