Author

Topic: Gcash hacking issue. (Read 117 times)

hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
May 18, 2023, 07:07:54 AM
#6
Marami pang accredited ng Pagcor na online gaming casino na tiyak na mas safe kesa sa mga bagong usbong na unlicensed online casinos.
List for reference: https://www.pagcor.ph/regulatory/accredited-service-providers.php/
Ang technique kasi ng mga unlicensed casinos na yan at lumapit sa mga influencers na may mga hundred thousands to millions na mga followers. Kasi alam nila sobrang dali lang nila maging popular. Sobrang daming mga bagong casinos ako nakikita na inaadvertise ng mga influencers at hindi nila inaalam kung lehitimo ba ang operations nila at licensed by sila ng Pagcor. Sa pagkuha kasi ng license pagkakaalam ko malaking halaga ang kailangan diyan kaya yung karamihan na mga casinos ngayon bina-bypass na nila yan at rekta na agad sa market hangga't hindi sila nahuhuli.
newbie
Activity: 6
Merit: 6
May 09, 2023, 08:11:03 PM
#5
About sa casino games na involved ang gcash. Sobrang risky talaga yung paraan ng ibang casino na direct payment through gcash ang pag deposit. Hinding hindi ko ito gagawin at kung magsusugak man ako gamit ang gcash ay dun lang ako sa subok na. Bingoplus for the win.
Marami pang accredited ng Pagcor na online gaming casino na tiyak na mas safe kesa sa mga bagong usbong na unlicensed online casinos.
List for reference: https://www.pagcor.ph/regulatory/accredited-service-providers.php/
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
May 09, 2023, 08:15:03 AM
#4
Hindi ako aware na madami na palang hacking incident sa gcash. May maintenance kaninang umaga at natapos ng 3pm at nakalagay sa notice na about ito sa mga missing balance. May balita nung nakaraan during sim registration deadline na tanggalin daw ang balance sa gcash kasi baka dw magloko ang system. Buti nagplay safe ako kahit hindi natuloy yung sim reg deadline.

About sa casino games na involved ang gcash. Sobrang risky talaga yung paraan ng ibang casino na direct payment through gcash ang pag deposit. Hinding hindi ko ito gagawin at kung magsusugak man ako gamit ang gcash ay dun lang ako sa subok na. Bingoplus for the win.

Salamat sa pagshare nito dahil napapanahon ang issue sa gcash kaya dapat hindi tayo nagiiwan ng funds sa custodial wallet. May utang ako na merit para dito.
hero member
Activity: 2366
Merit: 594
May 09, 2023, 02:17:07 AM
#3
Kitang kita yung difference in the url. Assuming na same API lang ang ginagamit ng both website using gcash dapat same lang sila ng URL. Kaya nagkaron kami ng feeling na karamihan sa mga casino website na sumisikat ngayon is ginagamit ang Gcash cashin options na way para makapag Phishing ng Gcash informations and later on nakawan ng pera ang mga user.

Yan din ang hinala ko. Recently lang nauso yan mga gambling app na gawang pinoy. Alam ng mga developers ng app na yan na maraming gumagamit ng gcash sa pinas kaya nilagay nila yan as cashin/cashout option. Dahil isa tayo sa mga bansa na heavy-user ng social media, naging epektib ang ginawa nilang paghire sa mga vloggers/influencers. Yung mga influencers na to ay madaming followers at inofferan ng malaking halaga(sa pagkakaalam ko per video or atleast 5 digits in php) para ipromote ang kanilang app.
newbie
Activity: 6
Merit: 6
May 08, 2023, 11:12:00 PM
#2
res
newbie
Activity: 6
Merit: 6
May 08, 2023, 11:02:07 PM
#1
Malamang marami na sa inyo ang nakabasa about sa Gcash hacking issue this past few days and marahil marami sa inyo ang nagtataka kung ano nga ba ang possible cause at paano makaiwas sa mga gantong hack?
Maraming nagsususpect na "Inside Job" daw ni Gcash ang hacking incidents na nakaapekto sa maraming customers ngayon pero pwede din naman na sa side ni user ang mali.

Recently sumabog ang pangalan ng Philwin sa Pilipinas dahil sa sandamakmak na influencer na nagpopromote ng website na to. And upon checking on different casinos na halos kawahig ni Philwin ay may na notice ako na isang bagay tungkol sa pag gamit ng Gcash as cashin option.

Casino cashin using gcash. ( CHECK NIYO MAIGI YUNG URL)
https://imgur.com/Eyb6Laj (Cant use picture since newbie palang ako)

While

Codashop using GCASH
https://imgur.com/xuiwUoy (Cant use picture since newbie palang ako)

Kitang kita yung difference in the url. Assuming na same API lang ang ginagamit ng both website using gcash dapat same lang sila ng URL. Kaya nagkaron kami ng feeling na karamihan sa mga casino website na sumisikat ngayon is ginagamit ang Gcash cashin options na way para makapag Phishing ng Gcash informations and later on nakawan ng pera ang mga user.

PS : Hindi ito 100% accurate just want to share something I noticed to try and keep everyone safe

Feel free to share your opinions specially sa mga IT professionals dito to confirm kung tama ba ang hinala ko.
Jump to: