Ngayong araw talakayin nating ang pinagkaiba ng Gambling, Forex, Crypto Trading. Alamin natin kung saan tayo makaka earn ng sigurado at saang trading ang dapat nating iwasan, sa mga bagay na ganito dapat ay meron ka talagang sapat na kaalaman dahil pera ang pinaguusapan dito, kaya naman kung hindi ka sigurado ay mas makakabuti sayo na umiwas sa mga ganito at mag focus kanalang dun sa mga bagay na alam mo.
Gambling Sa una pa man Ang gambling ay isa na sa mga paraan para kumita ka ng malaki, pero may mataas na risk na hindi ka kumita at ang masama pa jan ay kung ma addict ka pati lahat ng kagamitan nyo sa bahay mabebenta mo pa. sa paglabas ng bitcoins at iba pang mga crypto currencies, lumabas din ang mga sari saring diskarte ng pagsusugal o Gambling. iba ibahin nila man ang pangalan pero magkapareho din yun sugal pa rin. para sa akin hindi ko recommend na mag sugal tayo kahit ano klaseng sugal pa yan. dahil ang sama ng epekto nito lalo na sa mga naadik dito. mabuti na yung kumikita ka ng maliit na halaga wag lang sa sugal na nakakasira naman ng buhay ng iba.
Forex Trading Ang Forex ay isang sikat na source of earnings sa mga online investors. Milyun-milyong tao sa buong mundo ang konektado sa forex.
Mula sa aking karanasan ito ay isang mahusay na plataporma upang mag-trade ng foreign currency. Ngunit kung ikaw ay walang sapat na kaalaman at karanasan hindi ka kikita dun. Naniniwala ako kung sinuman ang gustong kumita sa forex dapat niyang matutunan ang bawat basic bago sya mag simula.
Halimbawa sa tinatawag na IQ option, Isa itong broker ng binary trading na meron kang chance na ma multiply ang iyong fund sa 100x sa loob ng ilang minuto. pero may chances din na magiging zero ang capital mo. halos magkapareho din sa gambling. (kaya hindi ko rin recommended)
maraming mga brokers sa forex ngunit kailangang ilagay sa isip na ang iyong diskarte at kaalaman ay ang pangunahing papel para ikaw ay kumita.
Crypto Trading Sa tingin ko ito na yata ang pinaka maganda sa lahat ng mga nabanggit, dahil na rin marami ang pumapabor dito na mga tao sa buong mundo at hindi lang yan, maraming advantages ang pag trade sa Crypto Trading hindi tulad sa forex at gambling na madalas ma zezero ang balance mo. dito mahirap kang ma zero dahil sa sandaling ma delisted o aalisin ng mga exchanges ang coins o tokens na nabili mo, magpapadala sila ng emails sayo para mabenta mo ito. tsaka palaging pagkakataon para mabawi mo ang iyong capital.
Tulad ng iba pang mapagkukunan ng kita, kailangan mo ang iyong sariling diskarte, kaalaman at karanasan para sa crypto trading. Ito ay isang paraan kung saan maaari kang mamuhunan at hawakan ang isang established coin para kumita ka sa hinaharap.
Take Note: Ang lahat ng ito pag sumobra siguradong makakasama sa atin, kahit naman sa pagkain kahit sumobra ay nakakasama rin. inuulit ko sa gambling wag natin itong pagtuunan ng pansin. dahil kung wala man itong epekto sa atin, doon sa mga natatalo pag na zero sila kawawa mga pamilya nila wala man lang silang maiisasaing.
Source:
https://bitcointalksearch.org/topic/gambling-vs-forex-vs-crypto-trading-5112126