Author

Topic: [Help] Building my own mining rig (Self moderated) (Read 233 times)

copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Locking this thread now. Maraming salamat sa mga kumento at opinyon nyo. Itutuloy ko pdn ang pagbuo ng mining rig. Update ko tong thread na to kung kumita ba ako or lugi.  Grin
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Si john1010 alam ko meron siyang thread dito tungkol sa mining rigs niya pero ibang coin minimina niya. May nakita akong article sa medium tungkol sa grin coin mining baka makatulong sayo.
(https://medium.com/@blade.doyle/cpu-mining-on-mwgrinpool-com-how-to-efb9ed102bc9)
Thread ni john1010: (https://bitcointalksearch.org/topic/katas-ng-bitcointalkmining-is-dead-nga-ba-5070901)
Kung sa profitable siya o hindi, karamihan sa mga sagot na mababasa mo ay hindi. Kung ang lugar mo naman ngayon hindi ganun kamahal yung kuryente, expect mo na tataas na yan kapag nagstart ka. Madaming maintenance yan pati yung ventilation mo dapat maayos para hindi madedo agad rig mo. Pero kung gusto mo mag mina parang libangan lang okay na din tapos yung minimina mong coin antayin mo lang din tumaas yung price bago benta.
sr. member
Activity: 1932
Merit: 442
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Well, lahat sila against sa mining dito sa atin kasi naman talaga malaki ang billing natin dito sa kuryenti. Kung ikaw lang mag isa ang gagastos para maka bili ng mga mining rigs talagang mahihirapan kang mabawi agad ang iniinvest mo dito. May nabasa kasi akong article hindi adviceable ang mining dito sa ating bansa kasi dapat sa malamig na lugar at murang singil ng kuryenti.
Well, meron akong nakitang thread dito na si boss Dabs ang gumawa. Medyo matagal na ito pero okay naman idea niya na dapat corporation sa pagmimina, pang maramihan at hati sa gastos at hati din kayo sa ROI. https://bitcointalksearch.org/topic/sino-gusto-ng-s9-private-mining-shares-1495304
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game

Kung bitcoin mining ang pag-uusapan, kulang ang Php 50,000 kahit sabihin pa nating profitable ang mining. Sa current difficulty, aabutin ka ng siyam-siyam. Then di na rin ang ubra ang GPU Mining sa ngayon. Pagdating sa mining, di puwede ang budget friendly honestly kasi talagang uubos ka ng pera then di pa sure dyan ang profitability rate in the long run.

Bottom line: Di ubra ang bitcoin mining dito sa Pinas.

Pero since ang purpose mo is mag-mine ng Grin Coin, try to ask some recommendations sa discussion group nila, if any. Mas matutulungan ka kasi ng mga kapwa ka-Grincoin mo kung sa kanila ka manghihingi ng advice about sa mining. No idea sa current difficulty and status ng coin na ito so di natin masasabi if worth siya gastusan ng mining setup.
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
Sad to say totoo ang mga sinabi ng ibang miyembro dito thread mo na hindi nga ganun ka profitable ang crypto mining sa bansa natin. May mga kakilala na din ako na sumuko dito at binenta nalang ang mga gpus and other parts nila dahil hindi sila kumikita at pinaka close lang nila is break even. Madami na din kasing factors ang kailangan tuunan ng pansin hindi lang kamahalan ng kuryente natin. Tayo ay nasa tropikal country kaya mahirap ang cooling para sa mga rig, prices ng hardware dito compared sa ibang bansa ay may patong ang presyon nga ng 1660ti dito makakabili ka na ng RTX 2060 sa ibang bansa, at higit sa lahat ang maintenance cost ng mga piyesa pag nasira yan tas out of warranty na (kung brand new) mas mapapamahal mag pa repair. Kung ini-isip mong kumita dito passively hindi kaya pero kung iipunin mo mga na-mina mo at i-hodl mo baka gumana pa pero yun lang di ka kikita on a frequent basis.
legendary
Activity: 1778
Merit: 1009
Degen in the Space
As of now, sa new thread ko kung mababasa mo hindi na po profitable ang mining rig based sa changes ng mining platforms. ASCI OR Application Specific Integrated Circuits na ang ginagamit for mining ngayon, hindi na pwede ang GPU mining.

And regarding sa mining, hindi pwede yung isang mining rig lang ang bubuild mo kasi malulugi ka, malaki ang macoconsume ng wattage kada-mine mo so it's not profitable here sa philippines kasi malakas ang singilan ng kuryente dito.

Try to read on this threads:
Baka makatulong sa'yo mga ginawang guide ni finaleshot:
https://bitcointalksearch.org/topic/guide-paano-magmina-ng-bitcoin-building-mining-rigs-4779887
https://bitcointalksearch.org/topic/m.51892747

May discussion na dito dati and marami nagsasabi na hindi na nga profitable ang pagmimina pero best of luck sa attempt mo.

Through that thread, may matutunan ka about mining. Yan lang ang pananaw ko pero pwede kitang turuan nung conventional way sa pag build ng GPU mining rig pero hindi mo siya magagamit. How much ang gaming rig ngayon? it cost around 50k-100k, pwede mo na malaro lahat, imagine sa mining rig which needed higher GPU to calculate more algo for mining, mas mahal.

Try to read articles, marami na rin nagsasabi na mining is dead.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Mukhang negative ang mining dito sa atin, bukod sa napakamahal ng kuryente  mahal pati gamit. Yung mga nakikita ko sa Facebook medyo pricey baka matagalan bago mabawi yung pinambili. Pero kung in a long run and hindi naman kayo masyado magsasabay sabay ng kuryente  baka posible ngang kumita padin. Pafeedback nalang bro sa result ng new target mo.
Goodluck kay Op dahil napakarisky nang kanyang gagawin dahil negative talaga ang mining sa ating bansa. Alam naman natin yan pero ang ilan kasi talaga ay kumikita ng pera sa pagmimina dito sa Pilipinas at ang kailangan nating malaman ay papaano nila ito nagagawa sa kabila ng taas ng kuryente at ang tanong sino kayang magshashare ng effective way ng pagmimina na less risk lang na malugu.
sr. member
Activity: 1456
Merit: 267
Buy $BGL before it's too late!
Personal experience buddy lugi ung ung pagbuilt ng small mining, meron ako nito wayback 2018 ETH ung minimina pero dahil sa mahal ng kuryente talagang walang nangyari puro abuno lang, ang hirap pa magbantay ng rig kasi kadalasan napuputol ung net kaya need mo rin silip silipin. Pero since sinabi mo na long term naman ung plan mo dun sa GRIN na miminahin mo at kung meron ka naman pang abuno ng kuryente hindi naman masamang subukan mo. Pero kung ang target mo eh ung talagang kumita medyo mas maganda na sigurong gamitin mo ung Php.50k / $1k   sa trading mas mabilis ung result nyan kabayan.

Baka makatulong sayo tong fb group na to OP, CryptoMinersPH baka dyan mo makita ung mga need mong maintindihan sa pagsstart ng pagmimina.
hero member
Activity: 2716
Merit: 698
Dimon69
Mukhang negative ang mining dito sa atin, bukod sa napakamahal ng kuryente  mahal pati gamit. Yung mga nakikita ko sa Facebook medyo pricey baka matagalan bago mabawi yung pinambili. Pero kung in a long run and hindi naman kayo masyado magsasabay sabay ng kuryente  baka posible ngang kumita padin. Pafeedback nalang bro sa result ng new target mo.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
Hindi magiging porfitable ang mining dito sa atin, may mga nag-open na rin ng topic about sa mining hindi ko lang makita kung saan pero may mga nakita ako before last month lang ata yung topic na yun, for sure ang mga makukuha mong information or suggesstion ng mga andito is hindi maganda magmine dahil sa napakamahal na kuryente na siyang pangunahing kalaban ng mga miner
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
Baka makatulong sa'yo mga ginawang guide ni finaleshot:
https://bitcointalksearch.org/topic/guide-paano-magmina-ng-bitcoin-building-mining-rigs-4779887
https://bitcointalksearch.org/topic/m.51892747

May discussion na dito dati and marami nagsasabi na hindi na nga profitable ang pagmimina pero best of luck sa attempt mo.
copper member
Activity: 2800
Merit: 1179
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Magandang gabi mga kabayan.

Balak ko sana gumawa ng GPU mining rig. Pero konti plng ang alam ko sa pagbuild ng rig. Karaniwang tutorial n nkikita ko ay mga foreign tutorial. Kaya medyo hindi ako makarelate lalo na sa mga specs na gagamitin. Baka kc hindi available dto sa pinas yung mga gngamit nilang brand.

Meron ba ditong mga mining rig owner na pwedeng magbigay ng tips or step to step guide kung paano magsimula.

Gusto ko kasing mag mine ng Grin coin dahil mukhang profitable sya in long run.

Balak ko sana bumuo ng mining rig na budget friendly(mga around 50k muna). Gusto ko dn malaman kung profitable ba mining dto sa pinas. Wala kc ako makita na discussion tungkol dto. May nakikita ako sa fb na nagbebenta ng mining rig pero mas gusto ko yung sarili kong gawa.

---

If meron ng same thread nito. Baka pwedeng pa post para mabura ko nlng to.

Salamats.
Jump to: