Author

Topic: Iisa lang po ba ang mod dito sa PH?Another question po... (Read 145 times)

newbie
Activity: 2
Merit: 0
Hello po sa lahat. Gusto ko lang sana magtanong kung iisa lang po ba ang mod dito sa Pinas thread? Bakit ko po natanong? Tambak2x po kasi ang new topics na para sa akin ay spams or nonsense tulad ng "Anu na napundar mo gamit ang bitcoin?", "Magttrabaho ka ba o mag bitcoin na lang?", etc. Mga ganung bagay na parang hindi naman akma sa talagang gustong matuto na pinoy about bitcoin. I could say napaka irrelevant na topic tapos mga mag-ccomment paulit2x na reply sa thread like "Gusto ko po mag join dito para sa karagdagang knowledge, para kumita, etc. Napaka-basic.
Anu po ba tayo dito parang mga baby talk para mapataas lang ang rank?

Siguro kung mga 500-1000 pinoy ang mag-ccomment para pataasin ang rank nila eh nakakaumay pong basahin dahil sobrang redundant ng mga sagot.

Im not here to rant dahil newbie ako pero eto ang napansin ko agad sa Pinas thread na parang baby talk mga nag-ppost ng topic. It's not different with magkano naipon mong pera at anu2 na nabili mong laruan? Tapos mga sasagot, nakabili ako ng lego set, nabili ako ng barbie.

Kung titignan nyo post sa ibang country, kung pwede lang pls gawin iremove na lang ung mga pangpadami ng threads. I-up yung mga magandang basahin ng mga newbies tulad ko. Anu po mga opinion nyo newbies? Kung habol nyo lang magpa-rank para makajoin sa mga signature campaigns at kumita, dadami ang tulad mong spammers dito and soon nakakatamad ng magbasa sa Pinas group dahil hindi na-momonitor ang sensible topics sa mga baby topics.

Salamat po!

Jump to: