Author

Topic: [GUIDE] Gabay sa Paggawa ng Malupit at Ligtas na Password (Read 655 times)

full member
Activity: 1344
Merit: 103
Malaking tulong ito sa amin at lalong lalo na sa mga baguhan na ang password lamang minsan ay napakadaling mahack. Iwasan din ang pagkakapareho ng mga password sa ibat-ibang websites na papasukin mo dahil may mga websites na ang purpose ay mag-access ng password.

Basta tandaan na lang natin na ang password natin ay ating kayamanan , kaya dapat alagaan at laging ingatan. Hindi ako pala save ng password ko sa gadget mas secure kasi pag sa papel ko nilalagay tapos tago sa baul lagyan ng lock para safe na safe.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Sorry for replying in this old thread pero sa tingin ko importante itong sasabihin ko. Tungkol ito sa reply ni bob123 sa English post mo sa Beginners & Help section which he explained “Length beats complexity”. Maganda kasi yung argumento nya dito kasi mathematically speaking even if bob123 used personal information o kaya facts sa kanya para gumawa ng password yung possibilities for your password would be exponentially higher kumpara sa mga example na password na binigay mo. I was still intrigued about this idea dahil nga gagamit sya ng facts sakanyang buhay para gumawa ng isang sentence pero if we are talking about brute force attacks you want a password na madaming possibilities kumpara mas mababa na outcome. His point was solid but I still have my doubts about using facts about your personal life para sa isang password.
full member
Activity: 1028
Merit: 144
Diamond Hands 💎HODL
Ako almost same lang mga passwords ko pero lagi naman akong nag-aupdate kada month. Madalas naka saved na lang sa browser ko, hehe..di sya secured kaso sa dami ng accounts na meron ang isang tao mahirap na din matatandaan..pero as long as you got access sa email mo, safe ka pa naman kahit makalimutan
Ako rin same passwords lang lalo na sa mga social media accounts ko connected lang sila sa isa't isa. Pero dalawa naman ang email accounts ko, isang yahoo mail at isang gmail. Masyadong marami na kasing accounts ang connected sa yahoo mail ko so I decided na gumawa ng gmail. Dahil connected sa social media accounts ko yung yahoomail maraming notifications na natatanggap so sobrang natatabunan na yung mga important emails ko. Yung gmail ko naman ginawa ko for educational purposes para mabilis kong makita yung mga announcements and tasks ko mahirap pa kasing magsearch eh sa sobrang dami ng notifications everyday. Every month rin naman ako naga-update ng password para in case nasaved password ko sa ibang device hindi na nila ulit maaaccess account ko.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
sr. member
Activity: 644
Merit: 253
Ako almost same lang mga passwords ko pero lagi naman akong nag-aupdate kada month. Madalas naka saved na lang sa browser ko, hehe..di sya secured kaso sa dami ng accounts na meron ang isang tao mahirap na din matatandaan..pero as long as you got access sa email mo, safe ka pa naman kahit makalimutan

Yes kahit na makalimutan mo basta may access ka sa email mo safe parin ang acc mo, wala kang dapat ikatakot kung makalimutan mo man pede mo ichange pass basta alam mo ang detalye ng email mo.

Okay lang na puro safe, basta unique and make sure hindi mo to name, okay lang yan, for as long as hindi makakalimutan, napakahirap din kasi ng maraming passwords na iba iba, akala mo hindi mo makakalimutan, pero makakalimutan mo pa din, kaya ayaw ko din ng napakaraming passwords, mas okay na ako sa isa pero yong walang nakakaalam at mahirap talaga.
sr. member
Activity: 318
Merit: 326
Ako almost same lang mga passwords ko pero lagi naman akong nag-aupdate kada month. Madalas naka saved na lang sa browser ko, hehe..di sya secured kaso sa dami ng accounts na meron ang isang tao mahirap na din matatandaan..pero as long as you got access sa email mo, safe ka pa naman kahit makalimutan

Yes kahit na makalimutan mo basta may access ka sa email mo safe parin ang acc mo, wala kang dapat ikatakot kung makalimutan mo man pede mo ichange pass basta alam mo ang detalye ng email mo.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Kaya ako everytime na magcreacreate ng isang password sa isang website sinisigurado ko na mahaba at strong ito gaya ng may mga special character para hindi agad mahack ng kung sino mang hacker na gustong ihack ang mga Account ko sa social media.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
I just want to share my experience a bit. Grin Last week kasi, I don't know what happened to my Facebook account. Bigla na lang nalog-out yung account ko sa FB app na gamit ko sa phone ko. Then when I was trying to log in, it said that my password was incorrect. And same thing also happened to some of my FB friends. And that's when I thought that I was hacked. Buti na lang, my niece's boyfriend knows how to fix such.

Then after nya mafix, I also changed the password for better security. Pero ang hirap mag-isip. Ang tendency tuloy, yung birthday ko na lang ang ginawa kong PW, which, upon reading the OP, is a big no-no. Good thing is that, I have gathered new infos here about creating safe and strong passwords and where to keep them. Medyo malilimutin din kasi ako. So I really need an app to help me remember my passwords.

-snip-

And I think I am going to try this one. I'm convinced with your experience with it. Great help!
full member
Activity: 821
Merit: 101
Dapat hindi rin magkapareho ung password ng email.mo at ung password mo dito. May mga ibang user kasi na pare pareho ung password mula sa email hangang sa sites n pinupuntahan niya kaya madali silang nabibiktima.
sr. member
Activity: 1778
Merit: 309
This thread reminds me ng mga pagkakamali ko noon.  Lagi akong gumagamit ng pare-parehong password noon dahil sa katamaran ko, buti na lang at hindi nacompromise ang mga accounts ko.  Pero ng kalaunan ng magkaroon na ng mga importanteng bagay ang mga ginagawa ko online, dun ako nagsimulang magallocate ng kanya-kanyang password sa bawat account na ginagawa ko.  Medyo matrabaho siya pero ligtas naman ang mga account kung sakaling macompromise ang isa.  Ginagawa ko na lang ay nilalagay ko ang mga importanteng detalye tulad ng email, username, password sa spreadsheet at piniprint ko ito para kung malimutan ko man ay may reference ako sa pagrecover ng account.

Para sakin okay lang naman magkaroon ng same password tapos dapat ikaw lang nakakaalam, kasi sakin malilimutin ako kaya as much as possible same lang password ko kasi may tendency na ma intechange ko yung password tas ang mahirap pa eh mag retrieve nanaman kasi mali ang password na na input. Or kung para safe naman pwde kahit isa dalwang number pwde pakitan pero dapat ung may uppercase, lowercase, special character and number combination dapat at hwag yung mga birthday kasi dyan madaling mahuli password mo.
sr. member
Activity: 1190
Merit: 253
This thread reminds me ng mga pagkakamali ko noon.  Lagi akong gumagamit ng pare-parehong password noon dahil sa katamaran ko, buti na lang at hindi nacompromise ang mga accounts ko.  Pero ng kalaunan ng magkaroon na ng mga importanteng bagay ang mga ginagawa ko online, dun ako nagsimulang magallocate ng kanya-kanyang password sa bawat account na ginagawa ko.  Medyo matrabaho siya pero ligtas naman ang mga account kung sakaling macompromise ang isa.  Ginagawa ko na lang ay nilalagay ko ang mga importanteng detalye tulad ng email, username, password sa spreadsheet at piniprint ko ito para kung malimutan ko man ay may reference ako sa pagrecover ng account.
sr. member
Activity: 2422
Merit: 357
Tama. Hindi ka dapat maglagay ng password na obvious at madaling hulaan tulad ng birthday o maging anniversary nyo. Kung gusto nyo ay mayroon akong paraan sa pagpili ng mahirap na password na di kayang hulaan. Nagiisip ako ng random na bagay at kino-convert ito sa number. Pagtapos noon ay kinakabisado ko ang pattern nito sa keyboard upang di ko ito makalimutan. Sobrang epektibo nito.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
Meron kasi na random browsing lang ang ginagawa pati yung mga pop up ads, kiniclick na dapat hindi na pinapansin pa. Check lagi yung SSL security na nakalagay sa browser. Maging responsable lang tayong mga browser at magiging maliit ang chance na mafall tayo sa mga phishing site na yan. Sa pagda-download, iwas lang din sa mga unfamiliar at untrusted websites. Ako hindi na ako masyado nagda-download lalo na ng mga movie, medyo nag-iingat na din ngayon.
Pagdating naman about sa pag bo-browse, may ibang software na makakatulong sa'yo. Lalo na mga browser extensions which is really useful gaya sa ng EtherAddressLookup Chrome Extension para sa Google Chrome na browser, na fifilter nito ang mga ibang phishing websites lalo na sa crypto.
You can check this thread [GUIDE] Use this for identifying Scam/Phishing/ Websites & Exchanges in Crypto regarding that.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Ang password ang isa sa pinakaimportanteng bagay na dapat natin pag-isipan maigi kung ito ba ay secure para naman hindi madaling mahack dapat iba ang password mo o tinatawag natin na unique. Kaya dapat lang pag-isipang maigi ang password kahit san ka man magreregister dahil ito ang magbibigay sa iyo ng secure if maganda ang password mo.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Ako wala naman problema doon kasi kahit may net basta pinapractice mo ang safe browsing tingin ko ok ka parin.
Yan dapat pinaka importante sa lahat, alam natin ang safe browsing, alam natin mga dapat at hindi dapat na ginagawa para maging safe tayo, halimbawa kahit anong strong o haba ng password natin tapos naka login pala tayo sa phishing website, useless na yun.
Meron kasi na random browsing lang ang ginagawa pati yung mga pop up ads, kiniclick na dapat hindi na pinapansin pa. Check lagi yung SSL security na nakalagay sa browser. Maging responsable lang tayong mga browser at magiging maliit ang chance na mafall tayo sa mga phishing site na yan. Sa pagda-download, iwas lang din sa mga unfamiliar at untrusted websites. Ako hindi na ako masyado nagda-download lalo na ng mga movie, medyo nag-iingat na din ngayon.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
Familiar ba kayo sa tbc coin na nag trend sa fb noon? Doon ko yun ginamit sa exchange nila kuno buti na lang at scam lang pala yun kaya no worries kahit di ko na narecover.
Familiar ako jan, trending sa facebook di ko pinasukan  yan noon, halatang halata na sila eh hahaha. Yan ang hirap ngayon, ung iba kunwari website tapos may mag sign-up tapos un pala gagamitin lang yung email na nilagay mo at password pra maka log in sa ibang website.

pero as long as you got access sa email mo, safe ka pa naman kahit makalimutan
Yep, email address importante or phone numbers, yan din ginagawa ko minsan e, reset password na lng pag nalilimutan mga password.

Ako wala naman problema doon kasi kahit may net basta pinapractice mo ang safe browsing tingin ko ok ka parin.
Yan dapat pinaka importante sa lahat, alam natin ang safe browsing, alam natin mga dapat at hindi dapat na ginagawa para maging safe tayo, halimbawa kahit anong strong o haba ng password natin tapos naka login pala tayo sa phishing website, useless na yun.
hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Pinaka safe is gumawa ng random password but dont forget to take a note. At bawat site dapat iba iba para walang pattern na mahanap mga hacker. Problema lang pag nawala ung note n my mga password mo lagot ka! Lahat mawawala sayo.
Hindi ka malalagot kung marunong ka gumawa ng back up. Tulad ng pagsusulat sa iba pang papel o di kaya plastic card board tapos itatabi mo lang ng pangmatagalan. Ganyan lang din naman ang solusyon dyan tapos kung meron ka pang flash drive, itabi mo lang mga records mo dun tapos wag mo nalang din I-connect sa computer na nakakonekta sa web. Ako wala naman problema doon kasi kahit may net basta pinapractice mo ang safe browsing tingin ko ok ka parin.
member
Activity: 546
Merit: 10
Ako almost same lang mga passwords ko pero lagi naman akong nag-aupdate kada month. Madalas naka saved na lang sa browser ko, hehe..di sya secured kaso sa dami ng accounts na meron ang isang tao mahirap na din matatandaan..pero as long as you got access sa email mo, safe ka pa naman kahit makalimutan
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
Pinaka safe is gumawa ng random password but dont forget to take a note. At bawat site dapat iba iba para walang pattern na mahanap mga hacker. Problema lang pag nawala ung note n my mga password mo lagot ka! Lahat mawawala sayo.
Ganon nga gingawa ko dati random password, yung tipong hindi ko talaga masosolo kasi bawat account iba-iba kaya kailangang i take note. Naka save sya sa notes ng phone ko unfortunately kinailangang i reformat yung phone dahil nagloko daw ang program kaya ayun di ko na narecover yung 2 account, yung isa naka link sa number ko kaya na recover ko pa.

Same experience nung gumamit ako ng google authenticator, nagka problema na naman ang phone ko unexpectedly. Familiar ba kayo sa tbc coin na nag trend sa fb noon? Doon ko yun ginamit sa exchange nila kuno buti na lang at scam lang pala yun kaya no worries kahit di ko na narecover.
hero member
Activity: 1134
Merit: 502
Pinaka safe is gumawa ng random password but dont forget to take a note. At bawat site dapat iba iba para walang pattern na mahanap mga hacker. Problema lang pag nawala ung note n my mga password mo lagot ka! Lahat mawawala sayo.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
Sana all may serious girl, insulto ito sa mga katulad namin na di jowable. So, password manager ang magiging alternative sa akin ng "serious girl" na sinasabi mo.  Grin Grin
My condolences. 😂
And yeah, yun na nga siguro ang pinakasolusyon para sa inyo. Tutal wala talaga tayong magagawa kung talagang wala Tongue Automatic kasi ung siggestion ko eh, bigla bigla din nagrerenew ng password yun, kaya safe na safe yung account mo pag nagkataon.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
1. Get a Serious Girl.
2. Let her manage your accounts.
3. Paswords will be better than the suggested ones.

Napatunayan ko na yan sa asawa ko. Ang lupit, mga password na hindi mo aakalain, kaya yung ibang account ko hindi ko mabuksan 🤣 Safe na Safe. Ultimo may ari hindi mabubuksan 😂. Ang masama lang nyan eh pag pati sya nakalimutan yung ginawang password.
Sana all may serious girl, insulto ito sa mga katulad namin na di jowable. So, password manager ang magiging alternative sa akin ng "serious girl" na sinasabi mo.  Grin Grin
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
-snip.
Keep safe everyone with your passwords.
1. Get a Serious Girl.
2. Let her manage your accounts.
3. Paswords will be better than the suggested ones.

Napatunayan ko na yan sa asawa ko. Ang lupit, mga password na hindi mo aakalain, kaya yung ibang account ko hindi ko mabuksan 🤣 Safe na Safe. Ultimo may ari hindi mabubuksan 😂. Ang masama lang nyan eh pag pati sya nakalimutan yung ginawang password.
copper member
Activity: 3010
Merit: 1284
https://linktr.ee/crwthopia
Based on my experience being paranoid with my passwords, I use Dashlane (Password manager) and syncs in everywhere I use a device. Nagamit ko na in Samsung phone, iPhone, Windows, Brave Browser, Google Chrome, etc. It's my go to application especially, you just need to remember one master password. Malaking tulong at saves time during logins and you can customize a password to what you want, if you want to include numbers, symbols, etc. You could try to use that to enhance your security with your account, just like this thread.


Sample ng Dashlane Password Generator, integrated in browser


I think the best answer to more security is activating 2FA towards your accounts (if capable yung site). Meron akong 2FA sa Facebook, Google, Binance, etc. So kahit ma compromise yung password ko, they have to have access towards my Authenticator which is physically impossible. Katulad dun sa sinabi sa tips part ng post.

Keep safe everyone with your passwords.
full member
Activity: 280
Merit: 102
Kaya ako once na gumawa ako ng password sa kahit anong site iba iba ito at sinisigurado ko na ito ay unique na may alphanumeric dahil mas nakakatulong ito para mas maging strong yung passaord mo pero walang impossible sa online kaya dapat maging mapagmatiyag tayo sa mga action na ginagawa natin dahil ang mga hacker magagaling yan kahit gaanong kahaba at kastrong ang password mo maaari pa rin nila na descrypt yan.

Naku, napakahirap naman nito gawin, yung papalit-palit ng password. Sa tulad kong makakalimutin, siguro hindi ito effective sa akin lalo na’t kalimitan cellphone lang ang gamit ko. Ano kayang tips ang maibibigay nyo sa katulad kong makakalimutin at dun din sa mga newbie na hindi techy bukod sa nabanggit sa taas. Dahil isa ito sa problema ko, ang pagpapalit palit ng password at pagnagdaan ang mga araw ay agad ko itong makakalimutan.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
Ang mali kadalasan ng mga baguhan lalo na yung mga nag fafaucet or nakiki earn ng mga satoshis is that same yung ginagamit nilang password.
Yep, ito mga kadalasan na problema. Naka encounter ako nito dati, na open nila isa sa mga social media account ko, siguro may kapareho akong nagamit na password at username/email sa ibang site. Mabuti na lang na online ako that time at nag notify si email ko na napalitan ang password ng account ko, at yung na solutionan ko agad.

~snip~
At kahit anong complex pa ng password pero pag nagkamali ka at na enter ito sa isang phishing website, useless parin yun, kaya mag ingat always.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
Kaya ako once na gumawa ako ng password sa kahit anong site iba iba ito at sinisigurado ko na ito ay unique na may alphanumeric dahil mas nakakatulong ito para mas maging strong yung passaord mo pero walang impossible sa online kaya dapat maging mapagmatiyag tayo sa mga action na ginagawa natin dahil ang mga hacker magagaling yan kahit gaanong kahaba at kastrong ang password mo maaari pa rin nila na descrypt yan.
hero member
Activity: 1246
Merit: 588
- Keep your PC clean. comeone guys stop clicking clickbaits, at never ever put the same password to any other platform. keeping your pc clean means keeping your account safe and your income happy. Alright?
Wala akong ginagamit na password generator at password manager. Para sa akin itong post na ito ang the best, kailangan mo lang maging maingat kapag gumagamit ka ng PC lalo na kung personal mo yan. Iwas lang sa mga pop up ads at kung ano anong mga nagrerequire ng downloadable file, dyan kasi pumapasok mga malware at natuto na din ako sa past experience ko kaya malaking tulong talaga kung magba-browser ka lang sa mga website na kilala, yung walang malware.

Salamat mate at sana makatulong ang nasabi ko, hindi naman tlga natin maiiwasan mag open ng mga pinag babawal na teknik hahah gaya ng mga p sites dyan pero mas better if you do it nlng using other devices.

Tho usually hindi naman nag bibigay ng risk ang mga ganyan sa forum sites karamihan sa mga ganyang virus is risky sa iyong wallet pero hindi sa forum.

Ang mali kadalasan ng mga baguhan lalo na yung mga nag fafaucet or nakiki earn ng mga satoshis is that same yung ginagamit nilang password.

A good example of those is freebitco.in nag karoon daw ng breach ang kanilang database at maraming account dito ang na hack dahil dun
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Pero mas safe ito at nakakatawa. Cheesy

You can hide your USB through like this I'm sure it is impossible to hack or steal from scammers or even one of your family member. Cheesy

Anyone who wants to try this just sent me a PM. Grin


Super safe for sure, lalo na pag nilagyan mo ito sa baso na may tubig para mukang totoo. haha
Anyway, in creating password is must not be easy at syempre dapat madali mo ren itong matandaan para naman hinde lang masayang ang account mo. Usually creating your password with combination of your birthday is not good so try to be more creative and on point na ikaw lang ang nakakaalam.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
Well, first of all. Sa pag create ng password pwedi naman siguro hindi na idadaan sa online password generator pwedi naman mag create ng unique na password which is galing sayo, as what have OP stated is very useful.
Ang pag gamit ng password generator ay lalo lang tayo mahihirapan sa pag memorize nito, pero pag kakabisadohin mo ito, yan ay very safe.

You can hide your USB through like this I'm sure it is impossible to hack or steal from scammers or even one of your family member. Cheesy

Anyone who wants to try this just sent me a PM. Grin
Hahahahaha. Grabi na yan, sobrang conscious ka na sa security mo pag ganyan.
legendary
Activity: 2548
Merit: 1234

Pero advice ko lang na wag gumamit ng mga online na password generator, di gaano yan safe, lalo na online.
Pinaka safe ay pag gamit ng mga open-sourced na softwares/websites, at higit sa lahat ito ay offline pag generate mo.
Well, first of all. Sa pag create ng password pwedi naman siguro hindi na idadaan sa online password generator pwedi naman mag create ng unique na password which is galing sayo, as what have OP stated is very useful. The important thing here is how to keep safe your password that no one knows or has multi-layer security and I think ang pinka ka safe is having 2FA google authenticator. Now, how to save/keep your authenricator? Pwedi ka bumili dito kung saan mo itatago ng safe yung password. WIRELESS PASSWORD MANAGER

Pero mas safe ito at nakakatawa. Cheesy

You can hide your USB through like this I'm sure it is impossible to hack or steal from scammers or even one of your family member. Cheesy

Anyone who wants to try this just sent me a PM. Grin

hero member
Activity: 2646
Merit: 584
Payment Gateway Allows Recurring Payments
- Keep your PC clean. comeone guys stop clicking clickbaits, at never ever put the same password to any other platform. keeping your pc clean means keeping your account safe and your income happy. Alright?
Wala akong ginagamit na password generator at password manager. Para sa akin itong post na ito ang the best, kailangan mo lang maging maingat kapag gumagamit ka ng PC lalo na kung personal mo yan. Iwas lang sa mga pop up ads at kung ano anong mga nagrerequire ng downloadable file, dyan kasi pumapasok mga malware at natuto na din ako sa past experience ko kaya malaking tulong talaga kung magba-browser ka lang sa mga website na kilala, yung walang malware.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
- Update your password regularly (atleast once every two months or if kaya mo once a month much better).
 - Keep your PC clean.
Salamat sa dagdag na tip, malaking tulong din pag update ng password natin regularly para maiwasan ang iyong nsabi tapos panatilihing safe ang ating PC o mga devices gamit natin online.

In my case I don't have to worry about my password even if it's short because I made sure I used a 2FA to add more security.
Additional security talaga ang 2FA, gamit ko din yan sa mga accounts ko ngayon. Pag may 2FA ka parang additional layer na yan sa security ng account mo which is really advisable.

sa tulong ng mga password generator ay pwede na tayong bumuo ng malupit at ligtas na password gaya ng sinabi mo. idadagdag ko lang meron ding site na kung saan pwede karing mag generate ng secure na password mo.
Source:
https://passwordsgenerator.net/
Hello, salamat sa napakagandang tip. Tama ka, malaki ding tulong ang paggamit ng password generator dahil nakakasigurado ka na mahaba at complex ang password mo.
Pero advice ko lang na wag gumamit ng mga online na password generator, di gaano yan safe, lalo na online.
Pinaka safe ay pag gamit ng mga open-sourced na softwares/websites, at higit sa lahat ito ay offline pag generate mo.

hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Magandang Gabay nga ito Tol, may mga kababayan pa nga tayo hanggang ngayon yung password na ginagamit nila apelyido lang nila dinagdagan lang ng 123 sa dulo. hindi na pwedeng gumamit ng mga ganyang password ngayon, kasi meron ng tinatawag na "Brute Force" kung hindi ganon ka komplikado ang password mo, madali lang nito butasin at ma crack. sa tulong ng mga password generator ay pwede na tayong bumuo ng malupit at ligtas na password gaya ng sinabi mo. idadagdag ko lang meron ding site na kung saan pwede karing mag generate ng secure na password mo.

I Click mo lang ang larawan:



Source:
https://passwordsgenerator.net/
legendary
Activity: 3108
Merit: 1290
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
This very advance, majority of us are not aware about the strength of the password we make.
In my case I don't have to worry about my password even if it's short because I made sure I used a 2FA to add more security.
I'm using AUTHY right now, it's easy to us, my emails as well, I put my no. so it will prompt me once there's suspicious activity going on.
hero member
Activity: 1246
Merit: 588
This can be helpful but , based on my experience kahit na gaano ka strong yung password mo if mag kaka breach naman sa data sa forum or any other site then your account is still in grave danger.

Here I can add up 2 good points na kailangan mo which actually relates to keeping your account safer.

 - Update your password regularly (atleast once every two months or if kaya mo once a month much better).
   # Here is the explanation to why it is good for you to update it regularly. As I have said may mga data breach and it can happen any time, so if the
   breach happened last week having your password for example as Dark@1 then na kuha ng hacker. Then sakto you tend to update your password the
   other day to Dark@001! now yung password na nakuha ng hacker is no longer valid.

 - Keep your PC clean. comeone guys stop clicking clickbaits, at never ever put the same password to any other platform. keeping your pc clean means keeping your account safe and your income happy. Alright?
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
Gabay sa Paggawa ng Malupit at Ligtas na Password

loading image
Sa bawat account na meron tayo online, lalo na yung kinakailangan ng mga password, lalo na ang sa mga personal natin na crypto wallets, crypto exchanges, email accounts, forum accounts, social media accounts, atbp. ay ang iba laging laging nagpapaalala na gumawa ng password na dapat ay hindi maiksi o dapat ito ay kombinasyon ng madaming letra,numero o iba't-ibang simbolo.
Ang tanong, sinusunod mo ba iyon? nakakasiguro ka ba na ang mga password mo ay ligtas? hindi maiksi? hindi karaniwang ginagamit na mga password? Pag alam mong hindi, mag isip-isip ka na. Tuturuan kita ngayon kung pano gumawa ng password na malupit!

Alamin muna natin ang mga password na delikado o dapat iwasan
A. Mga halimbawa na karaniwang ginagamit ng mga tao na password
B. Iwasan gamitin ang iyong personal na impormasyon. Halimbawa:
  • Pangalan
  • Address mo
  • Date of birth
  • Place of birth
Sa kadalihanang maging madali ito sa hacker pag alam niya ang target niya at alam niya mga personal mo na impormasyon.

Paggawa na ng iyong password
Dahil alam mo na ang mga delikado o mga dapat iwasang mga password, tuturuan na kita sa pag gawa ng ligtas at malupit na password.
  • Siguradohin ang iyong password ay mahaba
    Nasa minimum na 8-12 characters ang password mo.
    Kombinasyon ng A-Z alphabets, 0-9 numbers at
    mga espesyal na characters tulad ng $,@,?.
    Tulad ng password na J*21^k$9@Ze&5
    Pano kabisadohin ang mga ganitong password? :
  • Paggamit sentence method
    Sa ganitong pamamaraan ay gagamit ka ng pangugusap  or pwede ka gumawa ng sarili mo.
    Halimbawa:
    Kukunin mo ang mga unang dalawang letra sa kada word sa sentence na: "Pinanganak Ako Nung 9:12am Sa Quezon City, Philippines"
    Resulta: PiAkoNu9:SaQuCiPh
  • Paggamit ng Passphrase
    Ang passphrase ay binubou ng mga random na word/salita.
    "bata pagong takot sakayan" - Random lang talaga ito dahil malalaman mo na hindi wasto ang pag gawa niya ng pangugusap.
    Nasa iyo na kung ano gagawin mo sa passphrase mo, pwede mo sila isali lahat sa password mo. Pwede mo gawing malaking titik ang mga pangalawang letra sa mga word at palitan ang space ng mga special characters.
    Halimbawa, bAta&pAgong#tAkot$sAkayan
    or gamitan mo ng Sentence Method at dagdagan lang ng mga special characters.
    "bata pagong takot sakayan"
    Resulta: _bA#pA@tA*sA*
  • Paggamit ng random password generator

    Isang halimbawa na pwede iyong maging random password generator ay https://keepass.info/, pwede mo din ito gawing password manager.
    Salamat kay whotookmycrypto para dito.
  • Paggamit ng Password Manager
    Para sa akin, maganda gamitin itong KeePass na password manager dahil ito ay open source at pwede mo gamitin kahit offline ka.

    Steps on how to use KeePass password manager:
    1st, Download at install ang KeePass, pwede ka gumamit ng portable version o ung installer na lang.
    2nd, Pagkatapos mo ma install, tatanungin ka ano gusto mo maging master password at lokasyon ng path para KeePass KDBX File (.kdbx), ito ang magsisilbing backup mo sa iyong data sa KeePass.
    3rd, Fill up  mo na mga fields jan.

    Pag nakalagay ka na ng mga accounts mo sa KeePass, madali na lang i copy/paste mga password dito, double click mo lang at macocopy na yan tapos paste mo na lang.
    *Siguradohin ung database file mo sa KeePass ay safe at laging tandaan yung master password*
    Thanks whotookmycrypto and OmegaStarScream for this.

    Android Version:
    KeePassDroid
    Ito ay pwede mo gamitin sa android mo, parang KeePass din ito, pwede mo e import yung database file mo dito or gumawa ka ng database file dito at e-import sa desktop mo na KeePass. Nakakabuti din ay open-source din ito at pwede mo din gamitin offline.

    Read/write support for .kdb and KeePass 1.x.
    Read/write support for .kdbx and KeePass 2.x.


TIPS
  • Wag e-share ang password mo sa ibang tao.
    Mag ingat sa pinagkakatiwalaan mo, wag na wag agad ibigay ang password.
  • Gumamit ng iba't-ibang password sa mg accounts mo.
    Kagaya sa mga crypto-exchanges na gamit mo, dapat iba-iba ang password mo.
  • Gumamit lagi ng mahahabang password.
    Pinaka ligtas na password ay mga nasa 8-12 characters (minimum)
  • Wag na wag e-upload password mo online.
    Iwasan ang pag upload ng mga passwords mo online,kagaya ng mga file hosting
  • Gumamit ng Two-factor Authentication (2FA).
    Dagdag seguridad sa mga account mo ito.
  • Mag ingat sa mga phishing websites.
    Kahit gano ka haba o ligtas ang password mo, pag na enter mo ito sa phishing website, useless na.

May iba ka pang nalalaman sa pag gawa ng ligtas na password? E share mo na yan! Post mo lang.


References/Sources:
How to create a strong password
How to Create a Strong Password (and Remember It)
How to Create a Secure Password
[must read]Tips on creating a secure password[important]
Jump to: