Author

Topic: [Gabay] Ilipat ang inyong Bitcoin Dust sa isang Address gamit ang electrum (Read 153 times)

sr. member
Activity: 1092
Merit: 271
Marami sa atin bago pa man mainvolve sa forum na ito ay kadalasang  ginagamit ang Bitcoin faucet at iba pang means para makakuha ng Bitcoin ngunit kadalasan ay mga Dust transaction ito at nahihirapan tayong ilipat dahil sa pagkakaroon ng low value output kahit na nakaipon tayo ng malaking halaga from that dust.  Kadalasan ay nagkakaroon tayo ng error na Transaction could not be broadcast due to dust output kahit na malaki na ang ating naiipon na halaga ng BTC.

Narito ang maaring gawin para maayos ang problemang ito:

1. Magdownload ng Electrum wallet

2. Buksan ang inyong wallet gamit ang dinanownload na Electrum wallet at hanapin ang mga transaction na may maliliit na balance.

3. Piliin at sa pamamagitan ng paghold ng Crtl at pagclick sa mga addresses na may maliliit na balance.

4. Pagkatapos mapili piindutin ang right click at piliin sa dropdown ang spend from


5. Kumuha ng address na pagpapadalahan sa pamamagitan ng pagpunta sa receive tab at kopyahin ang address na naroon


6. Bumalik sa send tab na kung saan ay makikita nyo ang ang pagkakabuo ng transaction at kung magkano ang halaga at ang fee na babayaran.


7. Ipaste ang receiving address sa pay to at iadjust ang Fee sa pinakamababa nitong halaga at siguraduhing naka- iclick ang replaceable para kung sakali mang magbago at tumaas ang fee ay maaring baguhin ito.

8. Iclick ang preview at tingnan ang transaction size in bytes, sa case na ito ang byte size ay 488 bytes.

9. Pumunta sa https://bitcoinfees.21.co/ para tingnan ang current fee rate, at confirmation time


10.  Tingnan ang "delay" at "time" para malaman ang katanggap-tanggap na confirmation time.  Gagamitin natin ang 61 - 80 satoshi per byte na fee

11.  Bumalik  sa wallet at imultiply ang transaction fee size sa fee na 62 satoshi per by byte :  488B x 2sat = 30256sat at ito ang gagamitin nating fee amount. (Note: the current fee is 12 satoshi per byte this sample was created noong mataas pa ang transaction fee)

12. Ipaste ang nakalkulang transaction fee sa "Fee" field at iclick ang Max button para ma readjust ang maximum amount na ispend at iclick ang "preview"


13. Icheck ang detaly ng transaction at kung lahat ay tama iclick ang sign (kung ito ay password protected kinakailangan isign ito gamit ang iyong password)

14. Pagkatapos masign ang transaction, ito ay ibobroadcast at ang transaction ay ididistribute across sa network.

15. Tingnan ang history screen para tingnan ang naganap na transaction.


Dahil ang Bitcoin ay ipinadala sa parehong wallet, ang final amount na ipinadala ay makikitang transaction fee lamang at hindi ang buong amount na 0.082 BTC.
Laging tandaan na magsweep lamang ng Dust kapag ang mempool ay hindi ganoon kadami at ang transaction fee ay mas mababa.  Kung hindi ay maaring mas malaki ang inyong bayaran sa transaction fee at mas tatagal ito bago maconfirm.

Source: https://freedomnode.com/blog/78/how-to-sweep-bitcoin-dust-to-a-single-wallet-address-with-electrum



Maari ring Bisitahin ang site na pinagmulan ng impormasyon para sa mas malalim na pagpapaliwanag
Jump to: