Author

Topic: Hackers na umaatake sa website ng pilipinas (Read 159 times)

sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
February 26, 2024, 02:23:31 AM
#13
Alam naman natin na hindi naman binibigyan pansin ang seguridad ng mga website ng government agencies sa atin. Mas inuuna nila ang ibang bagay na parang hindi binibigyan halaga ang mga mahalagang impormasyon na nakukuha ng mga hacker sa government websites. Last year lang nahack na ang ilang website ng government, pero wala naman tayong nabalitaan na upgrade sa system o kaya naman ginawang action para masiguro na hindi na mauulit ang nangyari.
Actually minsan iniisip ko nga na parang kasabwat talaga din ang  ibang kawani eh kasi bakit hindi mapalakas ang cyber security ng Pinas and ng mga importanteng ahensya ng gobyerno? thinking na dapat naman talaga eh nag aallocate tayo ng budget for this.

pero syempre mismong malalaking bansa eh nabibiktima eh so ano pang expect natin sa pinas .
legendary
Activity: 2072
Merit: 1030
I'm looking for free spin.
February 24, 2024, 04:42:10 AM
#12
Mahina ang sekyuridad ng nga government website kung naaalala nyu pa yung na hack na government site before na about sa voting na hack nga ng mga pinoy  na hacker e tiga symbinize member ang nahack at sabi pa nga e madali lang daw ihack ang site nila.
Ang dapat nilang iimprove mas mag hire sila ng IT na mas magaling pa sa mga hacker dahil araw araw ang mga hacker tumatalino na rin nag kakaron sila ng mga bagong idea para maccess ang isang bagay. Dahil lahat ng bagay sa internet ay gawa ng tao kaya rin ng mga hacker ibypass kung anong security ang ginagawa ng mga tao o IT ng government nila.

Ako nga kala ko na hack na itong account ko dahil hindi ko maaccess itong account after a newyear buti nareset ko pa at nakuha na recover ko pa tong account ko.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
February 17, 2024, 07:18:32 AM
#11
Ngayon nga lamang ay nabalita ang mga hacker daw na umatake sa pilipinas ay natuntun sa telco ng china, ito ay ayun sa interview sa tagapagsalita ng goverment.
parang napansin ko lang parang sa ganetong klase ay parang pinapakita na mahina talaga at prone ang security ng bansa natin, hindi ko alam kung dahil kinukurakot ang pondo, pero para may magattempt na mkpasok ibig sabihin nkakalusot ng madali ang mga hacker na ito sa security nila.
pagdating naman sa katauhan ng mga hacker or kung sino sila dapat maging maingat kasi maari kasi ng kahit sinong hacker na ipakita ay ip ng china pero hindi naman talaga sila chinese at ibang identity nila, although maari ding makatulong ang chinese government para maindentify kung sino ang mga ito or pangalan.
Dapat mapaigting ng pinas ang kanilang security dahil philhealth at NSO na ang nhack before kung saan isang napakaimportanteng information ang naleak, bakit parang hindi sila masyadong nababahala.
anu satingin ninyo?
narito ang link ng balita:
https://www.youtube.com/watch?v=qXXPLHWbxeM

Honestly, matagal naman ng low quality ang security system ng ating bansa, kaya nga ang dami ng government and bank sites ang nababalitaang nahahack at napapagnakawan, may mga incident pa na inside job ang nangyayari, doon palang makikita mong hindi tlaga safe at dapat mas pondohan nila ang security system dahil alam nating lahat na may pondo o kaya naman talagang bigyan ng budget dahil kasama sya sa privacy and safety para sa bagay na ito pero madalas ay kinukurakot ng mga nanunungkulan.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
February 11, 2024, 04:01:06 AM
#10
Ngayon nga lamang ay nabalita ang mga hacker daw na umatake sa pilipinas ay natuntun sa telco ng china, ito ay ayun sa interview sa tagapagsalita ng goverment.

Hanngang ngayon naman ay marami parin talagang ahensya ng gobyerbo ang hindi binibigyang-pansin ang security ng kani-kanilang mga websites/systems, "kulang sa pondo", ika nila, na alam naman ng lahat na hindi totoo, sadyang kurakot lang talaga ang mga nakaupo.
Wala kasi atang batas eh? Kung meron lang sana.

Kabayan, sa tingin ko dapat maging mas specific ka pa sa mga susunod mong posts, tulad nalang nung anong website ba ang na hack? Minsan kasi nakakatamad nang puntahan pa yung link, lalo na kung video yan. Well, at least para lang yun sa mga taong gaya ko  na kinatatamaran yan minsan
legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
February 06, 2024, 08:22:28 AM
#9
Hindi naman na kailangan itanggi yan kasi nga hindi naman talaga nag iinvest ang government natin related sa cyber security tignan nyo kung gaano ka-old school yung mga system nila parang wala ngang maintenance or di naman kaya is upgrades na ginagawa tsaka napaka bagal, kaya yung mga ethical hacker talaga sobrang dali lang sa kanila pasukan yung mga layer of security dito sa atin, kaya tignan nyo after ng issue sa data breach nawala na lang ulit, apaka taas mga qualification dito sa atin pero ganyan yung meron sila. Wala eh asa pilipinas tayo.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
February 06, 2024, 03:53:41 AM
#8
Grabe nakakatawa na talaga itong Pilipinas sobrang laki naman ng budget at for sure naman may budget tayo pero bakit ganon parang hindi talaga mabigyan ng magandang security and mga government website, sa madalas pa mapapansin naten na sobrang sloppy talaga ng mga website lalo na kapag government kahit UI design man lang ay masmaganda pa yung mga gawang website ng iba jan. Nakakalungkot lang isipin dahil data nateng mga Filipino ang nandudoon pero ganun ganun lang mawawala lang ang makakanaw lang agad, if im not mistaken may government website na nahack at nagtrending not sure if PAGIBIG ata yun or DOH may mga nagleak na data noong nakaraan lang noong nahack ang website nila at pinalitan yung home page nila then sa FB naman nileak nila yung data.

I mean naniniwala ako na kayang kaya nateng pagtibayin ang security naten, ang dami kung kilalang magagaling to the point na bilib talaga ko sa kanila dahil parang sobrang lalim na ng utak nila pagdating sa mga ganitong bagay programs, codes, hacking at marami pang iba hindi tayo mawawalan ng tao para jan, siguro ang nangyayari lang talaga ay under paid talaga ang mga empleyado sa government kaya hindi maisaayos ayos ang mga ganitong bagay.

Most government offices naman kasi ay sobrang relax. Marami sa kanila ay nagtatrabaho na lang for compliance so walang quality at kita or experienced naman siguro natin. Malaki pondo sobra. Namulat talaga ako diyan sa budget ng Pinas pero dahil siguro sa kurapsyon simula top hanggang sa dulo ay gusto makakuha ng share kaya naging maliit na lang ang actual na napunta. Example na lang natin ang app ng Landbank which is a huge bank sa bansa compared sa Unionbank at ibang private banks.

Marami tayong magagaling kaso sa government palakasan system. Kahit nga top sa exams di pa rin ma-hire. Kahit nga may backer kana pero yun pala meron pa palang mga applicants na ang backers ay nasa mas mataas na estado.
full member
Activity: 1382
Merit: 107
Popkitty.io - Blockchain Social Media
February 06, 2024, 01:27:04 AM
#7
Hindi siguro yan inaaksyonan ng gobyerno kasi wala naman masyadong nagrereklamo. Ang problema din kasi sa karamihan sa pinoy walang pakialam sa data privacy nila. Ang gobyerno aaksyon yan kapag nakalampag. Ang ibig kong sabihin kailangan madaming pinoy ang hindi sumang ayon dyan sa pang hahack ng mga govenment websites, ipahayag nila eto sa gobyerno. Madali lang naman sa ngayon magpahayag  ng opinyon o saloobin tungkol sa bagay na eto dahil nandyan na ang mga social media. Pero sa nakikita ko wala silang pakialam. Mas binibigyan pa nila ng atensyon yung balita na walang katuturan tulad halimbawa ng hiwalayang kathniel.
mk4
legendary
Activity: 2940
Merit: 3883
📟 t3rminal.xyz
February 05, 2024, 12:21:45 PM
#6
Kaliwa't kanan ang hackings ng mga government databases natin na hindi ko na maalala ilang beses na-leak ang personal details ng citizens ng Pilipinas lol. And of course, hindi sila gagastos para sa mas matinong programmers o security audits kasi mas ok mangurakot at ibulsa ung pera ng bayan.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
February 05, 2024, 11:25:24 AM
#5
Grabe nakakatawa na talaga itong Pilipinas sobrang laki naman ng budget at for sure naman may budget tayo pero bakit ganon parang hindi talaga mabigyan ng magandang security and mga government website, sa madalas pa mapapansin naten na sobrang sloppy talaga ng mga website lalo na kapag government kahit UI design man lang ay masmaganda pa yung mga gawang website ng iba jan. Nakakalungkot lang isipin dahil data nateng mga Filipino ang nandudoon pero ganun ganun lang mawawala lang ang makakanaw lang agad, if im not mistaken may government website na nahack at nagtrending not sure if PAGIBIG ata yun or DOH may mga nagleak na data noong nakaraan lang noong nahack ang website nila at pinalitan yung home page nila then sa FB naman nileak nila yung data.

I mean naniniwala ako na kayang kaya nateng pagtibayin ang security naten, ang dami kung kilalang magagaling to the point na bilib talaga ko sa kanila dahil parang sobrang lalim na ng utak nila pagdating sa mga ganitong bagay programs, codes, hacking at marami pang iba hindi tayo mawawalan ng tao para jan, siguro ang nangyayari lang talaga ay under paid talaga ang mga empleyado sa government kaya hindi maisaayos ayos ang mga ganitong bagay.
hero member
Activity: 3136
Merit: 579
February 05, 2024, 09:42:39 AM
#4
kakatwa nga lang ang itinuturo ay mga Chinese pero ang spokesperson ng DICT ay Chinese name din, anyway natukoy na nila kung saan nanaggagaling ang pagtatangka sa isang news na nadaanan ko dinedeny ito ng mga Chinese, mukhang hindi ang sa dagat tayo guto i bully ng mga Chinese pati maging sa internet gusto tayo i bully.
Dapat maging wake up sa atin ito na dapat na natin iimprove ang ating cyber security kasi alam namana natin ang mga Chinese mataas ang antas nyan sa Cyber war, mukhan ggusto makabawi ng mga Chinese kasi nga dalawang beses natin tinalo sa basketball ang team nila  Cheesy.
full member
Activity: 491
Merit: 100
#SWGT PRE-SALE IS LIVE
February 05, 2024, 09:04:09 AM
#3
Alam naman natin na hindi naman binibigyan pansin ang seguridad ng mga website ng government agencies sa atin. Mas inuuna nila ang ibang bagay na parang hindi binibigyan halaga ang mga mahalagang impormasyon na nakukuha ng mga hacker sa government websites. Last year lang nahack na ang ilang website ng government, pero wala naman tayong nabalitaan na upgrade sa system o kaya naman ginawang action para masiguro na hindi na mauulit ang nangyari.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
February 05, 2024, 07:45:44 AM
#2
Eh pano pati mismong service provider natin eh napasok na din ng chinese company so ano  pa aasahan natin sa mga ganitong issue? napaka vulnerable natin sa kanila dahil sa kanila tayo halos kumukuha ng mga kailangan natin .

Tama ka na masakit isipin pero dahil sa kurapsyon kaya lahat ng security natin at depensa ay napakahina , kasi instead na ibili ng magagandang kagamitan eh CHINA PRODUCT and binibili  Cheesy
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
February 05, 2024, 06:42:36 AM
#1

Jump to: