Author

Topic: [Gabay] Offline na Transaksyon sa MyEtherWallet [SEGURIDAD] (Read 183 times)

sr. member
Activity: 658
Merit: 268
bullsvsbears.io
sr. member
Activity: 658
Merit: 268
bullsvsbears.io
Hello mga kabayan,

Sa gabay na ito nais kong ipakita sa inyo kung paano ka makakapag-transaksyon nang offline gamit ang MyEtherWallet.
Sa pamamagitan ng paggamit ng paraang ito, hindi maiiwan ang iyong private key sa offline machine kaya ito ang pinakaligtas na paraan ng pagpapadala na transaksyon nang hindi kinakailangan ng hardware-wallet.

Una sa lahat, isang bagay tungkol sa iyong private-key/keystore-file/recovery-seed: HUWAG ilagay ang mga file na ito sa iyong kompyuter na konektado sa internet! Kung ikaw ay infected ng malware maaari mong mawala ang lahat ng iyong mga coin/mga token na naka-link sa private key na ito. Ang pinakaligtas na paraan ay gamitin lamang ang iyong keystore-file sa iyong offline na kompyuter upang makapag-sign ng mga transaksyon at i-save ang iyong private key/recovery seed nang ligtas sa papel. Ang iyong private-key at recovery-seed ay hindi naka-encrypt na magbigay ng agarang pag-access sa iyong wallet habang ang keystore-file ay naka-encrypt at nangangailangan ng karagdagang password.

Mga Kinakailangan:
- isang kompyuter na konektado sa internet
- isang kompyuter na hindi konektado sa internet
- Ang iyong ETH public-key
- Ang iyong ETH private-key (mas piliin ang Keystorefile)


Pag-installl ng MyEtherWallet locally [Gawin ito sa offline na kompyuter]

I-download ang local na bersyon ng MyEtherWallet mula sa opisyal na MyEtherWallet Github (etherwallet-vX.X.X.X.zip):
https://github.com/kvhnuke/etherwallet/releases

I-move ang "etherwallet-vX.X.X.X.zip" sa iyong offline na kompyuter (USB Stick, Smartphone, ...) at i-extract ang nilalaman mula sa ZIP.

Buksan ang MyEtherWallet sa pamamagitan ng pag-double click sa 'index.html' - maaari mo itonh i-right click, pagkatapos ay pumunta sa 'Open with' at pumili ng browser; Inererekomenda ko na gamitin ang Google Chrome - maaari mong i-download ito sa iyong online machine at pagkatapos ay ilipat ito sa offline machine.

Paglikha ng isang offline na transaksyon

HAKBANG 1: [ONLINE] Pumunta sa MyEtherWallet-Website at piliin ang 'Send Offline'-tab (https://vintage.myetherwallet.com/#offline-transaction). Kung kinakailangang i-adjust ang iyong GWEI ayon sa https://ethgasstation.info/ ang pag-click sa 'Gas Price: X GWEI' sa itaas na kanang bahagi ng sulok at i-adjust ang slider aa iyong pangangailangan. Pagkatapos ay i-enter ang public-address ng sender account sa 'From Address' textbox at i-click ang 'Generate'.
Isulat ang mga nilalaman ng 'Gas Price' at 'Nonce'.



HAKBANG 2: [OFFLINE] Buksan ang iyong local na kopya ng MyEtherWallet, piliin ang 'Send Offline'-tab at mag-scroll down sa 'Step 2: Generate Transaction (Offline Computer)'.

I-enter ang sumusunod na mga impormasyon:
- To Address: Address ng tatanggap
- Value / Amount to Send: Halaga ng gusto mong ipadala (posiblr din makapag-padala ng mga Token sa pamamagitan ng pag-clock sa 'ETH' sa kanang bahagi ng textbox at pagpili sa Token sa dropdown-menu)
- Gas Limit: https://kb.myetherwallet.com/gas/what-is-gas-ethereum.html
- Gas Price: Halaga mula sa HAKBANG 1
- Nonce: Halaga mula sa HAKBANG 1
- Data: opsyonal - Iwanan na walang laman kung di kinakailangan



Ngayon, mag-scroll down hanggang sa makita mo ang 'How would you like to access your wallet?' at mag-log in gamit ang iyong napiling authentication na paraan (Inererekomendan ko na gamitin ang iyong Keystore-File!) at i-click ang 'Unlock'.



Pindutin ang 'Generate Transaction'

HAKBANG 3: [OFFLINE] Makikita mo ngayon ang dalawang textbox - 'Raw Transaction' at 'Signed Transaction'. I-copy ang nilalaman mula sa 'Signed Transaction' at ilipat ito sa iyong online na kompyuter.



HAKBANG 4: [ONLINE] Bumalik sa MyEtherWallet-Website at piliin ang 'Send Offline'-tab (https://vintage.myetherwallet.com/#offline-transaction). Mag-scroll down patungo sa 'Step 3: Send / Publish Transaction (Online Computer)', i-enter ang iyong signed na transaksyon, i-click ang 'Send Transaction' at i-confirm ito.




Binabati kiya, natapos mo na Smiley

Sidenote: Upang makita mo ang iyong balanse, gamitin lamang ang https://ethplorer.io/ o https://etherscan.io/ o kaya mag-log sa MyEtherWallet gamit lamang ang iyong public-key (View only).


EDIT:
Silipin ang post na ito tungkol sa ERC20 Tokens: https://bitcointalksearch.org/topic/delete-4500372

EDIT2 :
Gabay sa pag-sign ng mga transaksyon offline gamit ang MyCrypto sa halip na MEW:
https://support.mycrypto.com/offline/making-offline-transaction-on-mycrypto.html

Source
[Guide] MyEtherWallet Offline Transactions [SECURITY] by Nestade
Jump to: