Author

Topic: [Gabay]: Paano gumawa ng extended seed sa Electrum (Read 160 times)

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Alam natin natin na ang Electrum ay isa sa pinaka magandang wallet sa ngayon dahil ito at light weight. Pero alam nyo ba na pwede kayong gumawa ng extended o custom seed nito para mas lalong ma protektahan ang wallet nyo? Well sapat na ang 12 seed na binibigay nito, pero pag na hack na ang seed nyo siguradong limas ang BTC. So sa pamamagitan ng extended seed, kahit manakaw ang seed nyo hindi basta basta makukuha ng hacker ang BTC kasi kailangan nya ang extended seed na kayo lang ang nakakaalam.

So narito ang mga steps:

1. The usual process na mag create ng bagong wallet sa Electrum pero pag dating sa step binigyan na kayo ng seed, mapapansin nyo na may "Options" button doon, i click nyo to at pagkatapos ay i check ang
"extend the seed with custom word" then click OK.



2. Click ang "Next" at mapupunta kayo sa screen na katulad nito, pwede nyo na ngayon ilagay kung anong seed extension ang gusto nyo. Syempre mas mainam eh ung kayo lang talaga ang makakaalam nito.



At ituloy ang processo ng pag gawa ng wallet.

Heto ang na generate na address na ang seed at extended seed:

Seed:
Code:
winner position live vote keep gown leave focus position turtle quote guard
Extended seed:
Code:
Test 1 Test2 Test 3 [space]



Gumawa ako ng wallet na "I have a seed already" option.  At ginamit ang parehong seed sa itaas.



Pansinin nyo na magkaibang magkaiba ang bitcoin address. Yung nasa kaliwa ay seed lang at yung sa kanan ay seed with extended seed option.

So magandang pang decoy o dummy addresses. O katulad nga ng nabanggit ko in worst case scenario na na phished o na hacked ang seed natin hindi basta basta mananakaw ang BTC natin.

Pwede nyong subukan yan for educational purposes. Nandyan naman ang seed at extended seed na ginamit ko.
Jump to: