Ang ilang pangungusap sa thread na ito ay pawang opinyon ko lamang base na rin sa aking pagkakaintindi kung ano nga ba ang Blockchain, kahalagahan nito, at mga kursong maaaring pasukin kaugnay dito.
Una sa lahat, ano nga ba ang blockchain? Ang blockchain ay isang rekord (patuloy na nag dedevelop), na tinatawag na bloke o blocks at pinatitibay ng cryptography. Ang bawat bloke sa blockchain ay nag lalaman ng iba't ibang impormasyon katulad na ng timestamp, at mga datos ng transaksyon. Kung hindi kayo pamilyar sa cryptography, isipin mo nalang ang basic na konsepto ng hashes. Imagine may salita akong 'Blockchain', kung i hahash (pag babago ng mga karakter sa isang maiksi o fixed na value na mag rerepresenta sa karakter na yoon, in other words, ieencrypt) natin ito gamit ang ilang hashing algorithm, halimbawa na ang md5, ang kalalabasan nito ay '3cc377f79bda308c750459a2caf7fc38'.
Mula sa detalyeng ito, mauunawaan natin na ang basic na ideya ng hashing ang pundasyon ng blockchain technology, na siya namang pundasyon ng cryptocurrency. Kumbaga, ang isang blocks sa blockchain ay naka depende sa naunang block kaya ang hacking ay mahirap isagawa.
Maraming klase ng hashing algorithm na ginagamit, isang magandang eksampol na nito ay ang SHA256 na ginagamit ng Bitcoin. at kung nais mo mang matuto ng pagdevelop ng cryptocurrency at blockchain, maaari mong pag aralan ang ilan kagaya ng nasa larawan na galing sa
coin360.
Sa ating bansa, hindi birong sumasabay na ang IT industry natin sa mga leading IT industry sa ibang bansa ngayon. Di hamak na ang kakulangan na lamang ay ang tuluyang pag adopt sa sistema nito, at para sa akin bilang isang IT student, mainam na mag karoon tayo ng mga kursong tatalakay sa konsepto ng blockchain bilang isang subject na kung saan, ang mga estudyante ay matututong gamiting ang blockchain bilang backbone sa kanilang systems.
Ngunit ang konseptong ito ay mananatiling imposible kung walang gurong at akademya na mag sisimulang mag turo ng konsepto ng blockchain. Kaya naman. Naniniwala ako na sa atin mag sisimula ang mga magiging gurong mag tatalakay sa blockchain kaya't narito ang ilan sa mga kursong onlline na maaari nating pag aralan at isaalang-alang.
Salamat sa
Source nito.
- Una sa listahan ay ang Interledger: Route Payments Across Different Blockchains - Ang interledger ay isang protokol kung saan, ito ang responsable sa pag kokonekta ng iba't ibang payment networks. Nakapaloob dito ang payments, micropayments sa pagitan ng iba't ibang blockchain at ledger.
- Sumunod ay ang Monax: Build a Smart Contract Application - Kung pamilyar kayo sa smart contract ng Ethereum, maaari niyo itong magawa gamit ang Monax. Dito, mauunawaan natin ang konsepto ng smart contracts at kung papaano gumawa ng isang smart contract
- Pangatlo ay ang Ethereum for Developers - kaugnay sa pangalawa, maaari rin nating gamiting ang existing na smart contract ng Ethereum. Ang maganda pa dito, maaari tayong gumawa ng sarili nating cryptocurrency na nakabase sa Ethereum, at mag launch ng isang crowdfunded na proyekto.
- Pang apat naman ay ang Blockchain: Hyperledger Fabric - Marahil ay narinig mo na ito, ang hyper ledger fabric ay isang plataporma kung saan maaari kang bumuo ng isang blockchain application.
- Kaugnay sa pang apat, nariyan din ang Hyperledger Indy for Identity Management - dito naman nakapaloob ang ilang mga konsepto kaugnay sa pag dedevelop ng isang Indy-based decentralized identity system. Nangangahulugan na gamit ito, maaari tayong makabuo at makapag saayos ng isang desentraliso, malaya na mga identidad sa ating system gamit ang distributed ledgers. Sa madaling salita, makabuo ng mga blockchain based system na nag bibigay ng seguridad sa identidad ng mga user.
- Nasa pang anim naman ang IoT and Blockchain - ang IoT ay pinaikling "Internet of Things". Dito, kinokonekta ang isang network gamit nag mga pisikal na kagamitan (wireless). Halimbawa nalang ay ang online shopping, pagpapalitan ng data, cloud computing, at iba pa. Kaugnay sa Blockchain, pinapayagan nitong maaccess ang mga kagamitan sa IoT kahit pa walang taong mag mamando nito. Marami itong magiging pakinabang lalo na sa isang buong business organization.
- Sa ika pito, nariyan ang MultiChain: Set Up a Private Blockchain - ang konsepto nito ay kung ninanais mong mag develop ng mga blockchain apps para sa isang pribadong organisasyon, ang Multichain ay isang mabisang plataporma para dito.
Di hamak na maraming resources na maaaring aralin pag dating sa blockchain development. Ilan lamang iyan sa mga sikat na kursong maaaring tangkilikin ng pinoy para makapag develop ng isang kapaki-pakinabang na blockchain based application kagaya nalang ng cryptocurrency, voting systems,
China's Blockchain ID System, blockchain based medical system, Blockchain for Banking at sobrang dami pang posibilidad para paunlarin ang seguridad ng mga application sa hinaharap.