Author

Topic: [GABAY] Ethereum multisig (GNOSIS wallet) (Read 224 times)

legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
June 13, 2019, 09:30:51 AM
#3
Just found a mistake.

OP is acquainted with Merit Farming and abuse.
https://bitcointalksearch.org/topic/m.32839313

Let this be a warning to other users that will send him some Merits.

P.S. User and his alts has been put into Ignore. I suggest that you do the same.
sr. member
Activity: 882
Merit: 260
Reserved
sr. member
Activity: 882
Merit: 260
Kailan lamang, kinailangan ko ang multisig wallet para sa ETH, at pumunta ako sa Google…
Nakita ko ang ilang pagsusuri ng mga wallet ng multisig para sa Ethereum at ako ay naging interesado sa wallet ng Gnosis, sa partikular, ang kakayahang humawak ng isang "light" wallet, isang magandang GUI at sa ngayon ay walang anumang hindi inaasahan sa estilo ng Parity.

Mayroong dalawang paraan ng paggamit ng Gnosis wallet:

   
Hindi ako gumagamit ng mga wallet sa web at sa extention wallet ng browser.

Sa manwal na ito ay titingnan natin ang lokal na paggamit ng wallet ng Gnosis, at ang prinsipyo ng multisignature.

Hindi ko ii-screen at ilalarawan ang proseso ng pag-install. Ang lahat ay simple, pumunta lamamg dito: https://github.com/gnosis/MultiSigWallet/releases at i-download ang wallet para sa iyong system. Mayroon akong Debian-based distro, kaya na-download ko ang deb-package. Nagpatuloy ang pag-install mang mabilis at walang hindi inaasahang nangyari.

Patakbuhin ang wallet, tingnan ang main window, lagyan ng tsek ang mga kahon at i-click ang “Continue”:


Sa susunod na window, i-select ang“Light Wallet” (kung mayroon kang Ledger o nais mong kumonekta sa isang partikular na node, piliin ang naaangkop na pagpipilian):


Upang maiwasan ang paglalaro gamit ang tunay na pera, maaari mong piliin ang test network, na siyang ginawa ko. Kinuha ko ang testnet ETH mula rito.
Pumunta sa "Settings" at sa seksyon na "Ethereum Node" baguhin sa "Remote Rinkeby", pindutin ang "Update Settings", pagkatapos ay i-restart ang iyong wallet:

Quote
***TANDAAN: Wallet factory contract → Automatic


Matapos irestart ang iyong wallet, pumunta sa “Accounts”. Mayroon na akong test account, kaya kinlick ko ang “Import”, piliin ang keystore file at i-enter ang password nito:


Habang ang lahat ng wallet ay naka-install sa parehong kompyuter, uulitin ko ang lahat ng mga hakbang na ito para sa bawat wallet. Bilang resulta, mayroon akong tatlong wallet - ang Buyer (Buyer_wallet), ang Escrow (Escrow_wallet) at ang Seller (Seller_wallet).


Paglikha ng MultiSig Wallet

Isipin natin ang pinakasimpleng sitwasyon — ETH nagsisilbimg isang opsyon sa pagbabayad, ang Buyer ay nais bumili ng produkto mula sa Seller sa pamamagitan ng Escrow, gamit ang isang multisig wallet.

Upang makalikha ng bagong wallet, pumunta sa “Wallets” at magdagdag ng bagong wallet:


Piliin ang “Create new wallet”:



  • “Name” — ang pangalan ng wallet (ang lahat ng mga partido ay maaaring pangalanan sa kanilang sariling paraan);
  • “Required confirmations” — kumg ilan ang confirmations (signatures) ang kinakailangan upang maisagawa ang operasyon gamig ang wallet na ito;
  • “Daily limit (ETH)” — daily limit ng ETH withdrawal mula sa wallet na ito;
  • “Owners” — ang may-ari ng walley (kabuuang bilang ng may-ari);

Okay, nalaman na natin. Sa susunod na screen, makikita mo ang aking settings sa paglikha ng isang multisig wallet:


Tulad ng iyong nakikita, ang bilang ng signature ay 2 at ang kabuuang bilang ng mga may-ari ay 3. Kaya, mayroon tayong isang scheme na 2 sa 3. I-click ang "Deploy" at pagkatapos ay "Send transaction":

Quote
***TANDAAN. Ang account pinaglikhaan ng Multi-Sig Wallet ay dapat may maliit na ETH na magbayad para sa gas.


Pumunta sa “Wallets” at makikita mo ang multisig wallet:


I-click ang pangalan ng iyong wallet upang makita ang detalyadong impormasyon tungkol dito:


Ang wallet ay wala pa ring laman (0.00 ETH).

Sa “Owners” —  nakikita natin ang lahat ng kumokontrol sa wallet na ito.
Sa “Tokens” —  maaari kang magdagdag ng mga token

Quote
***Importanteng tandaan.

Sa kasong ito, ang multisig wallet ay nilikha gamit ang Escrow. Ngayon siya (ang Escrow) ay dapat na ibahagi ang multisignature wallet sa dalawang iba pang mga co-signers (mga may-ari) - sa Buyer at Seller.

Hindi mahalaga kung sino ang lumikha ng multisig wallet, ang pangunahing mahalaga:

  • Maayos na tinukiy ang mga address ng mga may-ari (dapat maingat na suriin ng mga may-ari ang kanilang mga address, na tinukoy ng taong lumilikha ng wallet);
  • Upang makalikha/makapag-sign, kailangan mong magkaroon ng ETH sa iyong balanse upang mabayaran ang gastos ng gas (maaari mong tignan dito);
  • Pagkatapos gumawa ng multisig na wallet, dapat na ibahagi ito ng gumawa sa iba pang may may-ari (mga co-signer) nito. Hindi nila kailangang gumawa ng isang bagong multisig wallet, sa halip ii-import lamang ang nagawa na.

Ang pagbabahagi ng multisig wallet ay madali lamang. Ang taong lumikha nito ay dapat na pumunta sa "Settings" at piliin ang "Export Wallets". Ang code na nakikita mo ay HINDI naglalaman ng pribadong data at maaari mong ibahagi ito sa iba pang mga co-signers, na dapat na nasa "Settings" at piliin ang "Import Wallets", i-paste ang code mula sa gumawa ng multisig wallet, at i-click ang "Save".

Narito ang code ng multisig wallet na ibinahagi ng Escrow sa dalawang pang partido:

Code:
{“wallets”:{“0x7D179E7d4793210bd9a3CA1CfbF916Fd4f1A763E”:{“name”:”Multisig_wallet”,”owners”:{“0x3f14bea302d3fc4cb678bf42781b666418023cf6”:”My account”,”0xd33b1c69810a9223ad8aa6a2ab76b841d9392083":”Buyer_wallet”,”0x437b8dfc954e96bc1518febfff08c371c487096b”:”Seller_wallet”},”tokens”:{}}}}

Ituloy natin…

Nagpapadala ang Buyer ng 2 ETH sa multisig wallet:





Isipin natin na pagkatapos magpadala ng Buyer, ang transaksyon sa multisig wallet, ang Seller ay nawala. Nais ng Buyer na ibalik ang ETH sa kanyang personal na wallet address. Dahil sa kasong ito, ang pamamaraan ng 2 sa 3, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay dapat gumawa ng isang transaksyon, at isang tao lamang ang magsa-sign nito.

Hindi mahalaga kung sino ang gumawa at kung sino ang magsa-sign. Ngunit magiging mas lohikal kung ang Buyer ay lilikha ng isang transaksyon, dahil kailangan niyang tukuyin ang kanyang personal na wallet addres.

Ang Buyer ay dapat na pumunta sa “Wallets”, buksan ang detalyadong impormasyon tungkol sa multisig wallet at i-click ang “Send a multisig transaction now”:


Pagkatapos nito ay ipapakita niya ang personal na wallet address, ang halaga ng ETH at komento (opsyonal):



Kapag binuksan ng Buyer ang detelyadong impormasyon tungkol sa multisig wallet, makikita nito ang:


  • Destination —kung saang ETH address pupunta ang ETH (kung ituturo mo ang mouse makikita mo ang ETH wallet address);
  • Value — ang halaga ng ETH na ipapadala;
  • Confirmations — ang nag-sign sa transaksyon sa sandaling ito (sa halimbawang ito maaari mong makita na ang Buyer ay naka-sign sa transaksyon) at ang Refoke confirmation button upang kanselahin ang signature;
  • Executed — ang transaksyong naipadala sa network;

Ang Mamimili ay nakalikha na ng isang multisig na transaksyon, ipinapakita ang personal na wallet address, kinakailangan lamang ng Escrow na mag-sign.

Dapat na buksan ng Escrow ang kanyang wallet, magpunta sa "Wallets", buksan ang multisig wallet, tignan ang mga detalye at nakikita ang halos parehong bagay katulad ng sa Buyer (kung saan at kung magkano ang ETH na ipapadala). Sa "Confirmations", nakikita niya na ang transaksyon ay naka-sign sa pamamagitan ng Buyer, at makikita rin ang "Confirm" button upang mai-sign ang transaksyon sa kanyang bahagi:




Ganiyan ang hitsura ng multisig wallet ngayon sa bahagi ng Buyer, Escrow at Seller:


Hindi natanggap ng buyer ang mga goods/serbisyo mula sa seller at ibinalik ang kaniyang ETH. Ang seller ay makakatanggap ng negatibong feedback.

Gamitin ang multisignature at ingatan ang iyong ETH.

Maraming salamat sa inyong atensyon.


Source
https://bitcointalksearch.org/topic/guide-ethereum-multisig-guide-gnosis-wallet-5128831 by TheFuzzStone
Jump to: