Author

Topic: Huling Bitcoin Block Reward: Anong Mangyayari sa 2140? (Read 116 times)

legendary
Activity: 1554
Merit: 880
Wallet transaction notifier @txnNotifierBot
What do you think guys?
  • Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
  • Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?
It's a matter of what ifs, kung buhay pa Bitcoin that time, marami pang BIP ang pwedeng ma implement in the future time. About sa fees na makukuha ng mga miners pag walang block rewards it's a matter of how much, kung ang bitcoin price ay mag kakahalagang 500k to 1M at that year, at ang actual miner fees ay nag nagkaka-average ng .03 BTC per block.
If Bitcoin is $500k, sa 0.03 BTC na accumulated tx fees ng miners ay may $16k+ silang profit per mined block which is much higher compare sa profit nila ngayon.

Now if ang bitcoin price is mababa, depende pa rin yung sa magiging ROI ng company.

About sa question kung may magpapatuloy pa ba, well, yes, as long na may value ang Bitcoin, at may gumagamit nito, its always a yes, even though maliit na lang ang mag mine, it means low difficulty at may higher chance ka makapag mine ng block using asic miner as solo miner, or baka nga dahil mas masa bumababa pa ang difficulty baka may chance na bumalik sa times na pwede kana makapag mine uli using GPU then CPU, edi mas masaya yun, and that the cycle will goes on.

hero member
Activity: 3178
Merit: 635
What do you think guys?
  • Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
Sa tingin ko oo dahil nga may incentive pa rin naman sa pag confirm ng transactions. Kaso ang malaking tanong diyan ay hindi naman natin mawiwitness kung anong mangyayari sa taon na yun dahil wala na tayo.

  • Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?
Posible dahil magiging mataas naman na din ang value ng bitcoin noon. Dahil nga sa very limited supply parang bawat satoshi na meron ay magiging mahalaga. Pero di na ako mag iisip kung ano ba talagang mangyayari sa taon na yan pero magandang mapag usapan kung ano ang mga posibleng mangyari dahil nakakacurious din naman.
sr. member
Activity: 1876
Merit: 437
Catalog Websites
Di na rin siguro naten to maaabutan  Grin

Pero kung makakaabot man ang Bitcoin naten at nakahold pa rin or napamana na naten sa mga pamilya naten for sure sobrang taas na ng value kapag ganyan na kababa ang supply and for sure sobrang kalat na ng Bitcoin sa mga taon na yan siguro buong mundo na siguro sobrang popular na ang Bitcoin or cryptocurency. Baka hindi lang 1million dollars ang maging presyo ng Bitcoin, pero mahirap din naman magsalita dahil hindi naten nakikita ang future, like for example magkaroon ng war or aabot pa ba ang mundo sa 2140  Grin.

Tingin ko naman magcocontinue pa rin ng mining ang mga miners kapag ubos na ang mga block, pagkakaalam ko nagkakaroon naman ng upgrade ang network, pero marami lang validators, as long as mag agree ang community pero di ko lang alam kung pano yun nagwowork, pero as long as nagbabayad naman tayo ng fees for sure tuloy tuloy parin naman ang network, so masmababawasan siguro ang bayad sa miners dahil fees nalang ang mangyayare pero possible naman siguro mababawasan yung isesend mo or siguro ibang currency as fees para masmababa ang bayad.
full member
Activity: 896
Merit: 117
PredX - AI-Powered Prediction Market
Well ang masasabi ko lang dyan 2140, wala na tayo nyan sa mundong ito. Ngayon assuming nareach na yung 21 milyon supply, ang nakikita ko dyan pwede parin makakuha ng profit yung mga miners, sa paanong paraan? Ang sagot ko ay sa pamamagitan ng transaction fee.

Or bukod dito pwede rin na tamarin ng magmina yung mga miners na iba, at yung mga maiiwan na miners sila yung makikinabang parin, dahil dito naman pumapasok yung mining difficulty, at for sure meron paring magtatangkang magmina in the end. Opinyon ko lang naman ito.
legendary
Activity: 2324
Merit: 1384
Fully Regulated Crypto Casino
Sobrang tagal pa pala feel ko di ko na maabutan yang part ng halving nayan eh
Same kabayan, sa 2140 I think isa na kong history. Sobrang tagal na nun, mostly of us here are probably long gone na. Hindi natin alam kahihinatnam ng future kung either boom pa ba ang bitcoin or meron ng super new tech na papalit sa kanya to improve yung financial system.

Sa tagal ng last block reward, early generations na ang makaka saksi sa potential movement ni bitcoin. I hope we can see it through.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
(....)

Sa tingin ko bago pa mang umabot dyan na hindi na natin maabutan ay may ibang paraan na at gaya na rin ng Lighting network, pero bukod dyan ay magkakaroon pa ng ibang paraan.
Yung years before that 0 per block is mababa narin at worth it pa ba ang mining nun?

Ang iniisip ko na isa pa is yung presyo ni bitcoin by the time na wala na talagang mamimina. Grabe talaga.
I think with that kind of question, talaga talagang iniexpect ng lahat ng tao na tataas lahat ng Bitcoin kasi habang patagal ng patagal, yung rewards nakukuha ng mga miners eh bumababa din so to answer your question, pag sobrang taas na presyo ng Bitcoin pag dating ng time na yan siguro talaga worth it parin pag sobrang mahal na man ng Bitcoin.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 364
https://shuffle.com?r=nba
Walang nakakaalam yan ang lagi kong sagot sa mga ganitong topic, pero kung sariling opinyon ang sagot naniniwala akong magtatagal pa lalo ang bitcoin. Kumbaga kailangan lang talaga na may magtiwala sa bitcoin kasi sa ganung paraan kaya nagkakaroon ng value ang di ba? Kung walang naniniwala sa isang bagay sa tingin nyo magkakaroon ng halaga ito? Pinaka big factor talaga din ang supply and demand.
hero member
Activity: 2058
Merit: 578
No God or Kings, only BITCOIN.
Who knows if matalino parin ang mga developers sa taong iyan, we wouldn't know halos isang daang taon pa yan. With that nearing in 0 block rewards I think nasa million dollars na dapat ang value nito. Kung ano ang gagawin ng mga Bitcoin developers ngayon dapat isaalang-alang nila ito na kahit lumipas pa ang isangdaang taon magigiing matibay parin yung network. For sure there will be upgrades and proposals from the community kasi kahit ngayon Bitcoin is still developing.

Not just from Bitcoin developers community as well but over the years mayroon ding magiging parte kahit ang mga bansa, especially ngayon na ang USA ay eyeing for that SBR or SWF. To many things to happen but I believe on what Satoshi has given to us, it's future-proof na kahit hanggang sa huling block ay gagana parin ito.

  • Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
  • Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?
Syempre magpapatuloy parin yan considering miners will still secure the network unless lang wala ng gustong mag participate na nodes at kung gusto nila ng transaction fees. As I've said, dapat malaki ang value nito para kaaya-aya parin sa mga miners na mag pro-process ng blocks.
sr. member
Activity: 952
Merit: 303
VPN Friendly & Exclusive Bonuses!
What do you think guys?
  • Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
  • Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?

Sa tingin ko bago pa mang umabot dyan na hindi na natin maabutan ay may ibang paraan na at gaya na rin ng Lighting network, pero bukod dyan ay magkakaroon pa ng ibang paraan.
Yung years before that 0 per block is mababa narin at worth it pa ba ang mining nun?

Ang iniisip ko na isa pa is yung presyo ni bitcoin by the time na wala na talagang mamimina. Grabe talaga.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
  • Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
  • Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?
Yes, sa tingin ko hindi masyado magiging affected ang network, pero magiging less decentralized ito... Considering na panay nagbabago ang technology, sigurado ako na magiging sobrang efficient ang mga ASIC miners so malaki ang chance na maging sapat yung transaction fees on that time.
hero member
Activity: 3136
Merit: 579
What do you think guys?
  • Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
  • Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?

Hndi na natin aabutan lahat yan kaya ang pwede na lang nating gwin ay mag speculate kung ano ang scenario sa mga panahong yan, sa akin malamang dahil sa wala nang maimimine na Bitcoin ang mga miners sa mga darating na panahong yun ay malamang mag concentrate na lang sa pag confirm ng mga transactions at tulad pa rin ng dati mag prioritize ng transaction na may mataas na fee.
Malamang sa panahong ito konti na lang ang magigign miners siguro out of duty na lang at hobby.
legendary
Activity: 1806
Merit: 1437
Wheel of Whales 🐳
Sobrang tagal pa pala feel ko di ko na maabutan yang part ng halving nayan eh pero sa tingin ko naman with the number of support recently ng mga tao sa crypto and the bitcoin it self it seems na mag tutuloy pa ito sonner or later but tingin ko pag dating na ng mga half part ay medyo magkakaroon na ng lossing of interest kasi nga ilan lang ang part para sa mga miners so parang worth it pa ba ito para sa kanila or else it varies pa din yung price ng bitcoin for the next coming years para sa kanila.
legendary
Activity: 2562
Merit: 1399
Alam nating may fixed supply ang Bitcoin na 21 million BTC, pero alam mo ba na ang huling Bitcoin ay inaasahang mamimina sa taong 2140?  Cool


Dahil sa halving cycle ng Bitcoin tuwing 210,000 blocks (bawat ~4 taon), unti-unting bumababa ang rewards ng mga miners:
  • 2009: 50 BTC bawat block
  • 2012: 25 BTC bawat block
  • 2016: 12.5 BTC bawat block
  • 2020: 6.25 BTC bawat block
  • 2024: 3.125 BTC bawat block
  • 2028 (upcoming): 1.5625 BTC bawat block
  • .....
  • 2140: 0 BTC bawat block (huling Bitcoin na mamimina)

Ano ang Mangyayari Kapag Wala Nang BTC Rewards?
Curious ako ano mangyayari, like magpapatuloy pa rin ba ang mga miners sa pag-secure ng Bitcoin network?

Para sakin, dito na siguro ma uutilize ung layer-2 solutions. Posibleng mas maraming gagamit ng Lightning Network para sa maliliit na transactions, at ang Bitcoin main blockchain ay para sa malalaking transfers na lang.


What do you think guys?
  • Sa tingin mo, magpapatuloy pa rin ang Bitcoin network matapos mamina ang huling BTC?
  • Sapat kaya ang transaction fees para panatilihin ang mga miners?
Jump to: