I'd still prefer taking a computer science(CS) course para mas wide ung scope. Para pag nag die down ng konti ang mga crypto-related companies, e pwede ka parin makahanap ng trabaho sa ibang tech-related companies. Hindi ung totally focused ka lang sa blockchain.
Isa din to sa naisip ko sibce ang hirap nga naman kung nag fade out ang usage ng blockchain at saka mawala ang fame ny cryptocurrency saab na pupunta ang mga blockchain relates course graduate.
Pero tingin nalang din tayo sa positive sides since malamang marami pang magandang maganap sa usaping ito at malay natin marami pa ang gagamit ng blockchain technology especially useful naman ito sa mga kompanyang mag adopt sa sistemang ito.
- In terms of adoption, magandang balita ito dahil isa na naman itong dagdag popularity tungkol sa Bitcoin. Kaya lang siyempre may bayad na nga lang dahil isinama na ito sa kurso dito sa kolehiyo.
Mas mapapamahal pa nga at ewan rin kung expert ba talaga ang magtuturo since bago palang naman ito sa bansa natin kaya sa ngayon hope nalang natin na maganda ang kakalabasan nito para madagdagan ang mga taong maalam sa crypto at blockchain.
Natawa ako sa huli mong sinabi na hindi lang natin alam kung expert ba yung magtuturo, hahaha
For sure mas malalim pa pagkaunawa mo sa blockchain technology Kesa sa magtuturo dyan sa AMA
naalala ko tuloy nung may pinanuod ako sa youtube channel ng isang pinoy at sinabi nung nagiinterview na isa daw blockchain expert, nung pinakinggan ko yung mga napailing nalang ako.
Sabi ko sa isipan ko, hindi sa pagyayabang, ay lumabas sa aking bibig ay mas malalim pa yung pagkaintindi ko sa kanya sa blockchain technology. Langya, basic lang ang alam expert na sa kanila😀 Ang mahal pa naman ng tuition fee dyan sa AMA sa totoo lang.