I don't think this thread would definitely help you address your concerns to gcash kasi in the first place, maraming nagsasabing walang kwenta yung customer support nila. Maraming cheche bureche at napakatagal mag response.
So far, pangatlong araw ko na to pero dalawang reply palang ang natanggap ko sa kanila within 24hrs kasi nakalagay eh. Nanghihingi sila ng requirements at binigay ko sa kanila. Naghintay ako sa reply, pero madaling araw yung reply nila. Tapos akala mafifix na pero hindi pa pala. Nanghihingi na naman ng bagong documents at binigay ko naman ulit. Maghihintay nalang ako sa reply nila, yan na siguro pinakamagandang gawin sa ngayon.
Sa totoo lang, matagal ko na to pinasolve sa kanila ang kasong to pero dami kasing hinihingi eh, parang walang kataposan. Pero positive lang.
Ang labo naman ng policy na ito. Tinatanggap talaga nila yun? Hindi ba dapat match yung account name at sim card number bago maging successful yung transfer from coins. Rejected dapat kapag unregistered pa at binalik ni coins yung pera mo.
Kaya nga eh, wala silang feature na makakadetect kung may mali ba. Pero hindi ko rin naman sila masisi kasi mali ko rin naman yan.