Author

Topic: hacker (Read 187 times)

sr. member
Activity: 518
Merit: 278
November 11, 2017, 06:59:00 AM
#4
May ilang paraan para maiwasan mong mahack ang MyEtherWallet mo.

Una. Wag na wag mong ibibigay kahit kanino man ang iyong private key. Ang private key mo kasi ang nagsisilbing proteksyon ng iyong account. Once na malaman yan ng iba, malaki ang tsansa o posibilidad na makuha o manakaw kung ano man ang laman ng wallet mo.

Ikalawa. Wag na wag ka magki-click ng phishing link at maging ang magdownload ng malware. Madalas kang makakatanggap niyan sa email mo, lalo na kung kasali ka sa campaign at Ethereum-based ang wallet gamit mo. Isa sa mga madalas na gamitin ng hacker para magpadala ng ganyang virus at maging phishing link ay ang Slack at Discord. Kung kasali ka sa alinmang campaign na may related na bounty diyan, i-check mo lagi yung isinesend sa'yo na notification at wag kang mag-click kapag walang direktang announcement mula mismo sa mga taong bahagi sa team ng sinalihan mo.

Ang nasa ibaba ay halimbawa lamang ng notification galing sa Slack na may phishing link (caution: wag niyong kopyahin at subukang buksan ang link sa image):






Ikatlo. I-check mo maigi kung ano ang mga sasalihan mong airdrop. Iwasan mo yung mga airdrop na nanghihingi ng iyong personal private key dahil ang mga ganung pekeng airdrop ay nais lamang i-hack ang wallet mo at kunin ang laman nito.

Ikaapat. I-install mo ang extension ng Etheraddresslookup dito. Ang ginagawa nito ay protektahan ka na wag ma-phish ang iyong account. Tinitignan kasi nito ang mga domain na blacklisted at maging ang mga address na nagamit na sa phishing.

Ikalima. Mag-install ka ng anti-malware at anti-virus sa iyong gamit na device. Mas maganda kung ang i-install mo ay yung HitmanPro.Alert at Malwarebytes, o kaya di kaya GridinSoft Anti-malware. Kung mayroon ka nito, madali nilang mai-intercept at maaalis ang keylogger na pwedeng kumuha ng password mo.

Ikaanim. I-check mo lago ang URL bago mo ito buksan. Kung MyEtherWallet yan, i-check mo kung ito ang URL na nakalagay: https://www.myetherwallet.com/  Kung hindi ganyan, wag mong i-click.


Ang mga nasa itaas ay ilan lamang sa pwede mong gawin at tandaan para makaiwas kang mahack ang iyong MEW account.
full member
Activity: 532
Merit: 100
November 11, 2017, 04:40:09 AM
#3
madami sa kasamahan ko ang na hack ang ethereum nila sa myetherwallet paano po ba eto maiiwasan ?
huwag na huwag mong eh click ang mga link na pinapaclick sayo. lalo na sa slack madami kasi bot dyan so wag basta basta mag click pero kung na click mo nga ay eh close mo na lang at huwag maglagay ng private key. ang dapat gawin ay direct mong e type sa url ang myetherwallet.com para iwas hack.
member
Activity: 200
Merit: 10
November 11, 2017, 01:32:29 AM
#2
Ma iiwasan mo itong mga hacker kpag humingi sila ng private key mo wag na wag mo itong ibigay sa kanila dahil ang private key ang pina ka importane sa lahat dahil nandidito nakalagay lahat ng mga token na mayroon ka kapag napasa mo ito sa hacker na hinahanap ang private key mo sigurado mawawala talaga ito sayo kaya mag iingat ka sa mga finifill up mung airdrop or any na humihingi ng private key mo na hindi mo kilala
member
Activity: 335
Merit: 10
November 10, 2017, 11:43:16 PM
#1
madami sa kasamahan ko ang na hack ang ethereum nila sa myetherwallet paano po ba eto maiiwasan ?
Jump to: