Kaya nga, sa ganyang service dapat tatlong party ang kasali. Yung buyer, seller at escrow o middleman. Sa P2P market, ganito ang pinaka the best na paraan para magkaroon ng smooth transaction. Iisipin ng iba na hindi posible yung ganito at sa dark market lang pwede maganap pero sa totoo lang, mas marami pa ngang scam doon at kahit sa mga centralized na online shopping, sobrang daming mga fake online seller na hindi magawan ng paraan ng gobyerno natin na isang batas lang yan tapos magkaroon ng mabigat na parusa, siguradong mababawasan yang mga uri ng manloloko. Sa tingin ko naman puwede yan magawan ng paraan sa bansa natin tapos magkaroon lang ng mga kilalang developers na gagawa ng platform na P2P sa mga online transactions tapos kumbaga parang forum ng bitcointalk ang style, may reviews, feedbacks at yung mismong platform na magsisilbing middleman sa mga gusto mag transact.
Ika nga ng iba "
its dark under the lamp", at dahil na nga ang focus ng pamahalaan ay hulihin ang mga may ginagawang krimen, hindi nila namamalayan na nasa broad daylight lang pala ang napakaraming krimen na nagaganap instead na yung mga nagtatago. Iniisip din kasi kadalasan ng mga tao na mostly yung involved sa mga transaksyon na walang namamahala ay puro ilegal ang nagaganap, at hinahayaan lang nila ang mga scams na nagaganap sa mga may nagmamanaged na e-commerce businesses.
Agree ako sa sinabi mong magandang magkaroon ng ganyang model ng transaction method, ang ikinababahala ko lang ay yung paglalaro ng monopolya ng pamahalaan, dahil papayag ba sila kung hindi sila ang magiging tagapamahala sa ganyang uri ng transaksyon? Panigurado ay masi-set sila ng kanilang standard siyempre in favor sa kanila at dahil nga may standards, iilan lang ang kwalipikado na hindi related sa pamahalaan. Ang masaklap pa nga ay kung makakapasok ba yung hindi nila kasamahan. Paniguradong magiging pulitika din ang kalalabasan at yung mga pribadong kompanya at malalaking korporasyon ang unang makikinabang nyan.
Hindi pa kasi aware ang marami nating kababayan patungkol sa decentralization. Kaya kapag hindi registered at hindi visible ang mga details, ang akala nila scam.
Tama lang naman yung ganoong approach kasi nga sobrang daming mga scammers at bogus ngayon sa panahon natin. Kaya yan ang unang suspetya ng mga kababayan natin kapag may mga ganitong uri ng features ang isang commerce o yung isang seller.
Sa tingin ko naman, basta yung mismong gumawa ng platform ay dapat i-register tapos yung uri ng transactions nila ay malinaw na hindi involved ang mga details kasi sa ganitong uri sila ng market magsisimula ang kaso nga lang, madaming worry kasi nga mga scammers kapag may mga ganitong features, ie-exploit nila.