Author

Topic: [GABAY] Paano mag-import ng iyong private-key mula ibang wallet sa MEW/MetaMask (Read 184 times)

sr. member
Activity: 658
Merit: 256
Freshdice.com
sr. member
Activity: 658
Merit: 256
Freshdice.com
sr. member
Activity: 658
Merit: 256
Freshdice.com
Panimula

Maaaring alam mo na ang iyong ETH at ERC20-Token ay hindi nakalagay sa loob ng iyong wallet kundi sa loob ng Blockchain. Ang mga wallet tulad ng MyEtherWallet, Metamask, Jaxx [...] ay tanging user-interface lamang upang ma-access ang blockchain gamit ang iyong private-key.

Sa kadahilanang ito, maaari mong mai-export ang iyong private-key mula sa isang wallet (hal. Jaxx) at gamitin ito upang mag-log in sa ibang wallet (hal. MyEtherWallet).

Kung hindi mo alam kung paano i-export ang iyong private-key nai-publish ni Nestade ang gabay para sa ImToken, Jaxx, Eidoo at Parity:

https://bitcointalksearch.org/topic/m.31485515

Bilang pagpapauna: Maaaring magamit ang iyong private key bilang isa sa mga sumusunod na 'formats' pagkatapos na mag-export:


Private-Key

Ito ang iyong unencrypted private-key. Ito ay hindi masyadong ligtas na gamitin para sa permanenteng paggamit kung nagpaplano kang magpatuloy sa paggamit ng MyEtherWallet / Metamask matapos mag-import. Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang 'Security'-section sa ibaba.

Recovery phrase

Gaya ng private-key ang iyong recovery-phrase ay hindi nangangailangan ng anumang password at hindi inirerekomenda para sa permanenteng paggamit. Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang 'Security'-section sa ibaba.

Keystore-file

Ang keystore-file ay isang encrypted na bersyon ng iyong private-key. Nagtatakda ka ng password na kakailanganin upang ikaw ay makapag log-in sa anumang wallet. Inererekomenda kong gamitin ang pamamaraang ito!

Seguridad

Bilang maliit na hint tungkol sa seguridad. Tulad ng nabanggit ang private-key at ang recovery phrase ay hindi masyadong ligtas.

Pano gumawa ng keystore-file gamit ang iyong private-key/recovery phrase: https://bitcointalksearch.org/topic/m.30996799
Pangunahing seguridad at pagpapanatili ng iyong private-key nang ligtas: https://bitcointalksearch.org/topic/m.30874759


Ngayon ay uumpisahan na natin ang aktwal na gabay.



MyEtherWallet

Pag-import ng iyong private-key sa MyEtherWallet ay talagang straightforward.

Bisitahin lamang ang opisyal na MyEtherWallet-Website (https://www.myetherwallet.com/) at piliin ang 'View Wallet Info' sa upper menu. Pagkatapos ay piliin ang 'Private Key‘, 'Mnemonic Phrase‘ (= Recovery phrase) o 'Keystore / JSON File‘ depend sa iyong exported 'format‘ ng iyong private-key. I-enter ang iyong private-key/recovery phrase o piliin ang iyong keystore-file at i-enter ang iyong password at i-click ang 'Unlock‘.

Binabati kita – ikaw ay naka log-in na.




MetaMask

Upang makapag-import ng existing na 'wallet' sa MetaMask kailangan mo munang gumawa ng isang bagong account (sundin lamang ang mga tagubilin na ibinigay ng MetaMask).

Recovery phrase

Pumunta sa tatlong 'stacked lines‘ sa bandang kanang itaas at piliin ang 'Log Out‘.




Pagkatapos, i-click ang 'Restore from seed phrase‘ sa ibaba ng login-button.




I-enter ang iyong recovery-phrase, piliin ang new password (huwag itong kalimutan) at i-click ang OK‘.

Private-Key/Keystore-file

Pumunta sa icon saumunod sa tatlong 'stacked lines‘ sa kanang itaas na bahagi at piliin ang 'Import Account‘.




Piliin ang 'Private Key‘ o 'JSON File‘ (= Keystore-file) mula sa dropdown-menu at i-enter ang iyong private key sa textbox o piliin ang iyong keystore-file, i-enter ang iyong password at i-click ang 'IMPORT‘.


Source: https://bitcointalksearch.org/topic/delete-3124084
Jump to: