Author

Topic: [Gabay] Paggamit ng price chart ng coinmarketcap.com sa partikular na panahon (Read 301 times)

hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
This is a great guide and thanks for @stephanirain for translating this sa ating local board. Moreover OP, can you add in this thread ang FAQs para sa coinmarketcap? Narito ang link para dyan https://coinmarketcap.com/faq/ at meron din silang mga links to dig deep talaga for example kung paano ang isang token o coin ay naililista sa kanilang website at etc., na maaring tanong din ng iba.
sr. member
Activity: 756
Merit: 257
Freshdice.com
Ang paksa na ito ay nilikha upang matulungan ang mga newbie, kaya kung ikaw ay kilalang user sa forum, at may maraming mga taon at karanasan sa crypto, maaari mong laktawan ang paksa.

Sa crypto, kapag kailangan mong maghanap ng mga pangunahing kaalaman sa anumang mga coin o mga token (hindi bagong ipinanganak), mayroong coinmarketcap.com, iyon ang unang dapat mong pagsimulan.
Bilang default, kapag cinopy atvpaste mo ang link sa site na coinmarketcap.com (o cinlick ang hyperlink sa itaas), makikita mo ang site na ito:
Pansinin ang Search box sa kanang bahagi ng itaas na sulok ng site, kung saan kailangan mong i-type ang pangalan ng mga coin / mga token (ang kanilang buong pangalan), o ang kanilang mga ticker.

Bilang halimbawa:
Ako ay nag-type ng Bitshares o nag-type ng BTS (iyan ang ticker ng Bitshares)
- Ang pag-type ng Bitshares

- Pag-type gamit ang BTS ticker

Bilang default, matapos i-click ang binigay na link sa Bitshares mula sa Search Box, ikaw ay dadalhin sa page ng Bitshares sa coinmarketcap.com (~ CMC, mula ngayon gagamitin ko ang CMC)
Ngayon, mayroon kang isang pangkalahatang-ideya sa kasaysayan ng presyo ng Bitshares, ngunit kung nais mong makita ang pinakamataas o pinakamababa ng Bitshares sa ilang mga taon, o sa loob lamang ng nakaraang dalawang taon. Paano mo ito ginagawa?

Mayroong dalawang paraan:

1) Pag-type ng mga araw ng pagsisimula at pagtatapos ng panahon na gusto mong makita ang kasaysayan ng tsart ng presyo
Bilang halimbawa: Gusto ko ng makuha ang tsart ng presyo BTS mula 8/5/2016 hanggang 8/5/2019, ito ang ita-type ko
Resulta:
Mangyaring pansinin ang time-window sa Blue Rectangular(Asul na Parihaba) sa ibaba.
Ang unang paraan ay nangangailangan ng oras upang i-type ang mga araw ng pagsisimula at pagtatapos. Sa personal, hindi ko nakita ang dahilan upang makakuha ng eksaktong mga oras ng pagsisimula at pagtatapos, kaya may isa pang paraan, na makakapag-patipid ng mas maraming oras para sa iyo.

2) Paggamit ng Time-Window sa ibaba ng tsart ng presyo
Halimbawa, maaari kong i-scroll ang mouse ng computer o pindutin ang pad upang i-set ang time-window mula sa Enero 2016 hanggang Enero 2017. Pagkatapos makakakuha ka ng mga resulta tulad nito:
Sa ganitong paraan, maaari kang mabilis na makapag-lipat sa pagitan ng iba't ibang mga time-window ng Bitshares o anumang coin / token na nakalista sa CMC.



Pinasimpleng tsart ng presyo

Bilang default, ang ibinigay na mga tsart ng presyo sa CMC ay may apat na bahagi, Marketcap, Presyo (USD), Presyo (USDT), at Volime. Kung ung minsan hindi mo gustong makita ang lahat ng apat na bahagi, at gusto mo lamang makita ang presyo sa BTC at volume nito; o presyo ng USDT at volume nito. Paano ito gawin?
Una, tignan natin ang apar na default mga bahagi ibinigay sa tsart ng presyo.
Kung gusto mong makita ang tatlong mga bahagi: presyo ng BTC, presyo ng USDT, at volume.
Kailangan mong i-click ang Marketcap para madisable mo ang bahaging ito, pagkatapos ay makukuha mo ang sumusunod na tsart ng presyo.

Kung gusto mong pasimplehin pa ang tsart ng presyo, na may dalawang bahagi lamang: Presyo ng BTC at volume; i-click ang Presyo (USD) upang ma-disable ang isa pang bahagi. Pagkatapos ay makukuha mo ang sumusunod na tsart ng presyo.




Source: [Guide] Using historical price chart on coinmarketcap.com in a specific period ni btcsmlcmnr
Jump to: