Totoo yang sinasabi mo na ito kabayan, dibale ng parang hindi ka kuntento sa profit na nilabas mo kaagad kesa naman yung nawala pa yung profit na meron na dapat tayo. sabi nga huwag maging sakim sa kita, kung naachieve na natin yung target profit hinto na tayo agad or exit na huwag ng magdalawang isip pa. Ika nga profit is profit na sure na yun.
Madami kasing nadadali sa ganyan sa totoo lang, yung nagbabakasakali pa na baka tumaas pa ng husto tapos biglang hindi mangyayari yung inaasahan then sa huli magsisisi kaya resulta walang dapat na sisihin kundi ang sarili din natin.
Noong nag uumpisa ako sa Cryptocurrency ganyan ang takbo ng pagiisip ko, nasa isip ko lagi na baka may itatas pa kaya maghintay munang tumaas, hanggang sa di ko namamalayan bumagsak o naging bear trend na ang scenario at nakain na yung profit mo sana.
Kaya nga di tayo dapat maging greedy at mag sell tayo at the right time, kahit maliit ang profit basta mahalaga maka take advantage sa market condition, we must moderate our greed kahit mukhang very positive ang market kasi mabilis lang magpalit o mag shift ang market.
Sa tingin ko ang problema hindi naman talaga yung greed mismo, kundi sa halip ang problema at kalaban natin ay yung ating sarili. Yang greed andyan sa tabi o paligid natin, kaya nga kahit wala ka sa crypto industry, let say nasa traditional business ka pag hinayaan natin na makapagsok yung greed sa ating isipan asahan mo hindi na maganda ang magiging resulta nito sa huli.
Ito langnaman yung assessment ko, siguro panindigan lang natin yung kung ano ang plano yun dapat ang mangyari, kapag ngyari na ang ating tinatarget na income ilabas na natin yung profit na meron na tayo, tapos ulitin lang natin ulit yung ginawa natin kung pano tayo nakakuha ng profit.
Mahirap rin talaga labanan si greed lalo na pag malaking pera na ang involve. Kaya nga siguro naging basic ang mga payo na only invest what we can afford to lose. Siguro pag malaki na ang profit at pumasok na si greed, ibig sabihin kailangan na natin magbenta. Pwede naman ibenta lahat or partial lamang para makatulog na tayo na mahimbing.
This year at next year ay inaasahang maganda ang takbo ng market overall. Kaya mas gusto ko partial na benta lang. Kunin ko lang kapital para bahala na yung natirang profit umakyat o bumaba basta makatulog na ng mahimbing dahil sigurado na walang talo.
Uu maganda nga yang pinaplano mo kabayan, at ganyan din ang aking gagawin, once na mag-5x na yung capital ko ay ilabas ko narin yung puhunan ko then waiting nalang sa target price na hinihintay ko bago talaga ako mag-exit. Medyo malaking halaga din kasi yung tinatarget ko na profit nasa milyon na halaga din sa peso, once na mahit ko na yun ay ayos na hayahay na.
Dream fullfil na ako nun kapag ngyari, at alam kung mangyayari talaga yun kaya waiting ako now at the same time dca parin sa pagkakataon na ito dahil yung ranging ng price ni Bitcoin ay ilang buwan din mangyayari before magtake off talaga o magrally sa merkado.