Halos araw-araw kailangan kong mag-archive ng ilang pahina o mag-post sa forum ng bitcointalk o ilang iba pang website.Sa ganitong paraan, ang isang pahiha ay na aarchive at nasa save sa tukoy na oras at pwedeng gamitin bilang isang patunay o para sa sanggunian.
Mayroong maraming mga pagpipilian para sa pag-archive, at ipo-post ko ang mga ito dito na may maikling paliwanag.
1.
Wayback Machine - Pinakasikat at pinakamalaking archiving website na may higit sa 150 bilyong mga archive na pahina. Madaling i-save o mag-browse ng mga pahina, at may mga extension at script upang gawin itong mas mabilis.
http://web.archive.org/2. Ang
Archive.is o Archive.today kasama ang lahat ng iba pang mga domain, ay pangalawang pinakamalaking website para sa pag-archive. Sa palagay ko ito ay medyo mas mabilis at mas simpleng gamitin.May mga extension at bookmark para sa mas mabilis na pag-archive.
https://archive.is/3.
Archive.st - magandang kapalit kung ang iba pang mga website ay abala o hindi mai-archive ang mga tukoy na web pages
https://archive.st/4.
Freezepage - isa ring magandang kapalit, ngunit limitadong lamang ang espasyo.
http://www.freezepage.com/5.
Arweave - ay isang alternatibong blockchain para sa pag-archive kung saan ang lahat ay naka-save sa permaweb blockchain magpakailanman. Kailangan mong gumamit ng extension sa browser para ma archive ang mga pahina, at makakakuha ka ng 1AR na barya sa simula. Medyo mas mabagal lamang sa sentralisadong solusyon, ngunit masisiguro mo na hindi maalis ang mga file. Gumagana din ang Arweave para sa mga website kung saan hindi na gumagana sa iba, at maaari itong mai-archive ang mga file na PDF hanggang sa 3mb.
https://www.arweave.org/archiving.htmlAno ang pinakamahusay na pagpipilian para sa pag-archive?
-Maaari mong gamitin ang lahat ng mga tool na ito at pagsamahin ang mga ito.
Mayroong mga pakinabang at kawalan sa bawat isa sa kanila, ngunit ang lahat ng mga ito ay kapaki-pakinabang.
Browse Bitcointalk in time: Tandaan:Ang mga tool na ito ay madalas na ginagamit sa seksyon ng ScamAccusation upang maitala ang pahina sa oras bilang patunay:
https://bitcointalk.org/index.php?board=83.0
Original na may akda: dkbit98
Original na thread: [Guide] Best way to Archive Bitcointalk and other webpages