DISCLAIMER: Ang mga nakasulat dito ay pawang sariling opinyon ko lamang, dahil wala parin naman akong experience sa paghawak ng mga bounty campaigns. General naman ang mga idea na ito at kadalasang ginagamit sa mga pang araw-araw, na pwededing mai-apply sa pag manage ng bounties.
Introduction:Magandang araw mga kabayan, nandito ko ngayon para bigyan kayo ng guide patungkol nga sa pag gamit ng
google spreadsheet for bounty management purposes. Usually ang mga gumagawa at gumagamit nito ay yung mga bounty manager para mapadali ang kanilang pag bibilang ng mga stakes atbp.
Sa pagbabasa ng guide na ito, sana magka insight din kayo sa kung pano ba ang ginagawa ng mga bounty managers.
Kung may mali or kulang or suggestions paki-notify nalang ako para madagdagan pa natin ang guide na ito. Maraming Salamat!
Guide difficulty: Easy - ModerateAng guide na ito ay nasa difficulty na easy to moderate. Ang kailangan lamang ay ang basic knowledge sa pag gamit ng excel which is applicable din sa pag gamit ng google spreadsheets.
Mga kailangan sa pag ayos ng mga spreadsheet ng mga bounties.I. Application Form
II. Spreadsheet ng Participants
I. Pag gawa ng application form:Siyempre simulan natin kung pano nga ba nakakagawa ng mga form na finifill-upan ng mga participants para makasali sa campaign. Ang karaniwang laman ng mga form na 'to ay yung mga basic informations tungkol sa'yo (or sa account mo) gaya ng BTCT username, BTCT profile url, Forum Rank, Avatar, at ETH Address.
Steps:1. Pumunta sa google drive mo at i-click ang new>more>google forms.
2. I-set ang mga katanungan which is yung nabanggit ko ngang usual na laman ng mga forms (BTCT username, BTCT profile url, Forum Rank, Avatar, at ETH Address). Usually pag first time mo gumawa ng forms may tutorial naman para mas malaman mo yung pwede mong gawin sa mga tanong mo. Pwede mo gawing ang mga sagot ay short answer, paragraph, multiple choice, etc.
3. Sa may bandang taas ng form, may response doon, iclick mo yon tapos create. Ang ginagawa ng step na 'to ay bukod sa gagawan ka na ng spreadsheet, naka link nadin siya sa form mo, meaning kada respond nila sa form, marerecord ang mga ininput nila at ipapakita ang lahat ng iyon sa spreadsheet.
Example preview ng spreadsheet:Notes:- Mababago mo naman ang ayos ng form sa way na gusto mo, hindi naman kailangan gayang gaya sa ginawa ko. Nasasayo din ang mga gusto mong itanong, kung ano satingin mo yung mga kinakailangan itanong sa mga participants mo as a bounty manager, isama mo din.
-
II. Pag ayos at pag manage ng spreadsheet:After natin sa part 1, makakakuha tayo ng spreadsheet na nakalink sa ginawa nating form. Ngayon, sa part na to, sabihin na nating may mga sumali na at bibilangin mo na yung mga stakes na matatanggap ng mga participants mo.
Since blank pa yung spreadsheet, yung Weeks, idinadagdag nalang sa mga columns pati yung mga makukuhang stakes ng mga participants since manual din naman ang pag bigay ng stakes kasi masinsinang pagbibilang yun.
Editable naman ang spreadsheet, bale may total control ka sa spreadsheet kahit may mga taong nagfifill-up padin ng form mo. Kung gusto mo mag tanggal ng mga details, pwede. At kung gusto mo din mag tanggal, pwede din.
Example scenario/conditions:- Bounty supply: 6000
- Lahat nakumpleto ang mga dapat gawin, at makakakuha ng kumpletong stake
- A - Legendary, Avatar: Yes(+1 stake), 5 Stakes/Week
- B - Hero Member, Avatar: Yes(+1 stake), 4 Stakes/Week
- C - Sr. Member, Avatar: Yes(+1 stake), 3 Stakes/Week
- D - Full Member, Avatar: Yes(+1 stake), 2 Stakes/Week
- E - Member, Avatar: No, 1 Stakes/Week
Note: Bounty supply is hypothetical lamang, niliitan ko lang para hindi sobrang laki ng makukuha ng participants per stakes.
Pagbibilang ng Total Stakes, Token/Stakes, Total Token:Things to keep in mind:-Ang
Total Stakes ay yung bilang ng stakes na nakuha ng isang participant sa duration ng campaign. Usually ang formula sa pagbilang nito ay:
Total stakes = W1Stakes + W2Stakes + W3Stakes + W4Stakes + ...Pano gagawin ito sa spreadsheet?- Sabi nga ng formula sa taas, i-add daw natin ang lahat ng nakuhang stakes ng participants kada linggo
- May dalawan paraan para gawin ito: By using Formula, at By using Function.
Formula: Mano manong pag bibigay ng gagawin sa mga values.
Example: =H2+I2+J2+K2, ang formula na ito ay ibibigay sayo ang sum ng mga cells na H2, I2, J2, at K2. Pag sinilip mo yung spreadsheet sa taas ang laman ng mga cells na yan is puro 5, so parang sinabi mong =5+5+5+5. Na ang sagot ay 20.
Function: Pre-defined na para di ka na mahirapan mag mano mano. Lalo na kung libong participants ang hawak mo.
Example: =SUM(H2:K2), ang function na ito ay same lang ng sa mano mano, pero imbis na isa-isa mo silang nilalagay, sasabihin mo lang na
=SUM(Start:Stop) at automatic ng mag a-add ang values from H2(Start) to K2(Stop)
-Ang
Token/Stakes ay yung bilang ng token na matatanggap mo kada isang stake. Usually ang formula sa pagbilang nito ay:
Token/Stakes = Bounty supply / Overall total stake countPano gagawin ito sa spreadsheet?- Same padin ng sa Total Stakes. Pero since may bounty supply na tayo na given naman madalas, Over all total stake count nalang ang kailangan tapos saka gawin ang formula.
- Dalawang paraan padin ang pwedeng gawin: Formula or Function
- Para di na humaba pa, function nalang din ang gawin natin para macompute yung overall total stake count. Ang twist lang dito, imbis na pa horizontal yung bilang, magiging pa column na. Wala namang iba doon basta ang nasa loob ng =SUM function mo is yung mga cells na gusto mo ng i-add.
Function: =SUM(L2:L6)
- Pero di pa tapos, overall total stake count palang yan at hindi pa yung Token/Stakes. At para sa Token/Stakes, gumamit nalang tayo ng formula sa pag compute nito, since division lang naman at di naman kailangan ng function para dito.
- Since naka set aside na yung Bounty supply, sinet aside ko na din yung Overall total stakes para magkalapit na sila.
Formula: =B9/B10, ididivide ng formulang ito yung value ng B9 sa B10 which is kung titignan niyo sa itsura ng spreadsheet natin sa itaas, B9: Bounty Supply at B10: Overall total stakes. Na nag mamatch sa formula kung pano natin cinocompute yung Token/Stakes sa taas.
-Ang
Total Token ay yung bilang ng token na matatanggap ng isang participant as a payment ng bounty. Usually ang formula sa pagbilang nito ay:
Total Token = Total stakes * Token/StakesPano gagawin ito sa spreadsheet?- Since may Total stakes na tayo, at meron na ding Token/Stakes. I-aapply nalang natin yung formula which is imumultiply yung dalawa.
Formula: =L2*M2, since yung L2: Total Stakes ni Participant A, at yung M2:Token/Stake ni Participant A, pag minultiply yung dalawa, makukuha natin is yung Total Token na matatanggap ni Participant A. Which is yun na din yung ibabayad niyo sa mga participants.
Finished Product: Click the pic to view the actual spreadsheet
Summary ng II- From blank spreadsheet na ang laman lamang ay yung mga response ng participants. Naglagay tayo ng mga additional details. Naglagay ng column para sa Total Stakes, Token/Stakes, Total Token tapos dinagdag na din yung bounty supply at yung overall total stake count.
- Sinet aside yung bounty supply para hindi nahahalo sa iba pati na rin madaling ma relocate para kapag ilalagay mo na yung cell niya para sa formula madali nalang din.
- Inapply yung mga formulas and functions, na angkop sa original na formula, ng excel para mapadali at mas maging accurate ang pag bibilang.
Yun lamang at maraming salamat!
PS: The topic was somehow related sa suggestion ni AdoboCandies, dun ko rin naman naisip na about sa excel at minodify ko nalang.
Excel Template for Bounty Campaigns
- (yung lagayan ng bounty para mas organize yung sa excel)