Author

Topic: ICO Discussion, Tips, Experiences (Read 240 times)

jr. member
Activity: 154
Merit: 1
For verified airdrops https://t.me/pinoyairdrop
March 16, 2018, 10:22:31 AM
#11
Mga ICO na nasalihan ko ngayong linggo ay Yggdrash at Switcheo. Gaya ng una kong mga post, ang hinahanap ko nang ICO ay yung may kinalaman sa blockchain, blockchain services at exchange. Ang Yggdrash ay isang blockchain na may maraming branches (sidechain, offchain) katulad ng EOS blockchain. Ang Switcheo naman ay ang unang DEX ng NEO at NEP-5 tokens. Ang NEP-5 ay tokens na ginawa sa loob ng NEO blockchain. Para siyang katumbas ng ERC20 tokens sa Ethereum blockchain.
full member
Activity: 266
Merit: 102
March 15, 2018, 04:41:55 PM
#10
Please visit https://bitcointalksearch.org/topic/paano-kilalanin-na-scam-ang-isang-ico-3090788 dahil dito tayo makakakuha ng tips para malaman na ang isang ICO ay fake. Sa ngayon, ang karamihan ng ICO ay totoo kaya kailangan muna nating suriin ang bawat whitepaper ng mga ito at mga investors o advisors. Dahil talagang maghihinayang ka kung ang nasalihan mong ICO ay scam lalo na kung ito ay matagal mong pinaghirapan.
jr. member
Activity: 154
Merit: 1
For verified airdrops https://t.me/pinoyairdrop
March 08, 2018, 11:30:55 AM
#9
Sa ngayon halos lahat ng magagandang ICO ay may minimum na investment na, kadalasan .1 ETH. Madali lang kung madami kang pera, pero mahirap kung konti lang ang kaya mong ilabas. Pwede nyong gawin ang ginawa ko na nagbuo ng ICO Pool sa office. 10 kami at may 5k na kontribusyon kada isang buwan. Basta ang importante, kailangan nilang malaman na sugal ang crypto at walang kasiguraduhan para hindi ka masisi.

Yung kontribusyon namin nong January na 5k ay worth 9k na ngayon kahit pa mababa ang market. Kailangan lang pagusapan ang mga patakaran kung kailan ibebenta, kung hanggang kailan ang kontribusyon na 5k, at kung kailan ang ibabalik sa PHP yung ibang mga kinita na.

Kung noong una ay .1-.2 ETH lang ang budget namin sa ICO, ngayon ay kaya na naming maglagay ng .2-.4 ETH. Yung kinita namin sa unang kontribusyon ay nilagay namin sa bagong fund para pangdagdag. Ang pinakamagandang mangyari ay mapapaikot na namin ang ICO fund at hindi na namin kailangang maglabas pa ng pera.
sr. member
Activity: 338
Merit: 250
What have you done. meh meh
March 08, 2018, 03:44:09 AM
#8
Sa umpisa pa lang hindi na ako naniwala nun na pede kang kumita sa pag invest sa mga ico kasi ang tingin ko dati nun baka wala naman mapuntahan ung pera ko kapag nag invest ako at masayang lang ung pera. Pero nung nagstart ako magcampaign doon ko natutunan na pede pa lang kumita at ang nakakatuwa pa nun nag start ako sa campaign ay sinabayan ko ng pag invest sa ICO nila. So far kumita naman ako nun kahit maliit lang ung invest ko at least napatunayan ko na may pera sa ICO basta tamang research lang para hindi masayang ung perang pinaghirapan natin. Kasi kadalasan sa mga ICO ngayon ung iba nang sscam lang ng investor. Pero up to now malaking bagay sa akin to kasi medyo maganda din ung kinita ko sa mga ICO.
jr. member
Activity: 154
Merit: 1
For verified airdrops https://t.me/pinoyairdrop
March 08, 2018, 01:00:44 AM
#7
Kaya nga ang ginagawa namin kapag nag x3 or mahigit yung ICO ngayon, iniiwan nalang namin ang puhunan. Ginawa namin sa CS, binenta namin yung 2/3 sa 500% gains at iniwan nalang yung natitira para sa potensiyal nitong mag x20 o mahigit pa. Sa ganon kahit anong mangyari sa coin na yun ay meron ka ng kinita at nabawi mo pa ang puhunan mo. At iipunin ang kita sa mahahanap na panibagong ICO. Naniniwala pa din ako sa kasabihang ang ICO ay laro ng mga numero, kung makapaginvest ka sa 10 ICO at 2 or 3 yung kumita..masasabi kong tagumpay ka pa din.

Ang tinitingnan ko ngayon na ICO ngayon ay mga tipong blockchain, blockchain services at marketplace. Pero kailangan mo pa din saliksikin ang pundasyon nila, ang team, at ang kanilang produkto. Para sa masinsinang pagsasaliksik, minumungkahi ko na gayahin nyo ang estilo ng icocheck http://icocheck.io/. Madami akong natutunan sa kanila at isa sila sa gabay ko para sa mas maayos na pagsaliksik sa mga ICO.
legendary
Activity: 1638
Merit: 1046
March 07, 2018, 10:56:56 AM
#6
Sa totoo lang na swerte rin ako sa ICO sa ilang mga coins na biglang umakyat ang presyo na naibenta ko nuon kahit yung TIO nung nakaraan na benta ko kaso ang problema after release sa mga exchange ambis na umakyat ang presyo kabaliktaran ang nang yari. mostly talagang ICO need mo talagang benta sa umpisa para makisabay sa mga naka bili ng mura at may discount at sa mga naka receive ng libre from bounty campaigns..
Kasi pag hindi mo binenta after release sa mga exchanges pwedeng yun na ang huling presyo nun..
Di gaya ng bebenta mo in early stage after release nila sa exchanges na pag bumagsak ng todo pwede kang bumili ng mas mura.
Then may possible parin na umakyat ang presyo ng ICO kung ang developer team nila ay solid at kung maraming sumusuporta sa kanila.

Maganda rin naman ang mag invest sa mga ICO kasi may 20%—50% bonus ka sa offers nila kaya pag nagboom ang ICO, malaking profit din ang balik sayo lalo nat early bird ka, isa pa priority sa mga investors ang maka first sell sila kesa sa mga airdrops at bounty participants. Depende rin sa diskarte yan eh kung alam mong promising ang isang ICO, may tiwala kang ihold eto ng ilang taon para maging 10x-50x ang price. Ingat lang talaga sa mga scam na ICO.
Depende parin sa ICO kahit na may 20%-50% na bonus kung iistay mo lang yun hawakan ng matagal ramdom parin ang resulta hindi natin alam kikita at aakyat ang presyo or hindi.
So ang teknik jan after nila irelease sa exchange manguna kanang ibenta ang mga ICO token or coins mo then expect sa pag bagsak ng presyo dahil sa mga bounty campaigns na kung sino naka kuha ng libre ICO token or coins siguradong bebenta nila yun for bitcoin or ethereum.
Pwede ka pang kumita or makaka bili ka ng mas mura na pwede mo ihold nang mas matagal hanggang umakyat nag presyo..

Ang pag akyat ng presyo ng mga ico minsan pag swerte ka umaabot ng 1000% kunwari nag invest ka ng $1 pwedeng umabot ang profit mo hanggang $9999. yan ang kinaganda sa mga ICO pero Risky parin kasi hindi naman kasagarang project is successful at hindi lahat ng business is legit..
So beware na lang sa mga ICO scam or ginagamit lang nila for pump and dump na pwede mong ikatalo..
sr. member
Activity: 966
Merit: 275
March 07, 2018, 09:10:21 AM
#5
Beware of ICO SCAM. Don't be lured and fall victim with those gigantic ICO bonuses... instead I advise you to Do Your Own Research (DYOR). With that, I'm sharing this article, How Not To Be Scammed By An ICO and also this post/topic, Developer’s advice to ICO investor.
full member
Activity: 378
Merit: 100
March 07, 2018, 08:08:17 AM
#4
Maganda rin naman ang mag invest sa mga ICO kasi may 20%—50% bonus ka sa offers nila kaya pag nagboom ang ICO, malaking profit din ang balik sayo lalo nat early bird ka, isa pa priority sa mga investors ang maka first sell sila kesa sa mga airdrops at bounty participants. Depende rin sa diskarte yan eh kung alam mong promising ang isang ICO, may tiwala kang ihold eto ng ilang taon para maging 10x-50x ang price. Ingat lang talaga sa mga scam na ICO.
jr. member
Activity: 154
Merit: 1
For verified airdrops https://t.me/pinoyairdrop
March 07, 2018, 12:57:36 AM
#3
Halaga ng nilagyan namin
MonetizeCoin - x3
Bee Token - x1.5
Credits - x5-x7
Coinpoker - x.6
Swissborg - x.5


Binenta namin ang 2/3 ng Credits namin for 5x -7x na halaga at ilalagay namin ito ngayon sa bagong pool para sa mga paparating na ICO. Ang pinaka epektibong payo na nabasa ko pagdating sa ICO ay, ilabas na ang puhunan kapag nag x3 na or more. Wag hahayaang mababad sa ICO ang pera mo.

Halimbawa:
Meron ka ng coin na nag x3 - x1 ibalik mo to fiat or ICO fund, x1 ilagay mo ulit sa ICO fund, x1 matagal na hold para sa potensyal

Ganito ang proseso namin pagdating sa ICO
Invest > Benta ng portion kapag nag x3 or more > Ilagay sa ICO Fund or Fiat > Reinvest
jr. member
Activity: 112
Merit: 2
March 06, 2018, 10:50:41 AM
#2
Mag-ingat sa mga ICOs at huwag basta maniniwala sa mga Youtubers lalo na ung mga nagbibigay ng coins para lang mag invest ka sa ICO na pinopromote nila. Malamang sa malamang e part ng bounty ung pag gawa nila ng video, kaya syempre puro positive lang sasabihin nila. Mag ingat din sa mga lending platform ICO. 100% yan scam, LOL. Bitconnect lang ata ang tumagal, the rest e puro exit scam like davorcoin, loopx, knox, atbp. Magandang i check mo din ang mga nasa top 50-100 crypto currencies para may idea ka lang kung anong mga projects na ang ginagawa at kung nasa anong stage na. Halimbawa nito ay GOLEM, may lumabas na tulad nito ung SONM naman. So parang dalawang companies na parehong project ang gagawin. Pero may pangatlo pa pala ung DADI na kelan lang nag ICO. Ang masama nito e ginaya lang daw nila ung whitepaper ng SONM, pero nag sold out na ung ICO bago pa to nabalita. Ewan ko lang kung ano ng nangyari dun.

Always research kung anong problem ba ang gusto nilang solusyunan at bakit blockchain ang solusyon nila. Mahalagang itanong ito kasi madami ngayon sumasakay lang sa mga buzz words like decentralized, blockchain, mining, etc. At i research din kung sino sino ang mga tao sa likod ng ICO. Maging maingat at wag magpapa i scam.
jr. member
Activity: 154
Merit: 1
For verified airdrops https://t.me/pinoyairdrop
March 06, 2018, 06:23:56 AM
#1
Napansin kong wala pang thread dito tungkol sa paguusap tungkol sa mga ICO. Maganda din na meron tayong discussion tungkol sa mga paparating na ICO. Kung maaari lang, wag sana mag post para lang magka puntos sa bounty o dahil ikaw ay naka bili ng coin na to. Maaari sanang sumagot kung bakit mo nagustuhan ang isang ICO. Para din to sa mga baguhan na gustong bumili sa ICO.

Q: Ano ba ang ICO
A: Ang ICO ay Initial Coin Offering kung saan mabibili mo ang isang coin/token bago pa siya malagay sa market/exchange.

Q: Ano ang ang lamang ng ICO kumpara sa bibilhin mo sa Exchange
A: Mabibili mo ng mura ang coin sa ICO kumpara sa Exchange

Q: Ano naman ang panganib sa pagbili sa ICO
A: Hindi mo sigurado kung ang coin ay tataas o bababa. Meron din mga ICO na scam.


Siguro umpisahan natin ng pag kwento ng karanasan natin sa crypto at lalo na sa pagbili sa ICO.

Nitong Enero lang ako pumasok sa crypto, syempre nahikayat ako dahil sa potensyal ng kita o pera. Nagsimula ako sa trading at madalas akong mag day trade na naging dahilan para maubos ang oras ko sa kaka trade. Eto din ang dahilan kaya ako nalugi sa mga binili kong crypto. Dahil dun nag saliksik ako ng mga paraan para magkaroon ng kita sa crypto sa ibang paraan. Naadik ako nun sa airdrop at bounty sa umpisa. Hanggang sa nalaman ko ang tungkol sa mga ICO.

Mga una kong ICO ay palpak dahil sa kakulangan ng pagsasaliksik at pagmamadali. Hanggang sa natuto akong magbasa basa (madami dito sa bitcointalk) at mag saliksik na din ng mga magagandang ICO.

ICO Newbie investments: Envion, Swissborg, Loyalcoin, Coinpoker, Storiqa
After researching ICOs: Monetize Coin, Bee Token, Credits, Dorado, Dock, Birdchain

Kung mapapansin nyo medyo napabuti na din. Hindi naman ako nagsisisi sa mga nauna kong binili dahil importante din ang mga yon para dumami pa ang aking karanasan. Ngayon madami pa din akong tinitingnan pero naging mapili na ako sa bibilhin ko. Madami ang ICO pero konti lang ang pera ko.

Kayo? Ano ang kwentong ICO nyo?
Jump to: