Magandang umaga mga kabayan, mga kalahi, ipagmalaki nating mga filipino na mahigit isang siglo na ang nakaraan na napagtagumpayan ng ating mga kabayan ang minimithing kalayaan. Subalit hindi naging madali ang paglalakbay tungo sa ating kasarinlan o kalayaan. Dugo, pawis at buhay ang isinakripisyo ng ating mga ninuno. Ang tinatamasa nating tagumpay sa kalayaan ngayon ay ang bunga ng kanilang inalay. Sa dami raming nagnanais na sumakop sa atin, ipakita natin na tayo ay nagkakaisa at kailanma'y hindi magpapatalo sa anumang pananakop sa ating bansa.
Ngayong araw ay ipinapakita natin sa buong mundo ang tibay ng ating paninindigan bilang filipino. Dapat nating pahalagahan ang sakripisyo ng ating mga bayani sa pagkamit ng ating kalayaan kahit sa pakamahitan lamang ng pagihing mabuting mamamayan sa ating bansa. Dapat tayo magka-isa sa panahon ngayon at magtulungan lalong lalo na sa pandemyang kinakaharap nating lahat ngayon.
Naway ipagkaloob din sana ng panginoon sa atin ang ating kalayaan sa pandemyang kinakaharap natin ngayon ang Covid19. Kalayaan upang makamit ang tinatamasa nating Covid free country.
Mabuhay ang ating kalayaan,
Mabuhay tayong lahat.