Madalas gusto mo mag cash out sa coinsph, lalo na kung kinakailangan mo ng pera. Ang problema kung ang option ay bank deposit cashout, kinabukasan pa eto darating.
Ang ibang option para makapag cash out ng mabilis ay Cebuana Lhulier cashout subalit meron etong bayad, at hindi eto talaga instant. maghihintay ka ng 30 minutes minsan umaabot ng isang oras..
Buti na lang merong cardless option sa security bank.
Eto ang mga steps kung paano mag cash out using security bank cardless withdrawal or e-give cash
1. Pumunta sa inyong coins.ph app sa iyong cellphone at pindutin ang cashout
https://i.imgur.com/H3Z8oiF.jpg2. Piliin ang Security Bank
https://i.imgur.com/XC5OZbW.jpg3. I-enter ang amount kung magkano ang gusto mo i cash out
https://i.imgur.com/79FCQdM.jpg4. Ilagay ang Numero at Pangalan ng receipient, maari ring i send sa iyong sarili at piliin ang "send to myself" option
https://i.imgur.com/p9gpGEx.jpg5. Makakatanggap ka agad ng text sa iyong cellphone na ikaw ay may pera na naghihintay sa security bank. Naglalaman eto ng 16 digit reference number at 4 digit passcode . Mabilis lang eto, wala pang isang minuto.
https://i.imgur.com/WJutB4C.jpg6. Pumunta sa malapit na Security bank ATM machine at Pindutin ang "ENTER" para lumabas ang Option na Egive Cash.. nasa bandang kanan ang option na eto.
7. i enter ang 16 digit reference number, pass code at ang amount ng inyong i cash out.
8. Hintayin na lumabas ang pera at kunin ang resibo,
9. Makakatanggap ka ulit ng text na nakuha mo na ang iyong pera.
https://i.imgur.com/BzHppBE.jpgnapaka dali lang diba..
---Paminsan offline ang Security Bank ATM, mabuti na lamang Tatlo ang security bank sa lugar namin kaya wala akong problema sa cash out.
---Halimbawa hindi mo makuha ang iyong pera, wag mag alala mababalik eto sa loob ng 1 to 2 banking days sa iyong account, eto ay base sa aking experience..
---Ang minimum na pwedeng i withdraw ay 500php at ang maximum ay 5000php kada isang transaction
---Meron ka lamang limit na 50,000 sa isang buwan kada isang numero, magdedepende na eto kung anong level ang limitations sa iyong coins ph account
Disclaimer: Hindi po ako connected sa Security bank or coins ph.
Ginawa ko lamang eto para sa mga hindi pa naranasan ang ganitong pag cash out.
Ginawa ko ang post na mas detalyado at klaro.
Maaring burahin ang thread na eto kung eto ay naipost na..
Pasensya na, hindi ko mai attach ang image dahil bawal ata mag attach kapag newbie pa ang iyong Rank.
Salamat at sana nakatulong ako kahit papano.
regards,
bitbong