Author

Topic: (Guide)Para makaiwas sa airdrop na scam at masafe ang mga importanteng account (Read 138 times)

jr. member
Activity: 90
Merit: 5
Alam ko marami sa ating mga kababayan ay mahihilig sa airdrop dahil napakasimple lamang ng gagawin dito gaya ng pagjoin at follow ng kanilang mga social media account o kaya naman pagfillup ng mga forms o signup kaya naman ang iba ay talagang naiinganyo dito.

Pero ngayon napansin ko sa mga airdrop ay karamihan nalang ay scam o kaya naman hinihingian pa ng KYC (know your customer) na hindi alam nang iba ay kinukuha lamang ang kanilang pag kakakilanlan o sa madaling salita ay identity theft

Kung kaya naman ibabahagi ko sa inyo kung paano makakaiwas dito.

1. Iwasan ang mga form na nanghihingi ng Private key
May mga nag aairdrop na hindi alam kung parasaan ang private key at basta basta na lamang nagfifillup ng form kaya ang kanilang pinaghirapan ay napupunta sa wala o nasscam. Maaring gumamit ng google kung hindi alam kung parasaan ang isang bagay upang maiwasan ang mga gantong insedente.

2. Phishing site
Marami ang nadadali dito lalo na sa mga walang alam pagdating sa website. Upang maiwasan i bookmark  ang orihinal na website at ayun na lamang ang gamitin at malalaman mo kung lehitimo ang site kung may secured sa gilid ng link o kaya naman padlock kapag naka mobile at suriin mabuti ang website link dahil pwede nilang madaya iyon sa pagpalit ng letra gaya nito https://myétherwállet.com secured nga ang site pero yung link iba kaya maging masuri sa bawat letra.

3. Selfdrop
Maraming modus na ganyan ngayon na magsend ka ng specific amount tapos makakatanggap ka na ng malaking bilang ng token nila kaya marami ang nagbabasakali dito pero iilan lang dito ang totoo at pwede kang kumita kaya ingat sa ganyang modus mauubos lang ang gas nyo.

4. Aidrop na humihingi ng KYC
May mga airdrop na ngayon na hinihingian ng KYC ang mga kalahok dito upang matanggap ang pabuya ngunit nakakabahala ito dahil maari nilang gamitin ang pagkakakilanlan mo sa masamang gawain kaya kung may ganto kayong nasalihan iwasan na lamang pero kung alam mo namang legit pwede kang magpatuloy pero masmaganda padin ang mag ingat dahil ang ating pagkakakilanlan ay napakahalaga lalo na sa mundo ng crypto.


Guide kung paano masafe sa mga nasabing pandaraya o scam

1. Lagyan ng 2FA ang mga importanteng account na related sa crypto.
Example ang email account dahil yan ang ginagamit natin sa pag signup or pagverify ng mga ginagamit nating account.

2. Ugaliing magbackup ng private key or 2FA backup key
Mag backup sa ibat ibang paraan gaya ng pagsulat sa papel, pag lagay sa notepad at isave sa ibat ibang external gaya ng flashdrive or memory card.

3. Gumamit ng google or magtanong sa may alam
Ugaliing mag research bago pumasok sa isang Airdrop upang malaman mo kung legit ba ito or hindi kung may kilala ka maaring magtanong upang masmaintindihan ang sasalihan.

4. Maging active dito sa forum
Ugaliing magbasa basa dito sa forum para makakalap ng mga information o mga detalye na makakatulong sayo upang masmaintindihan ang cryptocurrency at makahanap ng magagandang airdrop.

5. Huwag basta bastang maniwala sa sabi sabi
Huwag maniniwala sa mga post na makakareceive ka ng malaking halaga ng coins or token o kaya naman mga emails na may links ng airdrop ng top 20 coins example EOS dahil maaring phishing iyon or click bait.

Tips
May mga airdrop na may task pero sulit ang pinaghirapan madalas sa discord channel iyon at telegram Example running airdrop sa discord ay PRiVCY.

Karagdagan mga account na kailangan sa airdrop o maari ding gamitin sa bounty program:
Facebook
Telegram
Twitter
Discord
Bitcointalk
Reddit
Instagram
Youtube
Linkedin
Jump to: