Author

Topic: Gcash - Gcrypto (Read 115 times)

legendary
Activity: 2506
Merit: 1394
September 29, 2024, 09:50:12 PM
#8
Pwede ka bumili ng mga cryptocurrency jan at e hold din or ilipat sa ibang wallet/exchange.

May ginawa akong tutorial pano bumili ng Bitcoin or kahit anong cryptocurrency sa Gcash via GCRYPTO.
Sa example na ginawa ko jan na thread, Bitcoin ang binili ko, pero pwede mo din yan gawin sa kahit anong cryptocurrency na available sa Gcrypto ng Gcash.

Ito yung thread: [STEP BY STEP] Paano Bumili ng Bitcoin sa GCASH!
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
September 27, 2024, 12:37:43 PM
#7
Quote
Safe po ba ang mga wallets sa Gcrypto? , Like pwede ba ko mag-iwan ng mga coins/tokens po? , Salamat po sa sasagot.......

I guess safe naman pero hindi recommended ang mag iwan or lets say in other word mag stuck ng crypto sa mga custodial wallet like gcrypto. Custodial wallet mean hindi mo hawak yung private key or secret phrase nung Bitcoin or any cryptocurrency dun sa wallet na yun.

Tsaka puro nababasa ko sa gcrypto negative feedback. Masyado daw malayo yung agwat sa buy and sell kumpara sa ibang local wallet natin like coins.ph. Better use coins.ph instead gcrypto.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
September 27, 2024, 07:21:21 AM
#6
Safe po ba ang mga wallets sa Gcrypto? , Like pwede ba ko mag-iwan ng mga coins/tokens po? , Salamat po sa sasagot.......

May philosophy tayo na wag magiwan ng crpyto sa 3rd party like Gcrypto kasi hindi safe, at ang sabi nga not your keys, not your coins. May posibilidad na ma confiscate and crypto mo at wala ka ng habol.

May experienced din ako sa Paymaya na PDAX din naman, na biglang sort of na ban ang account ko at hindi ako makapag login ng mga ilang araw at may message na yun nga naka lock daw ang account ko due sa crypto transactions ko.

Ngayon may access naman ako, pero hindi ko na magamit ang crypto transaction, walang deposit na or naka gray out na sa account ko.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
September 26, 2024, 04:43:04 PM
#5
May nareceive akong email galing kay PDAX(Gcrypto) na hindi na daw ako puwede mag trade sa kanila. Samantalang ilang beses lang ako nagtrade sa kanila at pinakaba pa ako dahil nagkaroon sila ng network issue. Siguro, dahil ito sa naging issue ko mismo kay pdax at hindi kay gcrypto. Okay lang, kung ayaw nila sa akin, wala naman akong magagawa at mabuti nalang madaming trading platforms na sa bansa natin.

Quote
As such, we regret to inform you that we can no longer provide you access to our services and your GCrypto account will be closed.

Hindi nila binanggit yung mismong violation pero tingin ko alam ko na dahilan, hindi yan sa mixer.
hero member
Activity: 2464
Merit: 594
September 23, 2024, 05:59:13 PM
#4
Safe po ba ang mga wallets sa Gcrypto? , Like pwede ba ko mag-iwan ng mga coins/tokens po? , Salamat po sa sasagot.......
Hi! Yes, safe naman po ang mga wallets sa Gcrypto as long as you follow basic security measures and keeping your credentials private. Pwede ka pong mag-iwan ng coins or tokens sa Gcrypto wallet, pero it's always a good idea to regularly monitor your assets and consider transferring larger amounts to more secure, hardware wallets for added protection.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
September 23, 2024, 04:39:21 PM
#3
Safe po ba ang mga wallets sa Gcrypto? , Like pwede ba ko mag-iwan ng mga coins/tokens po? , Salamat po sa sasagot.......
Safe siya dahil BSP licensed siya. Pero kung ang balak mo ay gawing imbakan at iiwan mo lang funds mo sa gcrypto, huwag na. Gumamit ka nalang ng mga wallets na nagpoprovide ng private keys dahil walang ganun na binibigay si gcrypto. Ang gcrypto ay isang exchange at tulad ng binance at iba pang mga exchanges, wala silang ibibigay sa atin na private keys.
Anu-ano ba yung mga ihohold mong tokens? Download ka nalang ng multi-crypto wallet tulad ng sinasuggest ni aioc. Dahil sa tingin ko wala ka pang hardware wallet at yun ang pinaka the best na magkaroon ka at magandang lugar para mag hold.
hero member
Activity: 2926
Merit: 567
September 23, 2024, 07:36:51 AM
#2
Safe po ba ang mga wallets sa Gcrypto? , Like pwede ba ko mag-iwan ng mga coins/tokens po? , Salamat po sa sasagot.......
Not your keys not your coins hindi mo talaga pag aari ang iyong coins kung sa Gcash na isang centralized mo ilalagak, marami tayo mababasa na mga users ng Gcrypto na na rerestrict ang kanilang mga account dahil sa questionable na source ng coins.
Its better na aralin mo ang mga non custodial wallet tulad ng Electrum for Bitcoin at Trustwallet para sa mga tokens kung saan na sayo ang control sa coins mo dahil ikaw ang may ari ng private keys mo.
newbie
Activity: 1
Merit: 0
September 23, 2024, 07:06:40 AM
#1
Safe po ba ang mga wallets sa Gcrypto? , Like pwede ba ko mag-iwan ng mga coins/tokens po? , Salamat po sa sasagot.......
Jump to: