1. Bili ka ng ETH sa coins.ph gamit ang peso o BTC wallet balance. Kung wala laman ang coins.ph account mo, pwede mo lagyan ng laman gamit ang gcash, 7-11, bangko, etc. Pag may balance na yung peso o btc wallet mo, pwede mo ito iconvert instantly to ETH. Then send the ETH to your ETH address na nakalagay sa MEW.
2. Gamit ng exchange. Kung may crypto coins/tokens kana sa exchange, pwede mo muna convert ito to ETH. Kung hindi mo alam paano magconvert, i-benta (sell) mo muna yung crypto (example: etc, bch, xrp, etc) to BTC. Then buy ETH using BTC. Meron din mga ibang exchanges (example bittrex, kucoin, etc) na diretso na iconvert yung crypto to ETH (mas simple). Then pag may ETH ka na, iwithdraw mo ito at ilagay mo yung ETH address mo na nakalagay sa MEW. Antay ka lang ng ilang sandali, magkakalaman na yung MEW mo.
Reminder lang, pag sa coins.ph ka nagpadala ng ETH to MEW, kailangan mo mag-set ng gas para mapadala mo yung ETH. Pwede ka mamili kung gaano kalaki gusto mong maging gas. Mas malaking gas, mas mabilis mareceive yung ETH sa MEW. Pero kung via exchanges, usually naka set na yung fee. Wala ka kontrol duon. May mga exchanges na mabagal magpadala ng ETH, meron din mabilis. Depende kung ano yung nakaset sa program nila na gas. Kasi yung ibang exchange, mababa default gas nila. Dyan din kasi sila kumikita sa mga fees.
Sana nakatulong ako sayo kabayan
Sobrang clear po ng explanation mo kabayan, sobrang laki ng information na nakuha ko sa response mo at pati dun sa ibang mga nag response sa thread kong ito.
Follow up question po kasi meron akong 600 pesos worth na ETH sa coins.ph account ko di ba pwede na ito e transfer sa MEW direct na siya no need to convert basta nasa ETH Wallet sya sa coins. Kanina kasi sinubukan ko mag send sana pero di ko tinuloy kasi nung nag set ako ng 100 pesos sana for testing purpose ang fee is nasa 30+ pesos.
Ganun ba talaga ang fee niya? Or may option pa na mas low fee?
Tsaka pag na transfer ko ang 600 pesos na ETH pwede na ako mag transfer din ng Tokens from my MEW to exchange sites? Or yung 600 pesos na ETH ay ibibili muna ng Gas para maka transfer ako ng tokens to exchange sites?
Kung nasa ETH wallet mo na yung funds sir, pwede na ito diretso isend sa MEW address mo. Wala nang conversion pa gagawin. Saka lang ginagawa ang conversion kung nasa PHP or BTC wallet pa yung funds mo at gusto mo ito ilagay sa ETH wallet.
Parang masyado ata malaki yung 30+ na fees para mag transfer ng 100 pesos worth na ETH. May mga options duon sa fee (slow, medium, fast). Baka yung fast yang 30+? Ako eh usually yung "slow" pinipili ko. hehe
For comparison, yung 2000 pesos worth of ETH ko sa coins.ph na nitransfer ko recently sa MEW address ko ay may 22 pesos (according to latest ETH/PHP rate as of this writing) lang na transaction fee (gas).
Alam ko as long as may ETH yung ETH address (example MEW, exodus, etc) mo ay pwede ka nang mag transfer ng mga ERC20 tokens sa ibang address (example exchange, another ETH address, etc). Kasi ito yung magsisilbing gas/fee para matransfer mo yung token.
I hope nasagutan ko nang tama yung tanong nyo.