Ibig mo bang sabihin ay "yet"? Sa ngayon, sang-ayon talaga ako na hindi pa tayo handa sa tinatawag na mass adoption. Dito pa lang sa Pilipinas, takot na ang marami sa atin dahil sa risk na sinasabi ng gobyerno (na totoo rin naman) at ng bangko mismo tungkol sa cryptocurrency; mapa-coin man iyan o isang smartphone application (buti na lang ang Coins.ph kahit papaano naka-survive) o isang exchange platform.
Isa pa, kumbaga sa computer, ilang taon din ang kinailangan para sa mas magandang version nito at mas tanggapin ng mga tao sa maraming panig ng mundo. Konting hintay lang siguro, OP.