Meron ba nagbabayad ng bills o purchases gamit BTC directly? Ako kasi convert to fiat muna tapos fiat pambayad. Alam ko meron option si coins na crypto wallet (not Peso wallet) mismo gamitin pambayad pero hindi ko pa nasubukan.
Sa tingin ko walang gumagamit dito ng BTC directly para magbayad ng mga bills. Pangbayad sa mga establishments di rin ako sure if may mga tumatanggap na rin ng BTC as mode of payment. Kahit kami rito ay nagcoconvert muna kami from BTC into PHP na siyang ginagamit namin pambayad.
Sa totoo lang, maraming mga tao ang involve sa cryptocurrency pero ang stance ng government ay neutral. Hindi sila against or pro sa cryptocurrency at ang ginagawa na lang nila ay magbigay ng paalala.
2. Tool to hide assetsThis is a new tool that adds to the ability to do that. There are plenty of people who want to hide their money from the government,
^ Lumang issue na pero may mga gumagawa naman talaga.
Mejo naguiguilty ako dito dahil karamihan ng mga pera ko ay nakainvest sa cryptocurrency. Kaunti lang ang nakalagay sa stock market at mas kaunti sa banko (emergency funds lang).
Huwag muna umasa na magkakaroon ng mas malawakang acceptance sa hanay ng ating Gobyerno dahil hindi naman nagbago ang panananaw ng mga taong nasa posisyon. Pro digital payments pero hanggang CBDC lang tatanggapin. Sabihin na din natin na pinapayagn mag-operate ang ibang kumpanya bilang VASP pero andun pa din mga warnings na risky investment ang crypto. Mukhang sa taxation na lang magkakaroon ng dagdag legitimacy ang crypto sa Pinas.
Open ang ating incoming President Marcos sa cryptocurrency at may idea siya kung paano ito gumagana. Para sa akin, basta lang hindi i-ban ng government ang crypto ay ok na ako dun. Isang magandang bagay rin na hindi sila nagsasawang nagbibigay ng mga advices sa mga tao tungkol sa pag-iinvest sa crypto.
Para sa akin, hindi rin ako umaasa ng malawang acceptance galing sa gobyerno. Ang mahalaga na lang siguro ay hayaan tayong mga investors na mag invest sa cryptocurrency pero hindi paa rin sila titigil sa pagbibigay ng paalala sa atin at sa mga baguhang investors.