Rank yan yung parang batayan kung matagal ka na ba dito sa forum pero may mga account na lower rank na matagal na sa forum pero nagstop dahil sa inactivity.
Kusa lang naman tumataas ang rank natin at nag uupdate ang activity kaya basta active ka sa forum palagi kusa lang yan tataas.
Mas mabuti na bago tumaas ang rank mo marami ka naring alam para hindi naman sayang yung rank mo na mataas nga di ka naman makasagot sa ibang tanong.
Sa mga campaign kasi mas mataas na ranggo mo mataas din pwede mong kitain.
Sa totoo lang wag kang masyadong umasa sa mga signature campaign kasi parang pang dagdag motivation lang yan habang nandito ka sa forum.
Habang tumutulong ka sa mga kababayan natin na nagtatanong tungkol sa mga bagay dito sa forum, may bayad yung post mo pero syempre ang pinakamahalaga dapat may maiambag ka at makatulong ka.
Lalo na ngayon madaming post ang nabubura lalo na yung mga walang kwentang post.
Ang problema kasi kadalasan sa mga newbie ngayon ay pagiging engot, hindi naman kasi dahilan ang pagiging newbie sa pagiging tanga, yung ibang newbie nga dito bago mag post puro basa ang ginagawa which is good pero yung ibang tanga naman kakapasok palang ayaw maghanap ng dapat hanapin tapos puro tanong na paulit ulit yung ibibigay dito