Author

Topic: [GABAY] Paano made-detect ang mga rule-breaker. Teknik at Tip [FILIPINO VERSION] (Read 262 times)

sr. member
Activity: 882
Merit: 258
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
sr. member
Activity: 882
Merit: 258
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
Gabay kung paano made-detect ang mga Rule-Breaker.
Panimula : Sa palagay ko, ito na ang oras para sa ganitong gabay. Ang "Report to moderator" ay isang opsyon na dapat gamitin ng lahat sa araw-araw upang mabawasan ang bilang ng spam at aktibidad ng bot sa forum. Ito ay kapaki-pakinabang para sa mga newbie din upang malaman kung ano ang dapat nilang gawin upang mapanatiling labas sa problema.

Hindi ako ang pinaka-bihasa at mahusay na "reporter" kaya kailangan ko ang iyong tulong dito upang mapabuti ko rin at ang lahat ay makikinabang dito.
Wala nang bull#, simulan na natin ang seryosong trabaho.



Paano makikita ang mga rule breaker.

Tandaan > Ang lahat ng iyong konklusyon ay dapat na base sa PANUNTUNAN, maliban sa huling punto. Ano ang dapat na isulat sa iyong mga ulat na maaari mong makita sa [Guide] Reporting effectively na isinulat ni Welsh, ito ay DAPAT NA BASAHIN NG LAHAT.


Pag-detect ng one-line spammer
    
  • Simpleng Teknik :
              
    • Paggamit ng Patrol link - ito ay isa sa pinakamahusay na tool na maaari mong mahanap, nagbibigay sa iyo ng view sa mga huling mga post ng Newbie mula sa buong forum. Narito ang link dito > https://bitcointalk.org/index.php?action=recent;patrol Madali itong maitala sa itaas ng iyong "Watchlist". Pumunta sa page ng iyong profile, i-click ang "Forum Profile Information" at pumunta sa "Show patrol link:" Maaari mong ipasadya ito upang maipakita ang mga post mula lamang sa isang partikular na board na pinili mo, tingnan ang mga tip sa susunod na post. Btw dito makakahanap ka ng isa pang kapaki-pakinabang na opsyon na hindi naka enable sa default na "Show post count by posts:" na pinapayo ko upang i-enable. Ang paghahanap sa pamamagitan ng patrol ngayon at pagkatapos ay madali upang makita ang one liner spammer, kadalasan ito ay humahantong sa iyo sa ating suaunod na punto.
      Maaari mong ipasadya ang iyong patrol upang makita lamang ang mga post mula sa isang partikular na board, tingnan ang mga halimbawa sa susunod na post
    • Pag-browse sa pamamagitan ng Ann thread - ito ay talagang madali, pumunta ka sa ANN SECTION buksan mo ang isang page ng ANN at masusuri mo ang mga komento na spam. Paano mo matukoy kung ang komento ay spam?, Ililista ko ang mga halimbawa sa lalong madaling panahon, sa ngayon maaari mong makita ang susunod na punto bilang sanggunian. Kapag nag-ulat ka makakakuha ka ng accuracy rating.
  • Advanced na Teknik :
              
    • Gamit ang search engine para sa tiyak na mga phrase tulad ng "magandang proyekto", "magandang proyekto", atbp. kapag gumugol ka ng ilang oras sa pag-browse sa mga ANN thread, makikita mo ang isang pattern sa mga spam post, gamit sa lahat ng oras ang parehong mga salita at phrase. Ang mga phrase na iyong ay magagamit mo bilang keyword sa search engine.
Pag-detect ng mga post sa ibang wika sa labas ng Local Section
      
  • Karaniwang ginagawa ito kapag naghanap ka ng mga mandurugas sa homograph, sa mga resulta ng paghahanap ay kadalasang mayroong maraming mensahe sa Ruso o ibang mga wika. Mahalagang alisin ang mga seksyon ng Lokal mula sa paghahanap.

Pag-detect sa copy/pasting, plagiarism
      
  • Ito ay medyo mas mahirap, kung mayroon kang pakiramdam na ang tao ay nangopya ng bahagi o lahat sa kanyang post, maaari mong madaling masuri ang teksto sa google, minsan makakuha ka ng 100% na copy/paster, ang ilang mga salita ng isang binqho ngunit ito ay plagiarism pa rin. Dapat may source nabanggit sa post o ang teksto ay dapat na naka-quote.      

Pag-detect ng pag-atake sa homograph
    
  • Ang pagpapalit ng ilang mga titik sa kaukulang Cyrillic (o iba pang alpabeto) dahil sila ay mukhang katulad, mas kilala bilang homograph ay hindi napakahirap na ma-detect dahil ang search engine ng forum ay may feature na maghanap batay sa isang simpleng character. Mahusay, ang dapat na gawin ay i-enter ang halimbawa ito>
    Narito ang resulta sa isang simpleng salitang "ang", kung saan ang "g" ay Cyrillic, ngunit maaari mo itong makita. Subukang maghanap para sa mga ito sa buong forum, masuwerteng ka kung makakuha ng isang resulta tulad ng ganito

    Pinagkunan > Cyrillic alphabet, ang pagkopya lamang ng mga letra hindi mga code. http://sites.psu.edu/symbolcodes/languages/europe/cyrillic/cyrillicchart/
    Pagsuri para sa homographs, i-copy/paste ang kahina-hinalang teksto dito : https://www.textmagic.com/free-tools/unicode-detector

Pag-detect sa ICO pumping/bumping services
  • Ang mga service na nagsisikap na itago ang partikular na ANN thread sa unang page sa pamamagitan ng pag-post sa iba't ibang anyo kada araw. May iba't ibang mga pattern upang makahanap, kadalasan ay ilang mga "pag-uusap" sa pagitan ng iba't ibang mga user ng pag-quote sa bawat isa ngunit ang nagpo-post nang isang beses lamang sa isang araw. Kadalasan ang mga account na iyon ay may 30-40 post at talagang madaling makita ang pag-uusap sa pamamagitan ng pagsuri sa history ng post. Mayroon silang mga post sa parehong thread araw-araw, paminsan-minsan sila ay nagpa-pump ng 2-3 ICO nang sabay-sabay.
*Tignan ang video halimbawa 1


Pag-detect ng aktibidad na hindi laban sa mga patakaran ngunit maaaring parusahan sa pamamagitan ng pag-tag ng DT.
  • Pag-report sa pagbebenta ng account Dahil hindi ito hinahawakan ng mod at ang pagbebenta ng mga account ay hindi laban sa mga patakaran, hindi na kailangang mag-ulat ng "Report to mods" para dito. Ang pagbili ng isang account ay may mataas na panganib ma-scam, at saka maraming mga-scammer ang sinusubukang itago ang kanilang pagkakakilanlan sa likod ng isang nai-tag na account na may positive trust score. Kaya ang (potensyal na) makipag-palitan ay hinahawakan ng mga DT. Ang pag-uulat ay ginagawa dito ... link
  • Pag-report ng pag-abuso sa Merit Dahil dumating ang sistema ng merit, halos lahat ay nagha-hunting para dito. Gayon din ang mga nang-aabuso. Kung hindi mo pa naintindihan ang sistema, suriin mo ito link Hindi ito moderated ng staff ng forum, at muli ang DT ay nangangalaga sa kahina-hinalang kilosn sa merit, tulad ng pagpapalitan ng merit sa pagitan ng mga account, ang pag-merit sa mababang kalidad na post, atbp. Ang pag-report ay ginagawa dito Suspected users that are abusing merit 3.0 gamit ang spesyal na format
    *Ang report form ay makikita sa Halimbawa 2
  • Pag-report sa Alt accounts Ang pagkakaroon ng mga Alt account ay hindi laban sa mga patakaran, ngunit kailangan mong gawin ito bilang pampubliko, tulad ng mag-iwan ng komento sa iyong trust page na pagmamay-ari mo ang account, at lahat sila ay may kaugnayan. Mayroong tiyak na mga panuntunan sa karamihang bounty / sig campaign na hindi ka maaaring pagsamahin ang maramihang mga account, isang account lamang ang pinapayagan kaya kung ang patakaran ay nilabag maaari kang mag-report o kung may koneksyon sa pagitan ng mga account at hindi opisyal na inihayag maaari mong i-report ito dito. Known Alts of any-one - A User Generated List Mk III (2018 Q3)
    *Ang report form ay makikita sa Halimbawa 3

Karagdagang Mapagkukunan at tip
Maraming mga halimbawa para sa nabanggit sa itaas ang matatagpuan sa List of Rule-Breakers. You can use it as a reference until I finish the guide.
  • ModLog. Moderation Activity log
  • SecLog Users change passwords activity log
  • Report History. History ng iyong mga report. Tandaan> hindi lahat ay may access, tanging ang may 300 o higit pang good na mga report.


Link para sa personal reference >
List of Rule-Breakers.. | Comprehensive guide to Bitcointalk. | One (1) Merit point to Rank-up Service | BitcoinTalk Public Information Project (BPIP)

Link para sa orihinal na thread>
[Guide]How to detect rule-breakers.Techniques and tips. by (iasenko)

Jump to: