May ilang mga nakita ako sa youtube at Investagrams ng mga chat patterns kung kaya nais ko ibahagi din sainyo.
Kasi reliable din ito ngunit kailangan pa din ng ibang indicators para malaman o maverify kung magbabago ang takbo ng isang coin/stock.
Standard Head and Shoulder
[/center][/center]
Ang Standard Head and Shoulders ay may apat na parte (component). Ang left shoulder, right shoulder, head at neck. Maaari itong makita sa pagtatapos ng isang bullish stock/coin.
Kung inyong mapapansin nyo, nagkaroon ng retracement na makikita sa left shoulder pero nagkaroon ng support at nabreak pa nga ang resistance na syang nagsilbing head (yung pinakamataas na price). Pero nagkaroon muli ng retest na syang nagsilbilng neckline at nang sumubok basagin ang resistance ay hindi na kinaya. Kaya tuluyan ng nagbreak out.
Kung mapapansin nyo guys, magkakaroon na ng reversal ang stock na nasa itaas. Kaya kapag nakakakita na kayo nyan, maaari na kayong maghanda para sa break out or trend reversal.
Reverse Head and Shoulder
Katulad ng Standard Head and Shoulders, mayroon din itong 4 na parte. Ang left shoulder, right shoulder, neck at head. Pero ito naman ay ang kabaliktaran ng SHS. Sapagkat makikita naman ito pagpatapos na ang downtrend.
Dito naman, masyadong aggressive ang support at tuluyong winasak ang resistance (neckline). Makikita nyo na nagkaroon ng pullback ang stock at tuloy-tuloy na umangat. So, kapag naidrawing nyo na ito sa ulo nyo. Simbolo na sya ng isang reversal.
Cup and Handle
[/center]
Kita naman sa pangalan, Cup and Handle. Bale nadrawing ito kapag nagkaroon ng agresibong pagbagsak ng stock/coin tapos kaunting sideways at nagkaroon ng rally kaparehas sa ibinagsak nya. Parang letter "U" ang hugis nya. Makikita sa itaas. Then, pagkatapos ng rally ay nagkaroon muli ng sideways na syang nagsilbing handle.
Yung kulay green guys para maimagine nyo lang na cup, pero sa chart. Imagine nyo na lang.
Bale, kapag nakita nyo ang ganitong pattern at nagpatuloy ng bahagya ang trend, magtutuloy-tuloy na ang trend. So kung nakita nyo na pataas ang trend, meaning continue pa sya na aangat.
Double Bottom
I could say it is a Fake Bearish. Bakit?
Ang double bottom pattern ang magsisilbing mong prediksyon para sa isang bullish reversal pattern sa kabila ng pagkakaroon ng downtrend. Ipalagay natin na nagkaroon ng downtrend, si Bottom 1 ang nagsilbing swing low (pinakamababa ng downtrend), umakyat ng bahagya at nagkaroon ng swing low muli na syang magsisilbing Bottom 2. Si bottom 2 ay dapat kapantay ni Bottom 1 dahil kapag nabreak nya ang support jan, continue na ang downtrend. Tapos, mapapansin nyo na nagkaroon ng retest muli pero hindi na umabot kay bottom 2. So, alam nyo na ang kasunod. Pagkatapos ng retest ay maaari na kayong bumili para sa preparasyon ng bullish reversal trend.
Akala mo pabagsak na ang coin/stock pero nung nakita mo si Double Bottom, hindi ka magpapanic bagkos maaari ka pang bumili.
Double Top
Eto yung kabaliktaran ni Double Bottom, fake uptrend ang tingin ko dito naman. Dahil isa syang uptrend pero magsisilbi mo syang prediksyon for a bearish reversal pattern. Binubuo sya ng dalawang tops at neckline na magsisilbing support line. Kapag nagkaroon ng break out sa support line ay magkakaroon ng possible downtrend.
Bale, mapapansin nyo na pinipilit pang magsustain or iangat ang stock na ito pero sa ikatlong wave, nagkaroon na ng big resistance (candle) at tuluyan ng bumagsak.
So, akala mo paangat na si BTC pero nung nakita nyo ang image na toh, boom! Preparation na for selling. Tutal pwede ka ng magtake profits malapit sa ikatlong wave ng pagbaba bago pa ito tuluyang bumagsak.
Ayan guys, ang chat patterns ay tulong lamang pero wag natin iasa jan ang buong trade natin. Kailangan natin magkaroon ng ibang indicators para malaman kung tama ba ang pinapakita ng chart patterns. Maaari din natin ito magamit para sa buy entry and selling exit point natin.
Have a nice trade guys! You can also read further at Investagrams, the link is in below.
Reference: