Author

Topic: GCrypto high onchain transaction fee (Read 128 times)

hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
July 29, 2023, 05:26:24 AM
#13
Sa tingin ko mas okay pa na gumamit ng maya sa crypto kumpara dyan sa gcash.
hindi ba for crypto trading sa Maya? parang naalala ko, hindi ka pwedeng mag deposit or withdraw ng crypto sa Maya.
Puwede na sabi sa news.
Maya Now Allows Users to Send And Receive Crypto
member
Activity: 1103
Merit: 76
July 28, 2023, 05:59:08 PM
#12
Ako kasi ang paraan ko upang makaiwas sa fee na malaki ng Coinsph sa Bitcoin ay mula sa Binance palang ay i-convert ko na from Btc to xrp tapos withdraw ko sa Coinsph

ganun din sa Gcrypto. BNB ang ginagamit ko sa withdraw kasi mababa lang ang transaction fee pero mas maganda kung magawan nila ng paraan sa ibang coins pati ETH medyo mataas din ang withdrawal fee.

Sa tingin ko mas okay pa na gumamit ng maya sa crypto kumpara dyan sa gcash.
hindi ba for crypto trading sa Maya? parang naalala ko, hindi ka pwedeng mag deposit or withdraw ng crypto sa Maya.
hero member
Activity: 2520
Merit: 568
Payment Gateway Allows Recurring Payments
July 28, 2023, 05:02:34 PM
#11
Huwag BTC gamitin mo diyan sa Gcrypto kasi integrated yan sila sa PDAX at pagkakaalam ko sa PDAX ganyan din kamahal ang withdrawal fee. Pero kung sa altcoins naman ang gagamitin mo diyan pang withdraw, mababa lang naman ang fee. Pero siyempre karamihan sa atin ang transactions ay nasa bitcoin dahil direkta imbak agad sa mga cold wallets natin.
hero member
Activity: 2030
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
July 28, 2023, 04:31:44 PM
#10
Mas maganda pa atang mag Palawan Express diyan. I think hindi yan tatangkilikin if ganyan ang kanilang transaction fee palagi kasi talagang walang customer ang gagawa ng ganyang transaction unless nalang ay kailangan na kailangan. How about if i-convert ito sa PHP ano naman yung transaction fee nila? From Bitcoin convert to PHP.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
July 28, 2023, 04:12:18 PM
#9
Akala ko mas mababa ang fee ng Gcrypto kesa sa Coinsph pero hindi pala as per OP. Kaya mas better talaga na huwag nalang muna gumamit ng Gcrypto. Ako kasi ang paraan ko upang makaiwas sa fee na malaki ng Coinsph sa Bitcoin ay mula sa Binance palang ay i-convert ko na from Btc to xrp tapos withdraw ko sa Coinsph para konti nalang yung fee pagconvert ko dun. Sa tingin ko marami parin ang hindi alam ang paraang ito kasi nakafocus lang yung iba sa Btc or konti lang knowledge nila sa crypto. Hanggang sa dumating yung P2P ng Binance, ay hindi na ako talaga bumalik sa ganyang paraan.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
July 28, 2023, 03:08:59 PM
#8
This is the disadvantage of coinsph before na sobrang mahal ng fees pero lately, nagimprove naman sila into a cheaper one so for sure since bago palang si Gcrypto, magiimprove pa ito and sana mas maging affordable kase kailangan naten ng maraming option and ito pa naman sana si Gcrypto ang inaasahan ko.

Hopefully ok den ang fees for convertion and fair naman sana yung rate nila. Thanks for the update para dito, so ang choice nalang tagala for now is P2P and coinsph.
sr. member
Activity: 938
Merit: 303
July 28, 2023, 12:32:29 PM
#7
Grabe yung taas ng fees. Satingin ko yan yung dahilan kung bakit iilan lang ang gumagamit ng GCrypto. Masyadong natataasan ang mga tao sa fees nila. Pero hindi na rin ako nagulat since halos lahat naman ngayon ng transactions under Gcash ang tataas ng fees. I think mas maraming gagamit ng GCrypto if hindi ganyan kalaki yung fee nila since madami na rin naman nag titiwala sa Gcash.

       -     Oo mate, tama ka, yan nga yung dahilan talaga dahil  sobrang mahal ng fee, bigla kang magkakaroon ng atake sa puso pag ganyan kahit wala ka namang sakit sa puso, hehehe... Pero seryosong usapan, meron akong napanuod na channel sa utube hindi ko lang natandaan ang name nung channel, nabanggit nya dun na may kamahalan nga yung transaction fee sa gcrypto, at pinayo pa nga nya na mas magandang magtrade ng crypto sa Maya apps.

So, sa bagay na ito ay  masasabi kung tama nga siya, kaya malamang mga ilang buwan pa mula ngayon kung hindi nila babaguhin ang charge fee nila ay for sure posibleng alisin nila yang gcrypto sa features ng gcash. Halatang walang alam ang gcash management sa strategy about sa crypto.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
July 28, 2023, 10:41:33 AM
#6
Grabe yung taas ng fees. Satingin ko yan yung dahilan kung bakit iilan lang ang gumagamit ng GCrypto. Masyadong natataasan ang mga tao sa fees nila. Pero hindi na rin ako nagulat since halos lahat naman ngayon ng transactions under Gcash ang tataas ng fees. I think mas maraming gagamit ng GCrypto if hindi ganyan kalaki yung fee nila since madami na rin naman nag titiwala sa Gcash.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
July 28, 2023, 09:42:21 AM
#5
Hehehe, I do agree, imba at ang laki ng at di hawak na mas mataas talaga sa coins.ph kaya mahirap rin talagang bitawan ito. Although may alternatives na tayo katuald ng Gcrypto nga, kaya lang and fees, papatayin ka at talagang mapapakamot ka ng ulo.  Grin

Paymaya could be another good alternative for now, or kaya balik na naman tayo sa P2P sa Binance at minimize muna ang Gcrypto sa panggamit kasi nga lugi tayo. Sana magawan naman to ng GCash para at maging fair sa lahat ng gagamit ng Gcrypto nila kasi hindi talaga makatarungan.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
July 28, 2023, 07:05:43 AM
#4
Ginagamit ko yan pero hindi bitcoin ang withdrawal ko diyan kaya parang outlet lang talaga siya kapag need ko magbenta. Hindi magandang platform kung bitcoin ang withdrawals na gagawin mo diyan kasi sobrang sakit talaga ng fees nila. Ang kinaiinisan ko lang din diyan, laging mabagal mag load kaya ang ginagawa ko, uninstall at reinstall para makabalik lang ulit sa gcrypto. Dati optimistic ako at tuwang tuwa rin sa service nila. Pero ngayon, balik ako sa dati kong kinagisnan at nakasanayan na way ng transfer at transactions. Sana maimprove pa nila yang service nila at sana din magkaroon sila ng poll at testing phase ulit kasi parang sobrang outdated naman ng system nila. Maganda sa maganda siya dahil integrated app siya pero madami pang kailangan ayusin.
hero member
Activity: 1288
Merit: 564
Bitcoin makes the world go 🔃
July 28, 2023, 06:49:09 AM
#3
Parang napagiwanan ng panahon itong gcrypto dahil iyan yung dating flat rate ng mga exchange sa Bitcoin withdrawal noong mababa pa price ng Bitcoin. Sa pagkakaalam ko ay pdax ang gamit nilang exchange kaya hula ko ay pinapatungan nila ng fee yung withdrawal fee ng Pdax since hindi tlaga sa gcash wallet
napupunta yung funds.

Sobrang OP nita at nakakadiscourage sa mga newbie na bibili ng Bitcoin gamit ang gcash dahil sobrang laki ng fee kaya baka akalain nila na ganito talaga ang fee in general.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
July 28, 2023, 02:21:51 AM
#2
Masyadong hindi makatao yang charge fee na yan sa totoo lang. Simula nung naging open na ang gcrypto sa gcash nung nagexplore ako sa apps na yan ay ito na agad ang napansin ko at yun ay mataas na fee nito. Pano maeenjoy ng crypto enthusiast ang trading activity dyan kung ganyan kataas ang fee nila.

Sa tingin ko mas okay pa na gumamit ng maya sa crypto kumpara dyan sa gcash. Maganda naman gamitin qng apps n ito huwag lang gamitin para sa crypto dahil masyadong hindi tlaga makatao.
legendary
Activity: 1904
Merit: 1563
July 28, 2023, 01:13:12 AM
#1
Hi! Just wanna share my experience using their service and all I can say is that I am not happy with GCrypto's bitcoin onchain transaction fee. Hayop! pa-share share pa ako ng GCrypto update dati tapos hindi ko rin naman pala magugustuhan  Cheesy



Kung makikita ninyo, around 1.5k - 1.6k yung transaction fee, mas malaki pa ata yan sa coins.ph saka Binance. Although aware naman akong may cut sila diyan pero hindi pa rin understandable lalo na segwit address naman yung magre-receive ng funds. I have no choice but to convert them back to PHP para maiwasan yung ganong kalaking fee. Saka ayoko lang din talaga itrade sa XRP for cheaper withdrawal alternative.

Yun lang naman yung rant ko so don't make the same mistake I did.
Jump to: