Isang basic na paraan kung papaano irereview ang isang token o coin na gusto mong bilhin.
Ginawa ko tong tutorial na ito para sa lahat ng mga taong nag dadalawang isip o hindi alam ang mga gagawin kung paano malaman kung anong coin ang magandang bilhin.
Mag simula na tayo.
Unang hakbang,
- bisitahin ang coinmarketcap.com
Makikita ninyo lahat dyan yung mga detalye ng mga coin na naka list sa cmc.
Ito ay ang mga:
market cap,price,circulating supply, at volume.
Pangalawang hakbang,
Makikita nyo dyan yung mga nasa top na alt na nakalist sa cmc.
Halimbawa, ang gusto mong bilhin ay tron (trx).
Ang pinaka unang mong gawin ay yung pag tingin sa website ng tron (trx) at intindihing mabuti ang kung anung kakaiba dito sa token o coin na ito, yan ang pinaka mahalaga na ikaw mismo ang maka tuklas nito. Wag kang maniwala sa mga sabi sabi lang o sinusuggest ng mga kakilala mo. Mas mainam parin na do your own research (DYOR) pag dating sa investment dahil pera mo ang nakasalalay dito.
Subukan mong hanapin, ang mga kayang i provide na sulusyon ng coin na ito at kung sino-sino ang mga taong nasa likod ng project at alamin ang mga detalye nila.
Pangatlong hakbang,
Kung tapos kana sa na alamin lahat ng mga detalye ng coin at ang mga taong nasa likod ng project na ito. Makikita mo sa may bandang ibaba ng coinmarket cap ang social sa pamamagitan nyan, dito mo makikita ang mga latest post at tweets ng mga ibang tao na nag eexpress ng mga kanikanilang opinion tungkol sa coin na ito.
Huling hakbang,
Pinakahuli ay ang pag basa ng charts ng coin na ito.
-sakatunayan kahit ako hindi pa masyadong bihasa dito sa pag basa ng charts kaya papaubaya ko nalang dito sa may mga alam dito sa forum.
Feel free to add nalang mga kabayan.
Kung alam kona lahat idadagdag ko nalang dito.
Sana makatulong ito sainyo kahit papano.