Author

Topic: [Gabay]: Paano malalaman ang Domain Registar ng isang website (Read 230 times)

legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
Malayo pa naman ako sa senior citizen, mga 20 years pa. (at least) .. siguro marami nga dito mga bata fresh graduate (ng high school at ng college level).

Not sure kung dito lang sa local kasi, kasi I'm also everywhere else in this forum. Only in the last 3 o 4 years lang tayo nagkarun ng sariling local section dito. Marami rami din sa general sections na medyo may edad na rin, lalo na mga senior developers and even some traditional financial advisers lurk around here. Meron nga mga pa -retire na, at dahil sa mga good crypto investments nila a few years ago, medyo napabilis o napaaga.

Wait for next bull run, at tayo rin. Muntik na ako, pero I HODL'd all my coins until they were all worthless.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Ako ito yung una kung ginamit talaga: https://www.arin.net/. Sinilip ko kung kailangan na established to, 1997 pa, so mga ganyang time ko rin nung una ko ma diskubre yan. (nagkakalabasan ng edad,  Grin, baka iba dito hindi pa pinapanganak)

Hindi naman siguro. Yung mga hindi pa pinapanganak, eh, mga bata yan.. marami din dito sa forums either senior na, o malapit na mag senior... hindi senior member ha,,... senior citizen.

Hindi ako aware, buong akala ko majority na nasa lokal board natin eh mga estudyante pa or just starting their careers lalo na sa IT.

At least looking forward to 20% discount sa marami (hindi rin lahat, pero marami lang.)

Napatawa naman ako dito, umagang umaga.  Grin
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
Ako ito yung una kung ginamit talaga: https://www.arin.net/. Sinilip ko kung kailangan na established to, 1997 pa, so mga ganyang time ko rin nung una ko ma diskubre yan. (nagkakalabasan ng edad,  Grin, baka iba dito hindi pa pinapanganak)

Hindi naman siguro. Yung mga hindi pa pinapanganak, eh, mga bata yan.. marami din dito sa forums either senior na, o malapit na mag senior... hindi senior member ha,,... senior citizen.

At least looking forward to 20% discount sa marami (hindi rin lahat, pero marami lang.)
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
Thanks for this thread bro! Lately nag hahanap ako ng website na makakapag determine ng details ng isang domain kasi may mga ineembestigahan din akong websites more likely prone to scamming websites.

Nag try kasi ako mag hanap sa internet ng gantong websites pero puro domain offerings at domain availability searches ang nahahanap ko.

PS: Ngayon ko lang nakita tong thread
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
maraming salamat sa pag babahagi parang pwede din ito magamit sa pag hahanap nang bounty para malaman mo kung scam or legit yung sasalihan mo..kung hindi anko nag kakamali.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Subukan din ang mga ito:

https://lookup.icann.org/

https://www.internic.net/whois.html

Yung internic, yan talaga gamit ko dati pa for the original top level domains. Also good to take a look at multiple whois sites, kasi minsan meron ibang information wala sa iba, for some reason.

Ako ito yung una kung ginamit talaga: https://www.arin.net/. Sinilip ko kung kailangan na established to, 1997 pa, so mga ganyang time ko rin nung una ko ma diskubre yan. (nagkakalabasan ng edad,  Grin, baka iba dito hindi pa pinapanganak)

@robelneo - oo hindi mo talaga malalaman ang owners, naka masked talaga ito dahil meron tayong tinatawag na Domain Privacy.

At layunin ko naman sa pag share ng information na to ay para maging aware ang lahat. Maaring may makita kang website na nag violate or sa mundo natin mga scammers at phishers na nagkalat, so pwede mo itong mai report sa domain registar at nang maging ng aksyon (alisin o i turn offline ang website agad).
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Marami ngang paraan para malaman ang domain registrar ng isang domain pero mahirap malaman kung sino ang owner o mga owners ng mga domain na yun, ito ang isa sa mga tools na ginagamit ng mga scammers para ma itago ang kanilang identity I think 90% ng mga domain owners ay gumagamit ng feature na ito kasi yung ibang mga domain registrar ay inooofer ito ng libre o minsan discounted.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1912
The Concierge of Crypto
Subukan din ang mga ito:

https://lookup.icann.org/

https://www.internic.net/whois.html

Yung internic, yan talaga gamit ko dati pa for the original top level domains. Also good to take a look at multiple whois sites, kasi minsan meron ibang information wala sa iba, for some reason.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Dahil sa dalawang gabay na to:

[Guide] Best way to Archive Bitcointalk and other webpages
[Guide]: How and Where to Report Phishing Websites

Naisipan kong magdagdag ng ikatlong gabay o patnubay para makatulong sa mga miembro natin na suriin ang pangalan at rehistro ng isang domain. Para makita kung saan maaaring nating i ulat ang mga pang aabuso katulad ng phishing/typo squatting. Sigurado ako na alam na to ng mga scam busters, pero magiging mabuti na bawat isa sa atin ay gagawin ito lalo na sa mga nagsisimula palang sa mundo ng crypto. Lagi nating sinasabi na DYOR (Do Your Own Research) para hindi tayo maging biktima.

1. http://whois.domaintools.com/



Maaari mo lamang ipasok ang website na nais mong mahanap at bibigyan ka nito ng isang output tulad nito:



http://whois.domaintools.com/vertocoins.com


Tulad ng nakikita mo sa imahe sa itaas, bibigyan ka nito ng domain registrar at ang email kung saan maaari mong ipadala ang ulat, sa kasong ito, [email protected]. Pagkatapos ay maaari kang pumunta sa gabay na ito at archive para sa pagpapanatili ng ebidensya.

2. https://www.whois.net/ - isa rin maayos na alternatibo.

3. https://urlscan.io/ - Ay magbibigay sa iyo ng maraming detalyadong pagsusuri ng website kasama ang: IP Detail, (Sub Domains), Domain Tree, Links and Certificates.

Tandaan din na maaaring tumagal ng ilang araw bago ka makakuha ng tugon mula sa mga Registrars dahil kailangan nilang mag-imbestiga muna kung mabuti o masama ang iyong ulat.
Jump to: