Author

Topic: [GUIDE] Ang Tamang Paggawa ng Isang Quality Thread for PH Local Board. (Read 750 times)

newbie
Activity: 22
Merit: 12
Ito ay maganda, may mga ganito din dati sa aking forum na ako ang moderator kaya masasabi kong epektibo ang paglalagay ng kategorya sa title ng iyong thread. Ito ay nagpapakita na organisado ang iyong topic at isa nagpapakita na deserving mabasa ang iyong thread.

Pero nararapat lamang na maging optional ang paglalagy ng kategorya basta ang gusto nating mangyari ay maging organisado ang ating lokal. Nakita ko rin na marami na palang naglalagay ng kategorya sa kanilang title kaya maganda tignan. Lalo na para sa mga baguhan dito sa forum, malalaman nila agad at hindi malilito kung ano ano ang mga dapat nilang mabasa.

legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Tama, meron ding iba na pabalik balik ang thread, alam naman na may thread na tungkol sa isang topic yung iba ai gumagawa padin ng thread na same and thought parang pinara phrase lang ang title at content. Maganda itong guide para maiwasan ang mga nonsense at redundant na thread.

That's the issue na gustong gusto ko rin lutusin and I hope na makiisa din yung moderators for deleting those kind posts. Kasi minsan kapag nag-rereport at considerable naman siya as existing post na, isama pa natin yung mga shitposts, hindi pa rin nade-delete.

Kahit man lang locked, the purpose of having a discussion will be gone since paulit ulit lang naman yung mga thread na may similar topIcs diba?
Paraphrasing can be accepted pero sana try to add some analogy or other information para mas madaling maintindihan ang mga topic.

The massive creation of topics at hindi naman pinagiisipan ang contents are because of the merit system. Some of them are desperate to earned merits through creating topics. Kaya buti nalang yung iba sa atin ay may standards sa pagpili ng mga bibigyan ng merits.

sr. member
Activity: 1778
Merit: 309
Thanks for the guidelines and yes hinde talaga dapat basta basta gumagawa ng thread at dapat maging attractive hinde yung super haba na nung topic eh ang gusto mo lang pala tanungin kung paano bumili ng bitcoin. I’m not confident on making threads pero sana makaisip ako ng magagandang topic.
Yan ang ginagawa ng karamihan gumagawa ng thread na hindi pinag-iisipan ang topic . Dapat din ang topic na gagawin ay nakakattract sa mga user at hindi basta bast ang topic at dapat tignan muna kung ang iyong gustong malaman ay may topic na dati para hindi na paulit ulit.

Merong mga thread na maikli lang ang information maikli pero maiintindihan mo kaagad yung iba napakahaba tapos parang paligoy ligoy pa.

Tama, meron ding iba na pabalik balik ang thread, alam naman na may thread na tungkol sa isang topic yung iba ai gumagawa padin ng thread na same and thought parang pinara phrase lang ang title at content. Maganda itong guide para maiwasan ang mga nonsense at redundant na thread.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Bump to this thread.
--
Marami akong napansin na threads na hindi naman maayos, Tags aren't required for the title pero sana naman maayos kahit papaano.
So I hope marami pang makabasa nito ulit, this is really a helpful thread for you guys!  Wink
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Salamat! Kala ko masasayang yung pinaghirapan ko. BTW, di naman ako nagpost ng link ko para sabihin na bigyan ng merit dahil sa tingin ko ay quality. Actually, alam ko naman na mayroon tayong taste para sa paglagay ng merits. Kaya nga we need to pursue ourselves para maging quality poster tayo.
Using your guide, I will try to create my posts relatively in the topics of this forum.

Don't worry hindi kita binigyan ng merit just because sinend mo yung link sa akin, ang tunay na dahilan ay okay sa akin yung thread mo. I'm just too lazy to browse different kind of threads ngayon dahil busy din ako. Paghusayan mo pa, if you want some ideas, you can look to my merit summary para makahanap ka ng idea kung paano maka-gain ng merits through quality post. Have your own signature sa paggawa ng thread para pag binabasa nila thread mo they will know na gawa mo yon at isa ka ng legitimate quality poster.  Wink
member
Activity: 378
Merit: 11
Minsan kasi kahit maganda ang pagkakagawa ng thread, hindi naappreciate.
Look at this, https://bitcointalksearch.org/topic/m.51544150
That is my thread. Pinag-isipan ko at may unique idea but I also integrate it with cryptocurrency specially in trading. Still, linalangaw ang thread ko.

I already gave you own since unti lang sMerits ko pero if you want to have merits on that thread, try mong magreply sa unmerited post ni cabalism13 since siya ang merit source dito. Ang mga merits kasi dito sa Local, to be honest lang ah, nagkakaroon kasi ng merit cycle dito at yung iba sa mga magagandang reply lang talaga bumabase.

Nakakainggit kasi I did my best naman para gumawa ng quality posts pero nung nakita ko itong topic, nakakawalang gana. I know simple and sharp but anyone can speculate on their own. There is no special to the topic.

Expect mo na ang alt if ganyan. Obvious naman there's an hidden transaction between them kaya kahit walang kwentang mga post is nabibigyan ng merit. Pero don't lose hope kasi kung merit lang naman ang basis ng pag-stay at paggawa ng content dito baka di ka tumagal.

Anyway, I want also to add that in order to make quality post, hindi basis ang haba at ikli ng topic. As long as it is quality. Ika nga, content over porma.

If you want to present something at kadalasan puro common nalang yung mga content dito, we should follow the standards as we also considered it as efforts and through that mas maraming makakaappreciate ng ginawa natin, the content and how does it made. Yes it's true na hindi naman dapat dinadaan sa haba kasi ang kailangan mong habaan is yung information na ibibigay mo sa magbabasa nito, gagawa nalang ng content kukulangin pa.

We already knew that, we're just being formal here kasi kung papansinin mo since then, puro mga information na pahapyaw at kailangan mo pang mag-search para lang malaman yung kasunod ng topic.
Salamat! Kala ko masasayang yung pinaghirapan ko. BTW, di naman ako nagpost ng link ko para sabihin na bigyan ng merit dahil sa tingin ko ay quality. Actually, alam ko naman na mayroon tayong taste para sa paglagay ng merits. Kaya nga we need to pursue ourselves para maging quality poster tayo.
Using your guide, I will try to create my posts relatively in the topics of this forum.
full member
Activity: 868
Merit: 185
Roobet supporter and player!
Minsan kasi kahit maganda ang pagkakagawa ng thread, hindi naappreciate.
Look at this, https://bitcointalksearch.org/topic/m.51544150
That is my thread. Pinag-isipan ko at may unique idea but I also integrate it with cryptocurrency specially in trading. Still, linalangaw ang thread ko.

But look at this one, https://bitcointalksearch.org/topic/it-is-not-too-late-5088729
In that topic, is there any efforts or helpful to the community?

Di ako nagagalit sa nagbigay at nabigyan ng merits but is that really a quality post?

Nakakainggit kasi I did my best naman para gumawa ng quality posts pero nung nakita ko itong topic, nakakawalang gana. I know simple and sharp but anyone can speculate on their own. There is no special to the topic.


Anyway, I want also to add that in order to make quality post, hindi basis ang haba at ikli ng topic. As long as it is quality. Ika nga, content over porma.
I found it creative!
It is hard to produce quality post here in forum. Actually, I admire your creativeness also. But, don't lose hope in case your post does not working. Maybe, you just need to modify things or have the clarity to point out your objectives.
I will just suggest, you can follow it or not. But for me, the title seems like a little bit vague for me as a reader. It does not show interests. You can make it in a form of question like this; What kind of philosophy do I have?
Because in this forum, you need also to show your creativity by making your title an attractive.

Also, don't be envied with these posters also. You will just hate yourself. There are undergrounds negotiation here. Just like sending or buying merits. But we should not problem instead, challenge yourself to beat them in making quality post. Merit system did not made for competition, it made to have quality posts in this forum.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Minsan kasi kahit maganda ang pagkakagawa ng thread, hindi naappreciate.
Look at this, https://bitcointalksearch.org/topic/m.51544150
That is my thread. Pinag-isipan ko at may unique idea but I also integrate it with cryptocurrency specially in trading. Still, linalangaw ang thread ko.

I already gave you one since unti lang sMerits ko pero if you want to have merits on that thread, try mong magreply sa unmerited post ni cabalism13 since siya ang merit source dito. Ang mga merits kasi dito sa Local, to be honest lang ah, nagkakaroon kasi ng merit cycle dito at yung iba sa mga magagandang reply lang talaga bumabase.

Nakakainggit kasi I did my best naman para gumawa ng quality posts pero nung nakita ko itong topic, nakakawalang gana. I know simple and sharp but anyone can speculate on their own. There is no special to the topic.

Expect mo na ang alt if ganyan. Obvious naman there's an hidden transaction between them kaya kahit walang kwentang mga post is nabibigyan ng merit. Pero don't lose hope kasi kung merit lang naman ang basis ng pag-stay at paggawa ng content dito baka di ka tumagal.

Anyway, I want also to add that in order to make quality post, hindi basis ang haba at ikli ng topic. As long as it is quality. Ika nga, content over porma.

If you want to present something at kadalasan puro common nalang yung mga content dito, we should follow the standards as we also considered it as efforts and through that mas maraming makakaappreciate ng ginawa natin, the content and how does it made. Yes it's true na hindi naman dapat dinadaan sa haba kasi ang kailangan mong habaan is yung information na ibibigay mo sa magbabasa nito, gagawa nalang ng content kukulangin pa.

We already knew that, we're just being formal here kasi kung papansinin mo since then, puro mga information na pahapyaw at kailangan mo pang mag-search para lang malaman yung kasunod ng topic.
member
Activity: 378
Merit: 11
Minsan kasi kahit maganda ang pagkakagawa ng thread, hindi naappreciate.
Look at this, https://bitcointalksearch.org/topic/m.51544150
That is my thread. Pinag-isipan ko at may unique idea but I also integrate it with cryptocurrency specially in trading. Still, linalangaw ang thread ko.

But look at this one, https://bitcointalksearch.org/topic/it-is-not-too-late-5088729
In that topic, is there any efforts or helpful to the community?

Di ako nagagalit sa nagbigay at nabigyan ng merits but is that really a quality post?

Nakakainggit kasi I did my best naman para gumawa ng quality posts pero nung nakita ko itong topic, nakakawalang gana. I know simple and sharp but anyone can speculate on their own. There is no special to the topic.


Anyway, I want also to add that in order to make quality post, hindi basis ang haba at ikli ng topic. As long as it is quality. Ika nga, content over porma.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Honestly, I really didn't notice that comment from you when I was applying for Source and I sincerely apologize 😂

Well, it's fine, akala na-notice mo ako that time. Syempre aware din ako kahit na wala pa rin akong paramdam sa local nung time na yan haha!

Actually, at some point ok din naman ang translated topics pero kung puro ito lang ang makikita, it isn't good in the eyes anymore. And basically, speaking of your thread about Tags, in our local, it might be good somehow? And maybe not, in fact all of the things here can be abused. Tags can also be a way of misleading informations so I really dont suggest it. But your aim is quite good enpugh though. I do understand the whole point, but what I'm telling isn't just for you, but for the other users that will use these tags.

I think isa sa atin ang dapat mag-brought ng issue na ito sa ating local kasi we need the opinion of the others din especially the moderators of our local and @theyoungmillionaire syempre. Agree with you, ang problema talaga ay hindi talaga malulutasan basta basta lalo na kapag big issue so I think yung thread ko is just a temporary solution or maybe at some point pwede siyang maging permanent basta maging disiplinado lang tayong mga pinoy.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
-snipped

Honestly, I really didn't notice that comment from you when I was applying for Source and I sincerely apologize 😂

Actually, at some point ok din naman ang translated topics pero kung puro ito lang ang makikita, it isn't good in the eyes anymore. And basically, speaking of your thread about Tags, in our local, it might be good somehow? And maybe not, in fact all of the things here can be abused. Tags can also be a way of misleading informations so I really dont suggest it. But your aim is quite good enpugh though. I do understand the whole point, but what I'm telling isn't just for you, but for the other users that will use these tags.

Good Day!


legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Just some things about tags. 😊 Though, I'm really not against it, but as of now, there are too many translated topics especially on Guides. I don't find this amusing anymore, our board is just turning like into a Tagalog-English Dictionary.

I agree na hindi talaga maganda yung pagta-translate ng topics but I think mas maganda na i-voice out mo sa local lalo sa mga hindi talaga gets yung ginagawa nila like yung mga nabuhay na mga accounts tas biglaang nagsisigawa ng translated topics. There are different kinds of guides, general topic kasi ito for the betterment of the community while the other guides na na-translate, repetitive lang at existing na.

Ito yung first translated topic (hmm) ko from other board kasi nakita kong nakakatulong ito para sa atin, hindi lang yung title-making pati na rin yung mga context ng isang quality thread. The rest of my topics are my own at pinagaralan ko talaga yon bago ko gawin. Pero I think hindi to translated topic for me, I made a revision here.

Ito yung point ko nung nag-reply ako sa merit source application mo that time.
Another merit source application from the Philippines and it's a good way to have initiative and confidence to apply for this position. Like what we're saying, it's really hard and you must be responsible for every action you will do. Regarding the 10 posts that should be merited, some of them were just translated into Filipino language, lack of creativity and ideas especially the first one, how to learn BBcodes. I manage to create my own tutorial about BBcodes in our local and it was locked long ago by our moderators (and the reason is still unknown and still hoping for the answers), and that tutorial was simplified and I made my own signature to show that I have the creativity and legitimately know the knowledge about BBcodes, my source is also roslinpl. If those merits will be just given away to those translated topics, people will get merits easily. Those kinds of people will just seek for ultimate threads that will be translated into our language.

Yung iba naman self-moderated para hindi mapuna yung mga threads nila. Ang dali dali lang naman mag-search, ako nga nageedit pa ako ng sarili kong layout para lang gumawa ng thread. Nageeffort pa.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Malaking tulong ito sa mga gusto talagang gumawa ng quality post dito sa forum. Gayunpaman, kailangan talaga ng ideya at pakahulugan ang ating mga paksa dito. Maging ako nga ay nahihirapan din kung paano gumawa ng may kalidad na post at may relevance sa cryptocurrency. Mahirap gumawa ng topic sa totoo lang. Pero ito ang magsisilbing dahilan kung papaano tayo magiging develop at matured sa industriyang ito. Dahil nga sa merit system ay marami akong nabasang artikulo na talaga namang may kalidad at nakakatulong sa cryptocurrency.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
https://bitcointalksearch.org/topic/topic-title-style-guide-102944

Just some things about tags. 😊 Though, I'm really not against it, but as of now, there are too many translated topics especially on Guides. I don't find this amusing anymore, our board is just turning like into a Tagalog-English Dictionary.

We can still consider this tranlated topics but I think its also necessary for us to learn even just a bit English. I also don't find valid excuse from learning it, IMO. We're just being lazy I suppose.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Thanks for the guidelines and yes hinde talaga dapat basta basta gumagawa ng thread at dapat maging attractive hinde yung super haba na nung topic eh ang gusto mo lang pala tanungin kung paano bumili ng bitcoin. I’m not confident on making threads pero sana makaisip ako ng magagandang topic.
Yan ang ginagawa ng karamihan gumagawa ng thread na hindi pinag-iisipan ang topic . Dapat din ang topic na gagawin ay nakakattract sa mga user at hindi basta bast ang topic at dapat tignan muna kung ang iyong gustong malaman ay may topic na dati para hindi na paulit ulit.

Merong mga thread na maikli lang ang information maikli pero maiintindihan mo kaagad yung iba napakahaba tapos parang paligoy ligoy pa.

True. Matamaan na ang dapat matamaan pero kung sino pa yung mga high-ranking members or nagpapakitang may pakialaman sa forum ay sila pa ang gumagawa ng mga dapat iniiwasan. Minsan hindi na nga pinapansin ang mga sumosobra na sa pagka-offtopic tapos hindi man lang aayusin yung thread title.

Regarding naman sa existing threads, marami na talaga ang gumagawa ng repititive posts. Ginagawan lang ng mas magandang version yung dating nagawa kaya nagmumukhang sila ang original. There's no problem with that kasi may kanya kanya tayong source pero nasa inyo naman yon if gusto niyo ng ganoong kalakaran dito sa local.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Thanks for the guidelines and yes hinde talaga dapat basta basta gumagawa ng thread at dapat maging attractive hinde yung super haba na nung topic eh ang gusto mo lang pala tanungin kung paano bumili ng bitcoin. I’m not confident on making threads pero sana makaisip ako ng magagandang topic.
Yan ang ginagawa ng karamihan gumagawa ng thread na hindi pinag-iisipan ang topic . Dapat din ang topic na gagawin ay nakakattract sa mga user at hindi basta bast ang topic at dapat tignan muna kung ang iyong gustong malaman ay may topic na dati para hindi na paulit ulit.

Merong mga thread na maikli lang ang information maikli pero maiintindihan mo kaagad yung iba napakahaba tapos parang paligoy ligoy pa.
full member
Activity: 686
Merit: 108
Thanks for the guidelines and yes hinde talaga dapat basta basta gumagawa ng thread at dapat maging attractive hinde yung super haba na nung topic eh ang gusto mo lang pala tanungin kung paano bumili ng bitcoin. I’m not confident on making threads pero sana makaisip ako ng magagandang topic.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Ako hindi basta basta gumagawa bg thread dahil baka mamaya mali pala ang tamang paggawa o ang format nito. Nagkaroon ako ng Idea na magagamit ko once na may naisip akong topic na gusto kong magkaroon ng discussion magagamit ko ang mga nakalagay dito at maitatama ko ng maayos ang thread na gagawin ko sana lahat iapply ito sa kanilang thread na sinimulan.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Maganda naman tignan kung may tag sa title na napapaloob sa bracket. Hindi din naman mali kung walang tag basta nakasulat ng maayos and topic title.

Meron na din ginawa ang forum admin tungkol dito https://bitcointalksearch.org/topic/m.1128795

Yes, but ang purpose ng category tag ay para mas makita ng mabilis ang topic na gusto mong puntahan kaya I really recommend to use this. Hindi yung mga simpleng title lang then sobrang misleading sa context diba. Minsan ang tanong ay napapagkamalan mong tutorial like what theymos said.
sr. member
Activity: 882
Merit: 301
Maganda naman tignan kung may tag sa title na napapaloob sa bracket. Hindi din naman mali kung walang tag basta nakasulat ng maayos and topic title.

Meron na din ginawa ang forum admin tungkol dito https://bitcointalksearch.org/topic/m.1128795
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Masakit sa mata kasi may mga symbols pang kasama na hindi naman dapat nilalagay sa title.

Agree, simplicity is beauty. Mas attractive sa mga intellectual person ang maayos na thread title which leads to a good discussion.

Medyo mahihirapan lang ang mga thread na may mahahabang title kasi limited lang ang space sa Thread title.

I see, pero magagawan ng paraan yan katulad ng aking title na nagkasya pa rin. Ang title naman kasi ay parang main idea ng topic mo, hindi naman dapat sentences ang title kaya't mababago natin ang ganitong sistema sa paggawa.

Nice guide, I will start fixing my created threads.  Mas maganda nga ang ganitong format, mas madaling makita kung anong klase ba ang thread.  Mas makakatipid sa oras ang mga nagbabasa, hindi na kailangang iclick para malaman kung anong klase bang thread o topic ang nilalaman ng thread na iyon.

Thanks, yun din ang pinaka-purpose ng aking thread. Discipline Is What Leads to Success.


UPDATE: 1:39 am
Friday, 7 June 2019 (GMT+8)



I already changed my existing threads' title tas may mga iilan na naglalagay na rin ng category sa kanilang thread title. Then may iilan lang akong na-inspect element for the screen shot lang naman para ipakita na sobrang ganda ng ating local board at mapakita na disiplanado tayo kahit sa simpleng bagay.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Nice guide, I will start fixing my created threads.  Mas maganda nga ang ganitong format, mas madaling makita kung anong klase ba ang thread.  Mas makakatipid sa oras ang mga nagbabasa, hindi na kailangang iclick para malaman kung anong klase bang thread o topic ang nilalaman ng thread na iyon.



Medyo mahihirapan lang ang mga thread na may mahahabang title kasi limited lang ang space sa Thread title.
full member
Activity: 658
Merit: 126
Sa tingin ko laking tulong nito sa ating local board kasi madali lang ito ilagay at gawin sa ating mga thread. Pansin ko rin na kailangan ito ng ating local board kasi medyo magulo nga ang pag titignan ang ating local board. Masakit sa mata kasi may mga symbols pang kasama na hindi naman dapat nilalagay sa title. At sana ma-pin ang iyong topic dito dahil alam naman natin na makakatulong talaga ito sa pag-unlad nating mga pinoy.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Sana lang ay hindi ito sanhi na umiwas ang iba nating kababayan na mag-create ng thread kasi sa tingin nila ay napaka-komplikado kung gagawa sila ng isa at hassle pa. Sana rin ay magkakaroon tayo ng programa sa lokal na naghihikayat sa mga baguhan na mag-create ng kanilang sariling thread at huwag matakot na mapuna ito bagkos ay tutulungan natin na mag-improve kasi yon naman ang objective natin, for the improvement of our local section and also to uplift the the Filipino pride.

Sa tingin ko ay hindi ito magiging sanhi para umiwas ang mga pinoy sa paggawa ng topic bagkus ay mas makakatulong pa ito sa kanila upang maging maganda ang paggawa ng thread dito. Isa pa, lahat naman tayo dito sa lokal ay makikinabang sa ganitong sistema kaya'y aking nirerekumenda ang ganitong pamamaraan.

Sa sitwasyon ng board naten ngayon, na-aangkop itong guide na ito para madali nating malaman kung anong category ang OP.
Lalo na't iilan lang ang section ng lokal naten.
Di talaga maiiwasan na magkahalo-halo ang mga topics naten.
Kaya sana'y i-adopt naten itong format na ito dahil para na rin ito sa ikagaganda at ikadadali ng ating lokal.

Tama, mas mapapadali ang lahat ng gawin kung tayo ay may disiplina sa mga simpleng bagay katulad nito.

Salamat sa inyo dahil sinusuportahan niyo ako sa aking pagpapahayag ng idea na mula sa ibang lokal. Sana'y maging aprubado ito ng ating mga moderator at ma-pin sa ating lokal upang maging mas maayos at maging pasok sa standard at ang ating lokal. Ipinapalagay ko na pabor sa akin si Mr.Big dahil sa merit na aking natanggap mula sa kanya, kaya sana ay makatulong na rin ito sa inyo sa paggawa niyo ng thread sa lokal.
copper member
Activity: 896
Merit: 110
Sa sitwasyon ng board naten ngayon, na-aangkop itong guide na ito para madali nating malaman kung anong category ang OP.
Lalo na't iilan lang ang section ng lokal naten.
Di talaga maiiwasan na magkahalo-halo ang mga topics naten.
Kaya sana'y i-adopt naten itong format na ito dahil para na rin ito sa ikagaganda at ikadadali ng ating lokal.
 Smiley
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Mukhang guilty ako dito pero hindi pa naman huli, edit ko na lang yong mga threads na nagawa ko at pagandahin pa kung pwede. I am a believer of "practice makes perfect" as hindi naman lahat sa atin na bihasa na sa paggawa ng threads pero sa guide na ito ay pwede na nating usisahin kung yong nagawa natin ay conformed ba to the standard of making a quality thread.

Sana lang ay hindi ito sanhi na umiwas ang iba nating kababayan na mag-create ng thread kasi sa tingin nila ay napaka-komplikado kung gagawa sila ng isa at hassle pa. Sana rin ay magkakaroon tayo ng programa sa lokal na naghihikayat sa mga baguhan na mag-create ng kanilang sariling thread at huwag matakot na mapuna ito bagkos ay tutulungan natin na mag-improve kasi yon naman ang objective natin, for the improvement of our local section and also to uplift the the Filipino pride.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Hindi naman actually to kailangan na kailangan sa paggawa ng thread pero makakatulong to para makita ng mambabasa kung ano ba yung laman neto. Parang for formality lang to and para hindi maging misleading yung topic mo.

I don't think so sa part na hindi siya kailangan na kailangan. Most of the members here don't know how to compose a title (most, hindi ko nilalahat), it's also an issue here pero walang nagbobrought up ng topic kasi nga minimal lang naman yung effect. Kahit ako mismo minsan nahihirapan sa pag-compose ng title para lang basahin ng mga tao. Pero kapag ginawa na natin ang ganitong klaseng method sa paggawa ng thread, mas magiging maganda at organized lahat ng threads dito sa Pilipinas. I think pati mga foreign members ay madadalian sa pagtingin ng mga topic na helpful talaga kasi minsan naghahanap sila ng pagbibigyan ng merits sa local. Through this method, kapag nalaman nila ang purpose ng thread mo dahil sa title, magiging interesado sila.

It's true na for formality ito and para hindi maging misleading tung topic, pero diba yun yung purpose natin? to have a good discussion with others with a good presentation of the topic. Also by this method, we can easily avoid and mafifilter-out yung mga mema and non-sense post pag ka-open mo ng local board.
sr. member
Activity: 840
Merit: 268
Hindi naman actually to kailangan na kailangan sa paggawa ng thread pero makakatulong to para makita ng mambabasa kung ano ba yung laman neto. Parang for formality lang to and para hindi maging misleading yung topic mo.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
Ang topic na makakatulong sayo sa paggawa ng thread, basahin na!

|| Guide sa Paggawa ng Thread sa Philippines Local Board ||

Sa Paggawa ng Title


Introduction

Alam naman natin ang title ang una nating nakikita kapag napapadalaw tayo sa isang section. So dapat ang thread's title ng iyong topic ay makakaakit ng mga taga-basa na iyong hinahanap at para na rin mabilis maalala ng isang miyembro ang iyong title na ginawa kung sakali man gagawin niya itong reference sa panibagong topic. Ang paggagawa ng magandang title ay nagpapakita rin ng pagiging standard at malinis na local board.

Ang tamang title format ay dapat ganito:

[CATEGORY NG IYONG THREAD] TITLE NG IYONG THREAD.

Ang pula ay ang kategorya ng iyong thread
Ang asul naman ay ang title para sa iyong thread.

Ang ganitong klaseng pamamaraan ay maii-apply sa ganito:

  • [ASK] Patulong gumawa ng wallet sa coins.p.
  • [DISCUSSION] Totoo ba talaga na tataas ang bitcoin?
  • [NEWS] Ang presyo ng bitcoin ay tumaas

Mga kategorya ng threads na pwede mo pang magamit.


  • [QUESTION] = Ang nilalaman ng content na ito ay mga katanungan tungkol sa pag-resulba ng iyong problema.
  • [TUTORIAL] = Ang nilalaman ng content ay pagtuturo, halimbawa na lamang niyan ay ito - [TUTORIAL] Paano gumawa ng SIGNATURE using BBCodes
  • [DISCUSSION] = Ang nilalaman ng content ay diskusyon patungkol sa topic na ginawa ng OP. Ang paggawa ng mga discussion thread ay dapat self-moderated upang ma-monitor ang mga reply ng ating mga kababayan na hindi naman related sa topic. Kadalasan ang mga reply ng iilan sa atin ay hindi kapakipakinabang, gusto lang i-bump ang thread, at higit sa lahat ay ang pag-shitposting.
  • [RULES] = Naglalaman ng content na ito ay mga rules sa ating forum.
  • [GUIDE] = Ang nilalaman ng content na ito ay mga guide upang matuto tayo sa iisang bagay bago natin ito gawin, halimbawa na lamang niyan ay ito - [Guide] Ang Bitcointalk Merit System
  • [NEWS] = Naglalaman pa-tungkol sa ating forum o sa kahit anong balita na pwede mong ipahayag sa ating mga kababayan.
  • [HELP] = Ang nilalaman nito ay mga bagay na gusto mong malaman patungkol sa pag-aayos ng profile sa forum.
  • [REQUEST] = Ang nilalaman nito ay ang paghihingi ng tulong sa ating mga kababayan.
  • [GAMBLING], [GAMES], [SHARE], [INFOGRAPHICS] and more.

Kung ang mga kategorya na naiisip mo ay wala dito, maaari mong i-reply o i-message sa akin upang aking maidagdag dito.


Mga mabuting bagay na maidudulot ng paglalagay ng maayos na title.

  • Sinimulan na ng iilan sa atin ang paglilinis ng local board kaya naman mas mapapadali ang paghahanap ng mga shitposters, katulad na lamang sa thread ng DISCUSSION ay makikita natin kung sino ang mga nag-rereply ng mga hindi kaaya-ayang sagot.
  • Mas magiging malinis ang ating local board at maipapakita natin na disiplinado ang mga pinoy.
  • Maganda sa paningin at mapapadali ang pag-browse ng mga threads na gusto mong basahin.
  • Karamihan sa atin ay hindi marunong maglagay ng title, kadalasan ay may mga clickbait title at ito ay nakakasayang ng oras sa iilan.


Update sa ating local board ngayon:



Imo, hindi maganda sa paningin na basta basta nalang tayo gumagawa ng title. Mas maganda kapag organized ang mga thread title para hindi na rin tayo mahihirapan sa mga topic na gusto nating basahin. Katulad na lamang ako na mahilig magbasa sa mga discussion na ginagawa niyo, mas mapapadali nalang dahil pipindutin ko nalang ang may [DISCUSSION] na category.


Ang Tamang Format ng OP


Ang OP or original post ay ang unang makikita kapag pinindot mo ang isang thread. Ito ay nasa pinaka-una at doon magsisimula ang diskusyon sa thread. Ang OP ay dapat nagpapahayag ng kanilang objectives bakit nila ginawa ang thread na iyon. Karamihan sa atin ay gumagawa nalang din ng thread dahil para masabing may post sila.

May mga nakikita akong thread na nagcocopy paste lang ng mga topic sa web at lalagyan lang ng source, so anong purpose mo bakit mo na-share yon?
Katulad nga ng sabi ni @o_e_l_e_o sa aking thread sa meta about infographic stealing.

Simply copy and pasting someone else's work, adding nothing of your own, and slapping a reference link on the bottom, whilst not plagiarism is pretty low behavior my opinion. You see it all the time across the forum; people posting entire news articles, blog posts, medium posts, etc., written by someone else, and not even adding a single sentence of their own thoughts. The same thing could happen with infographics, although it is much less common than the other categories I mentioned. Providing a source means they won't get banned, but I still think it's a pretty scummy thing to do and obviously only for padding post count and/or fishing for merits.

Totoo namang hindi plagiarism basta may source, yun ay considered kapag ipapasok mo sa standard. Pero dito sa bitcointalk, ang tingin sa iyo ay isang low class member na nagbabakasaling magkaroon ng merits sa ganong paraan. Therefore, sasabihin natin lagi or babanggitin ay iyong purpose sa pagpapahayag ng isang bagay, remember it's a forum, lahat may dahilan, lahat may ipaglalaban.


Background of the topic

Ito ang magsisilbing liwanag mo sa iyong topic, dito malalaman ng isang nagbabasa kung worthy reading ba ang topic. Kung naipahayag mo ng mabuti ang gusto mong sabihin, lahat tayo makakabuo ng isang diskusyon at maaaring pagusapan ang iyong topic. Doon na papasok ang diskusyon na dapat ay nangyayari sapagkat ito ay isang forum.

Objectives

Ito naman ang mga bagay na dapat mong mahangad sa iyong thread. Halimbawa na lamang ng paggawa ng [GUIDE], ang natatangi mong objective ay para makatulong sa kapwa mo pinoy. Dito mo rin maipapakita na ang iyong thread na ginawa ay may patutunguhan dahil may nais kang marating.

Local Rules

Huwag natin kakalimutan ang forum rules, dapat ay lagi nating inaapply ito sa lahat ng bagay na ginagawa natin dito sa local board.

Statement

Dito naman nakasaad lahat ng mga bagay tungkol sa iyong topic. Dito mo rin ilalagay ang mga dapat mong i-quote or mga source na pinagkuhaan mo ng ideya sa paggawa ng topic.

Halimbawa:
Quote
[TUTORIAL] Paano gumawa ng wallet sa coins.ph

Background of the topic
Iilan sa atin ay hindi marunong gumawa ng wallet sa coins.ph kaya naman ay ginawa ko ito.

Objectives
Ang aking goal ay magpahayag ng kaalaman sa paggawa ng wallet upang maiwasan na rin ang paggawa ng thread tungkol sa wallet.

Statement
*nakalagay lahat ng mga steps sa paggawa ng wallet*

Disclaimer:
Hindi ko sinasabing mali at hindi maganda ang mga title ng mga taong nakapaloob sa picture na aking inalagay. Ang aking pagpapahayag ay patungo sa pag-unlad ng ating lokal at hindi para manira. Ito ay napaka-importanteng thread at sana ay bigyan ito ng pansin dahil makakatulong ito sa pagiging mataas quality na local board.





Acknowledgement

I created this topic kasi gusto ko na rin maging organized pa lalo ang ating Local Board and hoping na sundin natin ang ganitong guide. Katulad nga ng sabi ni theyoungmillionaire, who started the cleaning in our local board, simulan na natin ang pagkilos sa pagpapaganda ng ating local board. Marami na ang magagandang nangyayari sa ating local especially sa mga achievements na natanggap ng iilan sa atin. Isa sa mga achievements natin is to have a merit source which is cabalism13 so madadagdagan ang reason natin to be more productive at ipasok sa standard ang ating local board! I want to thank also joniboini for giving me permission to revise the thread for our local and for giving me an idea for proposing the pinned thread including all of the quality threads last year. Thanks also to our moderators; Dabs and Mr. Big for doing your best for maintaining our local in good situation, I hope this thread of mine will be pinned in our local board since it's very helpful guide for us, Filipinos.


LABAN PILIPINAS

Goodluck!
Thanks for reading and Have a good day!
finaleshot2016
Jump to: