Para sa mga sobrang dami nang niffollow sa Twitter!!! May mga posts ba ni lodi na minsan hindi mo na nababasa? Reco na hindi ka nakasabay? O kaya importanteng announcement ng paborito mong altcoin na hindi mo napansin??
Ang solusyon diyan ay linisin at ayusin ang iyong timeline gamit ang list feature ni twitter at pag gamit ng tweetdeck.com
Steps:1. Pumunta sa iyong profile, pindotin ang
Lists na nasa hilera ng iyong Twitter stats. Create List at ngayon lagyan ng pangalan ng iyong gusto pati na ng description.
Mas mainam na gawin itong
Private para hindi maistorbo ang tao na inadd mo, katulad ng nasa larawan sa ibaba. Pwede kasi na iblock ka nito kung hindi nagustuhan ang pag add mo sa kanya sa list. LOL
Magpatuloy sa paggawa ng iba't ibang lists depende sa mga category na gusto mong paglagyan ng mga account na sinusundan mo sa Twitter.
2. Ngayon naman ay pag-add ng account sa nagawa mong lists. Pumunta sa account ng taong ilalagay mo, sa setting sa baba ng follow button makikita ang option na
Add or Remove From List. Piliin ang pangalan ng list na gusto mong paglagyan.
O kaya naman ay pumunta ka sa
Following section ng iyong account at doon isa-isang mag add ng mga account sa iyong nagawang list.
3. Itesting muna ang mga nagawa mong list at siguraduhin na naayon sa gusto mong makita na timeline. Pumunta ka ulit sa
Lists category sa iyong profile.
Pumindot ka ng isa sa mga nagawa mong list o kaya naman i-open mo sa panibagong tab ng browser.
Kada list ay may sarili nitong timeline. Mapapansin mo ang posts lang na lalabas sa timeline na ito ay mula sa mga accounts na in-add mo dito. Maaring iopen ang bawat list sa bawat magkahiwalay na tab ng browser o kaya naman ay gagamit tayo ng
Tweetdeck bilang mas mainam na option.
4. Pumunta sa
tweetdeck.com. Siguraduhin na nakalog-in sa iyong Twitter account. Makikita na may mga column na nakalaan sa bawat feature o category ng iyong twitter account. Ayusin natin ito sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga hindi natin kailangan. Pindutin ang option button sa isang category at i-click ang remove.
Ngayon, gamitin na natin ang mga lists na nagawa natin. Pindotin ang
+ sa may tagiliran, i-add isa-isa ang mga list na nagawa natin.
Finally, ganito na ang itsura ng timeline natin. Maayos, malinis at madaling makita ang mga tweets na inaabangan natin. LOL
Bahala na kayong magdagdag, bawas pa ng category na ilalagay niyo bilang column sa tweetdeck. Sana nakatulong ang post na ito