Wala na ring choice kung hindi mag resign yung head nila kasi kung hindi gagawin ito, mauulit lang ito o kung hindi man sya mag resign i challenge nyas uli ang mga hackers pag na secured na nila ang kanilang platform at nakabili na uli sila ng mga bagong equiptment.
Pag na hack pa rin sila na si Uy ang namumuno malaking kahihiyan ito sa kanya malamang hindi man sya mag resign sisisantihin na sya sa kanyang incompetence.
Totoo yang sinabi mo na yan, ikaw nga na ugali ng mga karamihang pinoy yung tinatawag na palabra de onor or yung delikadesa, hindi lang ako sure kung tama ba itong term na ginamit ko.
Alam naman natin na hindi madali yung posisyong mismong nasa itaas na opisyales na ito. Pero sure nasa kanya kanya na talaga kung sisikmurain nalang nya yung kahihiyang ginawa sa kanya ng hacker.
Pero kung makaisip naman siya ng ibang way para marecover nya yung image reputation nya ay magbitiw na nga lang dahil for sure pariringgan na naman siya ng hackers na yan.
Madalas kasi dito sa bansa natin is sabihin nating lumabas yung issue na ito na hanggang isang linggo lang tapos mawawala na agad tsaka lang sila gagawa ng action pag alam na nilang malalaking opisyal ang naka notice ng mga ganitong activity, naalala ninyo yung hacking incident din dati tas data breaches na lumabas regarding sa information ng mga users into different platform and even government binalita lang ito or kumalat sa social media pag katapos ng mga dalawang linggo wala na, pero compare mo yung sa issue now like sa POGO tsaka lang na raise up nung tinutukan na masyado.