Author

Topic: [Gabay] Paano makakuha ng genuine windows 10 ISO at bakit? (Read 296 times)

legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
Natuwa ako sa "pag sunog" .. Kasi nga naman "burn" ang gamit, kasi laser ang gumagawa. So, sa totoo lang, sinusunog ng cd / dvd writer sa blank o rewriteable media.

Meron akong mga legit Windows 10, pero hindi kasi mahirap makahanap ng matinong activator kung alam mo. Kung hindi mo alam, eh, dun ka sa legal. Meron din iba sa aten na nag upgrade lang from 7 to 10 (or from 8 o 8.1 to 10) at libre na rin ang upgrade, legal pa.

Pero ... gawen ang dapat gawen. Be as legal as possible.

Alternatively, you can always use a different OS and forget about licensing, kasi pag open-source, like Linux, libra talaga. Baka may bayad ang support, like kung Red Hat o Enterprise, pero ibang usapan na yun.

Meron naman libre o trial o evaluation edition ang Microsoft, pati yung Server software nila pwede mo ma download ng legal to try for 180 days.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Sa bansa din natin talamak ang pirated copies ng Windows, madami sa mga kaibigan ko nagse-send ng mga torrent files sa akin to download modded versions of Window pero believe it or not ang Genuine Windows 10 satin sa Pilipinas ay nag-lalaro na lamang sa 1,000-1,500₱ kaya ewan ko ba kung bakit talamak pa ito sa bansa natin. May time kasi na umabot ng 8,000-10,000₱ ang Genuine Windows 10 sa atin kaya siguro madami din namamahalan sa ganung presyo pero hindi tama at mapanganib ang pagkuha ng pekeng version ng Windows 10. Yung 1,000-1,500₱ na yun is product key lang na kailangan din i-input sa Website ng Microsoft, sa mga tindahan din na kilala sa Gilmore nabibili yun.

Yung translated guide mo from Thekool1s ay hindi ko sure kung gaano ka-safe ito dahil malamang sa malamng error ng Microsoft yun on their end. Hindi sila mamimigay ng latest OS nila ng libre. Kung baka sakaling naging successful ka man sa pagkuha, di din garantisado na di ma-dedetect ng Microsoft yung mga nakuha ng free copies na ito sa loophole na nakita nila.
hero member
Activity: 1120
Merit: 553
Filipino Translator 🇵🇭
Possible translation:

Pagkopya ng ISO gamit ang Rufos at ilang mga saloobin.

ang "with" doon ay ginamit hindi bilang kasama kung hindi bilang gamit o bagay na kailangan sa pagkopya.


Saloobin:

Magandang basihan upang magkaroon ng idea ang google translate pero kadalasan ito ay nagtatranslate ng literal na salin sa ating wika at kadalasang maaaring makapagbigay ng ibang kahulugan.
Sa totoo lang, nahirapan talaga ako sa word na yan since pinag-iisipan ko kung ireretain ko yung orihinal na salita o isasalin ko. Buti na lamang ay sinabihan mo ako tungkol diyan, na-appreciate ko yung concern mo para mas mapabuti ang thread na ito.

Sa hindi inaasahang dahilan, ang kompyuter ko ay nag blue screen, hindi ko na maopen ang pinaka OS at tinatry kong i automatically fix ito ngunit hindi ko magawang mapagana ulit.

Tnry kong ipagawa ito ngunit may mga mahahalagang files na nakastore kaya't hindi ko na tinangka. Bago lang ako field ng IT at dahil sa thread na ito, naayos ko ang aking PC partikular na ang OS nito.

Mabuti na lamang at may isa pa akong partition kung saan naka store lahat ng mahahalagang files ko at naiformat ko ang drive C.

Hindi ko matatawaran ang thread na ito sa panahong sobrang kinailangan ko ng tulong.

P.S. I think ang best compensation ko sa pagiging hero mo sa aking personal computer ay tulungan ka din maging ganap na hero.
Nakakataba ng puso kapag nalaman kong nakakatulong ako sepcially sa kapwa ko Pilipino. It's a good thing knowing ang kinahantungan ng thread na ito. Btw, maraming salamat sa iyong pag-suporta; hindi ko inasahan yung ibinigay mong merit. Anyway, makakaasa ka na ipapamahagi ko ang smerits ko sa iba nating mga kababayan na sa tingin ko ay may kapaki-pakinabang na post.
sr. member
Activity: 644
Merit: 364
In Code We Trust
Sa hindi inaasahang dahilan, ang kompyuter ko ay nag blue screen, hindi ko na maopen ang pinaka OS at tinatry kong i automatically fix ito ngunit hindi ko magawang mapagana ulit.

Tnry kong ipagawa ito ngunit may mga mahahalagang files na nakastore kaya't hindi ko na tinangka. Bago lang ako field ng IT at dahil sa thread na ito, naayos ko ang aking PC partikular na ang OS nito.

Mabuti na lamang at may isa pa akong partition kung saan naka store lahat ng mahahalagang files ko at naiformat ko ang drive C.

Hindi ko matatawaran ang thread na ito sa panahong sobrang kinailangan ko ng tulong.

P.S. I think ang best compensation ko sa pagiging hero mo sa aking personal computer ay tulungan ka din maging ganap na hero.
member
Activity: 616
Merit: 11
Decentralized Ascending Auctions on Blockchain
hindi na po ba safe gamitin ang windows 7 dahil sa pag hinto ng microsoft sa mga update?

Safe na safe kabayan. Maraming ring na-apply na security update sa Windows 7. Pero wag lang dapat umasa sa Windows security at gumawa rin tayo ng way para mas masecure pa ang mga machines natin gaya ng pag-install ng Anti-Virus.

Pero recommended na kasi na dun tayo sa latest for more additional security update and patch. May Windows Defender na rin by default ang Windows 10 para kahit di ka mag-install ng anti-virus kasi minsan annoying sila. Pero kung di kaya ng specs mo iyong Windows 10 ok lang din stay ka sa Windows 7. Yan ang pinaka-stable na build prior Windows 10.

Lumayo sa windows activator. Kung hindi ka makakabili ng OEM key, subukan na mabuhay kasama ang watermark.

Kabayan no need mamuhay kasama ng watermark. Di harmful ang Windows Activator. Ang harmful iyong ISO na galing sa ibang source. Keys lang ang minamanipulate ng mga Activator.

Yan gamit ko maraming taon na. Marami pa akong private matters dito sa PC. Kung dadaanin technically, walang way para maka-access ang activator sa mga private stuffs natin.

Feedback:

Literal na literal ang pagkakasalin kabayan. Mas ok sana kung nalahad depende sa pag-unawa sa tinatranslate para mas user friendly basahin. Oo nga pala isa kang translator sa mga bounties dati kaya siguro ganyan ang format. Anyways, salamat sa pagdala nyan dito sa local.

Naisip ko lang, sa site na na-share dyan sa topic, dyan talaga dinodownload ang mga official ISO mula pa dati. Iyong sinasabi nilang pirated windows, iyong mga ISO nun dyan din sa official site galing. So legit ang ISO, fake lang ang keys.

Kung personal user ok lang din fake keys lol. Makakatanggap yan ng Security Update. Pero mura naman na ngayon mga legit na keys. Sa sobrang mura, meron dyan sa mga overpass sa kahabaan ng EDSA north to south lol.

Kung business, bawal ang fake keys. Labag yan sa batas at may huli yan.
tama ka jan kasi ngayong nasubukan ko naring gumamit  ng windows 10 hindi ako herap sa pag updates maraming bago hindi kailangan magreformat .
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
hindi na po ba safe gamitin ang windows 7 dahil sa pag hinto ng microsoft sa mga update?

Safe na safe kabayan. Maraming ring na-apply na security update sa Windows 7. Pero wag lang dapat umasa sa Windows security at gumawa rin tayo ng way para mas masecure pa ang mga machines natin gaya ng pag-install ng Anti-Virus.

The problem with window 7 ay officially huminto na ang support ng microsoft dito kaya wala na itong matatanggap na bagong updates, kaya possible na magkaroon ng risk from the ever evolving virus ang ating computer system, unlike sa window 10 na nagkakaroon ng mga patches and updates from time to time para protektahan ang system natin.  Pero kung gusto pa rin nating gamitin ang window 7 may work around naman para sa protection nito by using a third party security program or anti-virus.



Quote
Kabayan no need mamuhay kasama ng watermark. Di harmful ang Windows Activator. Ang harmful iyong ISO na galing sa ibang source. Keys lang ang minamanipulate ng mga Activator.

I agree, pero minsan may mga malolokong kinakargahan ang mga legit activators, kaya dapat maging vigilant din tayo sa mga pagdownload ng mga ganitong uri ng file. 
legendary
Activity: 2688
Merit: 1065
Undeads.com - P2E Runner Game
hindi na po ba safe gamitin ang windows 7 dahil sa pag hinto ng microsoft sa mga update?

Safe na safe kabayan. Maraming ring na-apply na security update sa Windows 7. Pero wag lang dapat umasa sa Windows security at gumawa rin tayo ng way para mas masecure pa ang mga machines natin gaya ng pag-install ng Anti-Virus.

Pero recommended na kasi na dun tayo sa latest for more additional security update and patch. May Windows Defender na rin by default ang Windows 10 para kahit di ka mag-install ng anti-virus kasi minsan annoying sila. Pero kung di kaya ng specs mo iyong Windows 10 ok lang din stay ka sa Windows 7. Yan ang pinaka-stable na build prior Windows 10.

Lumayo sa windows activator. Kung hindi ka makakabili ng OEM key, subukan na mabuhay kasama ang watermark.

Kabayan no need mamuhay kasama ng watermark. Di harmful ang Windows Activator. Ang harmful iyong ISO na galing sa ibang source. Keys lang ang minamanipulate ng mga Activator.

Yan gamit ko maraming taon na. Marami pa akong private matters dito sa PC. Kung dadaanin technically, walang way para maka-access ang activator sa mga private stuffs natin.

Feedback:

Literal na literal ang pagkakasalin kabayan. Mas ok sana kung nalahad depende sa pag-unawa sa tinatranslate para mas user friendly basahin. Oo nga pala isa kang translator sa mga bounties dati kaya siguro ganyan ang format. Anyways, salamat sa pagdala nyan dito sa local.

Naisip ko lang, sa site na na-share dyan sa topic, dyan talaga dinodownload ang mga official ISO mula pa dati. Iyong sinasabi nilang pirated windows, iyong mga ISO nun dyan din sa official site galing. So legit ang ISO, fake lang ang keys.

Kung personal user ok lang din fake keys lol. Makakatanggap yan ng Security Update. Pero mura naman na ngayon mga legit na keys. Sa sobrang mura, meron dyan sa mga overpass sa kahabaan ng EDSA north to south lol.

Kung business, bawal ang fake keys. Labag yan sa batas at may huli yan.
newbie
Activity: 113
Merit: 0
hindi na po ba safe gamitin ang windows 7 dahil sa pag hinto ng microsoft sa mga update?
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Pag-sunog sa ISO kasama ang Rufus at ilang mga saloobin.

Pag-sunog talaga @OP?  Grin

Anyway, ang salitang "burn" ay isang pangkaraniwang salita na nababasa natin kapag nililipat natin ang content sa isang recordable medium.

Quote from: What is burn? - Definition from WhatIs.com
Burn is a colloquial term meaning to write content to a CD , DVD , or other recordable disc.

Instead na pagsunog, siguro pwede nating gamitin ang salitang pagkopya.

Quote
Burning the ISO with Rufus and some thoughts.

Possible translation:

Pagkopya ng ISO gamit ang Rufos at ilang mga saloobin.

ang "with" doon ay ginamit hindi bilang kasama kung hindi bilang gamit o bagay na kailangan sa pagkopya.


Saloobin:

Magandang basihan upang magkaroon ng idea ang google translate pero kadalasan ito ay nagtatranslate ng literal na salin sa ating wika at kadalasang maaaring makapagbigay ng ibang kahulugan.
full member
Activity: 688
Merit: 106
Meron ako nito Windows 10 na pang format, ang kaso every 3months need mo i-update key... pero the good thing is kasama na ung MS Office nya and also kasama na ung pang update dun sa package. Legit na Legit eto gamit ko pang format sa mga tropa ko.

Tomorrow update ko ung pinagkunan ko, Iniwan ko kadi dun sa laptop ng tropa ko yung list ng Site at sa kanya ko din binigay ung pang format just in case na need nya, Built in na kasi sa Lappy ko so hjndi na need pang reformat hahaha
Ayos yan, ang ginagamit ko kasi ngayon eh pang-activate lang ng windows. Ever 3 months din siyang kailangan i-activate at madali lang itong i-activate dahil isang click lang matik na activated na yung windows mo. Kinaiba nga lang sayo, kasama na yung office. Sana wag mo makalimitan isend dito yung link para matignan ng mga kabayan natin kung ano pa yung mga paraan para makatpid nang hindi sinasaalang-alang ang kaligtasan ng kanilang mga files.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Meron ako nito Windows 10 na pang format, ang kaso every 3months need mo i-update key... pero the good thing is kasama na ung MS Office nya and also kasama na ung pang update dun sa package. Legit na Legit eto gamit ko pang format sa mga tropa ko.

Tomorrow update ko ung pinagkunan ko, Iniwan ko kadi dun sa laptop ng tropa ko yung list ng Site at sa kanya ko din binigay ung pang format just in case na need nya, Built in na kasi sa Lappy ko so hjndi na need pang reformat hahaha
hero member
Activity: 1120
Merit: 553
Filipino Translator 🇵🇭


Ito ay pagsasalin lamang. Ang orihinal na thead ay makikita sa pamamagitan ng pag-click sa link na nasa itaas.

Prelude:

Kagabi ay nag-install ako ng windows sa isa sa aking mga makina habang pinapanood ang pag-install ay may kung anong lumabas sa isip ko. Mabilis akong nagpunta at i-ginoogle ang Mga taong nagpapatakbo ng pirated windows, hindi ako makahanap ng mga opisyal na istatistika mula sa Microsoft na kung saan ay maiintindihan dahil nagbibigay ito ng F masamang dating sa kanila ngunit nagawa kong makahanap ng ilang mga nakababahalang mga anggulo ... Ang artikulong[1] ito mula sa Indiatimes ay nagpakita sa isa mga resulta sa aking paghahanap. Ayon sa isang pag-aaral sa Microsoft sa Asya tinatayang 91% ng mga PC na nabenta sa Indya ay gumagana sa piratang Windows 10, At 85% ng mga ito ay may mapanganib na Malware. Ang kwento ay hindi pa nagtatapos dito.

Quote from: IndiaTimes
The software piracy levels in some countries is unbelievably high. According to Microsoft's report, Malaysia, Vietnam and Thailand reported 100% piracy in brand new PCs purchased off the shelves.

India was next in line with 91% pirated Windows coming pre-installed on brand new, box packed computers and laptops. That's not all. In India, 85% of PCs that came with a pirated version of Windows 10 pre-installed were also loaded with dangerous malware, including backdoor software that could be used by hackers and bitcoin miners that secretly utilize your PC's power and performance for someone else's use, according to Mary Jo Schrade, Assistant General Counsel and Regional Director of Digital Crimes Unit in Asia at Microsoft in Singapore.

Ito ay talagang gumulantang sa akin ... Ang mga taong ito ay hindi kumita nang sapat at kung sila ay naging biktima ng scam sa pamamagitan ng anumang hindi naman nila kasalanan.Ang pinakamaliit na magagawa natin ay balaan sila. Kung nagpapatakbo ka ng isang pirated na bersyon ng Windows ay mangyaring kumuha ng kahit Tunay na Windows 10 ISO lamang mula sa Microsoft! Ang gabay na ito ay magpapakita sa iyo nang eksakto kung paano mo makukuha ang tunay na Windows 10 ISO sa pamamagitan ng isang Direktang link. Ang Microsoft ay naging walang kwenta para sa ilang taon at ngayon ay itinutulak nila ang pag-download ng mga tool para sa pag-download ng windows 10 ngunit ang gabay na ito ay magpapakita sa iyo kung paano ito magagawa at makakuha ang ISO file. Bago makisali ang isang tao at nagsasabing gumagamit ng Linux, Hindi lahat ay maaaring lumipat sa mga platform nang magdamag. Maraming mga kadahilanan na napag-usapan dati at hindi ko nais na magtungo roon.



Mga bagay na dapat isipin bago tayo magsimula:

  • Kung nakagawa ka ng wallet sa isang pirated windows, isaalang-alang na ito ay nakompromiso. Iminumungkahi ko ang paggawa ng isang bagong wallet matapos i-install ang mga bagong window at ilipat ang iyong Bitcoin sa iyong bagong wallet. Bonus points kung mag-uupgrade ka sa Segwit.
  • Isaalang-alang pati narin ang lahat ng iyong mga password na nakompromiso. Iminumungkahi ko ang paggawa ng mga bagong password para sa lahat ng mga website na nakarehistro sa iyo. Maniwala ka, mahalaga ito. Basahin ang gabay na itomula kay @GreatArkansas.
  • Isaalang-alang ang pamumuhunan sa OEM Windows key. Karaniwan sito ay nagkakahalaga ng $5-$10. Lumayo sa windows activator. Kung hindi ka makakabili ng OEM key, subukan na mabuhay gamit ang ang watermark.
  • Isaalang-alang ang paglayo sa mga crack, Maghanap ng mga libreng alternatibong open source para sa iyong mga pangangailangan.
  • Isaalang-alang ang pag-format ng lahat ng iyong mga drive/Nakaraang data. Ang isang fresh start ay lamang ang makakatulong.

Mayroong suhestyon na idagdag sa listahang ito? Huwag mag-atubiling iwanan ito sa ibaba.



Simulan Natin, tara na ...

1) Pumunta sa URL na ito: https://www.microsoft.com/en-us/software-download/windows10




2) Kailangan mong paganahin ang Responsive Design Mode sa iyong browser. Kung ikaw ay nasa firefox/Chrome/Opera magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpindot sa Ctrl + Shift + M matapos buksan ang iyong console.




3) Pumili ng isang Apple Device mula sa menu ng Dropdown at i-refresh ang page.




4) Piliin ang Pinakabagong Bersyon ng Windows at piliin ang iyong naaangkop na wika. I-click ang confirm.




5) Piliin ang naaangkop na arkitektura 64-bit o 32-bit at simulan ang iyong pag-download. Karamihan sa mga PC ay sumusuporta sa arkitekturang 64bit sa mga araw na ito ngunit maaari mo pa ring tiyakin na ang iyong CPU ay katugma sa pamamagitan ng pag google ng "( CPU model ) 64-bit support"






Pag-burn sa ISO gamit ang Rufus at ilang mga saloobin.


Kapag nakumpleto na ang iyong pag-download. Tumungo sa https://rufus.ie/ at i-download ang pinakabagong bersyon. Hindi ko inirerekumenda ang iba pang mga ISO burner dahil ang Rufus ay OpenSource. Huwag gumamit ng iba pang mga shady na burner ng ISO dahil maaari silang magpasok ng lahat ng mga uri ng malware habang binuburn ang ISO. Lubos kong iminumungkahi ang pagsunod sa video na ito: https://youtu.be/K7SlsJEVSXc?t=60 dahil gamit nito ang lahat ng kailangan mong malaman habang binuburn ang file na ISO. Iminumungkahi ko rin ang pagbibigay ng ilang oras sa pag-aaral kung paano mag-install ng mga windows sa pamamagitan ng iyong sarili, Maraming mga tutorial/gabay sa youtube sa paligid na magdadala sa iyo sa sunud-sunod na proseso. Sa mundo ng Crypto, wag ka nagtitiwala sa sinuman maliban sa iyong sarili. Kaya huwag hayaang mai-install ang anuman para sa iyo. Kung totoong naniniwala ka sa Bitcoin, igalang ang mga ideya sa likod nito.

Ang P.S Microsoft ay nagpa-publish ng kanilang mga Checkum ng ISO ngunit sa ilang kadahilanan ay tinalikuran ito nang buo. Kaya kung ang iyong network ay naka-kompromiso, ay walang paraan ng pag-verify ng ISO na iyong nai-download mula sa Microsoft ay talagang legit. Sa katagalan, dapat mong isaalang-alang ang paglipat sa isang Linux based Environment.


Pinagmulan:
[1] https://www.indiatimes.com/technology/news/91-of-pcs-sold-in-india-run-on-pirated-windows-10-and-85-of-them-have-pre-loaded-malware-355997.html
Jump to: