Author

Topic: Inflation sa Pilipinas - Kamusta ang mga kabayan natin dito sa forum (Read 209 times)

legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Grabe at ramdam na ramdam ang taas ng bilihin ngayon dahil sa inflation. Kada lakas ko makikita ko nalang kung gano tumataas ng presyo ng bilihin. Yung dating pang isang buwan na grocery nagiging pang dalawang linggo nalang. Yung dating kain sa restaurant na 1,000 pesos nagiging 2,000 pataas minsan kulang pa. Halos wala ng produkto ang hindi tumataas ng presyo na yung kita kada buwan ay halos kulangin na.
Kahit di ako gaano gumagastos kapag lumalabas ramdam ko pa din kasi nagpapadeliver ako ng pagkain. Ibang klase inflation dito sa Pinas di nakokontrol, ano ba ginagawa ng mga ekonomista at ng gobyerno para maibsan tong inflation dito? Hindi na piso isa mga candy at chicha sa amin nabibitin ako sa kain ng snacks ko  Sad Buti nalang talaga at di ako gaano maluho kaya yung pera ko ay tumatagal naman kahit paano, minsan may natitira pa nga eh.
Ayun nga, pati pag dedeliver ang mahal na. Yung mga free delivery voucher halos wala na rin. Kung icocompute mo naman yung mga discount at package sa meals halos wala ka rin naman natipid. Yung mga dating tag pipiso o tatlo-limang pisong snacks sa tindahan wala na rin. Kahit saan ka bumili at tumingin ramdam talaga ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
sr. member
Activity: 1554
Merit: 334
Grabe at ramdam na ramdam ang taas ng bilihin ngayon dahil sa inflation. Kada lakas ko makikita ko nalang kung gano tumataas ng presyo ng bilihin. Yung dating pang isang buwan na grocery nagiging pang dalawang linggo nalang. Yung dating kain sa restaurant na 1,000 pesos nagiging 2,000 pataas minsan kulang pa. Halos wala ng produkto ang hindi tumataas ng presyo na yung kita kada buwan ay halos kulangin na.
Kahit di ako gaano gumagastos kapag lumalabas ramdam ko pa din kasi nagpapadeliver ako ng pagkain. Ibang klase inflation dito sa Pinas di nakokontrol, ano ba ginagawa ng mga ekonomista at ng gobyerno para maibsan tong inflation dito? Hindi na piso isa mga candy at chicha sa amin nabibitin ako sa kain ng snacks ko  Sad Buti nalang talaga at di ako gaano maluho kaya yung pera ko ay tumatagal naman kahit paano, minsan may natitira pa nga eh.
hero member
Activity: 1554
Merit: 880
pxzone.online
If you're a regular consumer sa isang grocery store or any kind of stores, mapa public market man or sa ibang malls, or whole saler stores mapapansin mo talaga na tumaas lahat ng bilihin. Yung pag sapit ng pandemic okay pa, pili lang ying indemand lang talaga tumaas n'on like alcohol everything na sanity purposes. Nagging worst lang n'ong nagka war between RUS and UKR, pag taas ng gasolina/crudo sa bay taas halos lahat ng bilihin kasr affected dahil sa transport fees. Tapus badtrip, iilan lang ang increase ng sahod, worst kase sa regional rates as if talaga na di affected yung ibang probinsiya sa inflation.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Hindi ko inaasahan na ang presyo ng kalahating bigas dito sa amin ay tutubo ng 200 pesos ng ganun kabilis. Isang buwan lang ang nakalipas, ang presyo nito ay nasa 1030 pero ngayon nasa 1200+ na. Medyo nabigla ako kung ano talaga ang dahilan nito, may inflation pala na nangyari. Medyo nakakalungkot ito, hindi ito madali lalo na sa mga taong mahirap. Isipin mo, ganito na kataas ang presyo ng mga bilihin, pano na kaya kung hindi pa babalik ang presyo sa normal ngayon Disyembre.
Panigurado ay hindi na ganun kadami ang mga maihahanda sa pasko dahil nga sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sigurado ako samen babawasan ko ang mga iluluto. Nakakalungkot lang dahil isa ang pasko sa mga inaantay natin na handaan pero mukhang pati rin ay kailangan natin tipirin ang pagkain. Mahirap na kasi mamaya engrande ang noche buena pero kinabukasan baon kana sa utang o kung hindi man wala ka ng makain pagkatapos ng ilang araw.

Matagal ko ng kinalumatan ang paghahanda sa pasko.  Para sa akin kasi parang luho na lang ang paghahanda sa pasko tapos sa dami pa ng inaanak.  Mabuti kung tatanggap pa sila ng Php100 bawat isa.  Kahit nga nitong nagdaang pandemic may mga tao pa rin talagang hindi umaabsent sa pamamasko kahit alam naman na nilang daming nawalan ng trabaho.

Ang pinakamagandang paraan siguro ay bumili ng isang lupang sakahin sa probinsya at magtanim na lang ng lahat ng pangangailangang pagkain doon then mag-alaga ng hayop tulad ng manukan o babuyan at least may pagkain na may extra pang pangbenta.  Di na rin kailagang mamasahe dahil nga within reach na ang lahat.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 315
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.

Lala nga nung Jollibee ngayon kasi dati pag tinatamad ako magluto umoorder nalang ako para sa sarili ko kasi ako lang naman kakain pero after tumaas grabe inflation umaabot na 200 isang meal eh kung ganon lang yung presyo edi bibili nalang ako pang ulam yung aabot kahit kinabukasan. Tapos yung mga presyo din ng mga pamasahe pataas ng pataas balita ko nga nag rerequest mga driver na gawing P15 yung minimum sa pamasahe eh kawawa talaga mga pinoy tapos isipin mo yung sahod mo bare minimum pa rin kahit yung mga bilihin tumataas. Sa mga gantogn sitwasyon kung may extra money ka man mas magandang invest mo na to para makasagip ka sa inflation kasi mas maganda daloy dito sa Bitcoin.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Hindi ko inaasahan na ang presyo ng kalahating bigas dito sa amin ay tutubo ng 200 pesos ng ganun kabilis. Isang buwan lang ang nakalipas, ang presyo nito ay nasa 1030 pero ngayon nasa 1200+ na. Medyo nabigla ako kung ano talaga ang dahilan nito, may inflation pala na nangyari. Medyo nakakalungkot ito, hindi ito madali lalo na sa mga taong mahirap. Isipin mo, ganito na kataas ang presyo ng mga bilihin, pano na kaya kung hindi pa babalik ang presyo sa normal ngayon Disyembre.
Panigurado ay hindi na ganun kadami ang mga maihahanda sa pasko dahil nga sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sigurado ako samen babawasan ko ang mga iluluto. Nakakalungkot lang dahil isa ang pasko sa mga inaantay natin na handaan pero mukhang pati rin ay kailangan natin tipirin ang pagkain. Mahirap na kasi mamaya engrande ang noche buena pero kinabukasan baon kana sa utang o kung hindi man wala ka ng makain pagkatapos ng ilang araw.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
Hindi ko inaasahan na ang presyo ng kalahating bigas dito sa amin ay tutubo ng 200 pesos ng ganun kabilis. Isang buwan lang ang nakalipas, ang presyo nito ay nasa 1030 pero ngayon nasa 1200+ na. Medyo nabigla ako kung ano talaga ang dahilan nito, may inflation pala na nangyari. Medyo nakakalungkot ito, hindi ito madali lalo na sa mga taong mahirap. Isipin mo, ganito na kataas ang presyo ng mga bilihin, pano na kaya kung hindi pa babalik ang presyo sa normal ngayon Disyembre.
sr. member
Activity: 1764
Merit: 260
Binance #SWGT and CERTIK Audited
.
May mga ilang fastfood restaurants na nagsitaasan ang presyo ng mga pagkain. Pero meron naman ding "parang hindi" naman nag price increase. Neto lang, nakita kong balik sa 56 pesos ang palitan ng peso kontra dolyar, di maganda.

Personally, hindi ko masyado na masyadong iniisip ang mga ganyang bagay since wala namang magagawa. It's up narin talaga sa mga leader natin kung pano nila tayo pagbubuklurin para sa mas mabuting ekonomiya ng bansa natin. Hanggat may korapsyon, mahihirapan tayo.

Buti sa iilan sa atin ay nagkakaroon ng extra galing sa income dito sa forum, kahit papaano ay nakakadagdag sa pang araw-araw na gastusin.

Maligayang pagbabalik, kabayan!
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
Welcome back kabayan. Totoo nga mga sinabi mo. Sobrang ramdam ko rin ang pagmahal ng mga bilihin. Dati ay parati akong gumagala kahit saang parte ng Pilipinas at minsan sa ibang bansa pero after ng pandemic wala na talaga. Ngayon ko lang din naalala na huling panood ko ng sine ay 2019 pa ata. Kailangan talaga natin magbanat ng buto. Ako naman ay umaasa sa 2025 crypto bull run para magkaroon ng capital pang negosyo.
Sobrang saya lang balikan yung nakaraan na kahit saan ka pumunta basta naka budget ka, puwedeng puwede mong gawin. Pero ngayon, parang ang hirap na umalis alis ng hindi mo napagpaplanuhan kasi nga ang taas ng mga bilihin. Lahat tayo umaasa sa darating na bull run, sobrang taas ng itataas para naman makabawi bawi tayo sa mga nakaraang taon na lumipas. Welcome back nga pala sa kabayan nating si wannacry, dati parang gustong gusto ko manood ng mga balita pero ngayon parang nawawalan na ako ng gana. Yung bigas sabi ng isang eksperto, puwedeng umabot daw ng 60 pesos per kilo, kawawang bansa at mga kababayan natin, lahat tayo. Mayayaman lang nag eenjoy sa mga panahon ngayon.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
hindi lang naman satin , buong mundo halos ay dumadanas ng inflation now , mismong mga kamag anak ko sa US at sa europe ay may mga hinaing din sa mahal ng gastusin .
Tama ka diyan, buong mundo naman dumadanas ng inflation kaso sa ating parang mas mabilis o hindi lang talaga sanay na ganito kabilis ang inflation.

sa ganitong panahon mapapaatunayan ang kakayahan nating mga pinoy maghigpit ng sinturon .
meaning di natin maiiwasan pero magagawan natin ng paraan hangang gumanda na ang ating ekonomiya.
Hindi lang sa paghihigpit ng sinturon kundi pati na rin sa diskarte. Sa totoo lang, kapag nasa mall ako parang wala namang inflation kasi sobrang crowded at ang daming tao, meaning na may pang gastos ang tao na parang normal lang. Sentiment ko lang naman.
hero member
Activity: 2926
Merit: 567
Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.

Totoo naman kabayan ten years ago yung 1000 sa grocery dalawang bag na dala mo malaking bag pa yun ngayun small bag na lang sa sobrang taas dati yung noodles nilalagyan ko ng 2 itlog para sumarap ngayun hindi na dahil 10 piso na yung itlog ngayun na dati 4 ko lang nabibili.
Halos lahat yun naman ang daing yung taas ng mga bilihan at yung sahod karampot lang ang dagdag, pati sa kuryente kaya ako nga solar na lang na galing sa Shopee ang ilaw namin, malaking tulong ito para makatipid sa kuryente
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.
OK naman kami kabayan , and welcome back sa ating Munting forum. mabuti din marinig na still standing ka , magandang patunay na hindi ka surrendering .
Quote
Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.
hindi lang naman satin , buong mundo halos ay dumadanas ng inflation now , mismong mga kamag anak ko sa US at sa europe ay may mga hinaing din sa mahal ng gastusin . sa ganitong panahon mapapaatunayan ang kakayahan nating mga pinoy maghigpit ng sinturon .
meaning di natin maiiwasan pero magagawan natin ng paraan hangang gumanda na ang ating ekonomiya.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.

Masyadong mabigat sa bulsa ang pagtaas ng presyo ng bilihin.  Ang dating budget namin na kayang tumagal ng dalawang linggo ay hindi na kinakayang tumagal ng isang linggo.  Dinagdagan pa ng pagtaas ng singil sa kuryente at tubig.  Kung alanganin talaga ang kinikita ng isang tao talagang mapipilitang bawasan ang pagkain sa isang araw mula sa 3 meals to 2 meals na lang.   Mapalad ang mga taon may katuwang sa paghahanap buhay, pero kung solo earner ka lang at sagot mo lahat ng gastusin ng pamilya, mapipilitan kang maghanap ng extra income para matugunan ang pangagailangan ng bawat myembro ng pamilya.
full member
Activity: 1708
Merit: 126
Ramdam na ramdam ang hirap kabayan dahil napakamahal na ng mga bilihin. Kung noon mkakapamili na tayo ng marami sa halagang 500, ngayon isang putaheng ulam na lang ang mabibli dito lalo na kung may malaking pamilya pa tayo. Talagang aaray ka kung mamimili ka kaya sa panahong ganito kahirap, dobleng kayod din talaga. Trabahong walang pahinga at gran ng grab ng iba't ibang opportunities para kumita dahil kung tatamad tamad ka sa ganitong sitwasyon, magugutom talaga ang pamilya mo.
Pero kahit ano pa man ang sitwasyon, kailangan paring lumaban at maging matatag dahil inflation crisis lang yan pero Pilipino tayo.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Sa sitwasyon ko naman, sobrang ramdam ko ang pagtaas ng bilihin. Yung mga bagay na nagagawa ko dati tuwing sahod ko ay naging "luxury" na ngayon. Sobrang dalang ko na kumain sa mga fastfood dahil 150-200 pesos na ang mga meals na binibili ko dati. May mga ulam din na minsan ko na lang lutuin dahil sa mahal ng mga ingredients nito tulad ng sinigang na may maraming gulay. Halos katumbas na ng presyo ng gulay ang karne satin ngayon. Kahit ang mga ordinaryong pagkain tulad ng itlog, delata, at instant noodles ay nagmahal na din.

Sobrang mahal na talaga ng mga bilihin ngayon, kahit ako ay medjo nanghihinayang na rin ako kumain sa mga fastfood like Jolibee, mcdo, chowking dahil feeling ko rin talaga ay hindi worth it and pagbili dito, lalo na kung bibili ka pa nung mga bucket meal nila ay makakagastos ka na rin ng up to 1000pesos which is sobrang laki dahil isang kainan lang naman ang gagawin mo so medjo nakakapanghinayang siya, at isa pa parang masmasarap din naman yung mga lutong bahay  Grin kaysa sa fastfood ewan ko masgusto ko na ngayon kumain sa mga bulalohan or mga karenderya na kanin ulam ang benta.

Noong nakaraan lang may naggrocery ako parang dati lang ay aabot lang ng 1k pesos ang gastos ko sa grocery ngayon umaabot na ko ng up to 5k pesos di ko alam kung bakit ganun pero parang wala ka ng mabibili sa 1000 pesos mo ngayon lalo na sa grocery.

Malaking problema talaga ito hindi lang naman ng bansa naten kahit sa ibang malalaking bansa ay problema din naman ito, walang ginagawa ang gobyerno maaaring inevetable talaga ito dahil mayroon tayong gobyerno ay syempre magpiprint lang sila ng pera kaya malaking tulong talaga ang cryptocurrency saatin dahil magagamit naten ito bilang investment upang maiwasan din ang inflation.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Naku kabayan, tumaas na ang lahat buti nalang at hindi tumaas ang mga sahod natin hehe, joke.

Yun talaga ambilis tumaas ng presyo pero yung sahod ga un parin kaya sino ba ang hindi maghihirap da ganyang set up. Mabuti sana kung tataas ang sahod pero wala eh di din siguro kaya ng employer na gawin ito since malulugi din sila.

Mahirap din ma kontrol yan ng gobyerno since kung pipilitin nila ang ilang kompanya na gawin ang pagtaas ng sahod ay malamang madaming matatanggal sa trabaho. Gaya ngayon sa lugar namin sobrang daming kompanya ang nag sara at lumipat sa ibang bansa since cheap ang labor cost at operating cost dun at kung siguro magagawan yan ng paraan ng gobyerno lalo na ang pag control sa pagtaas ng kuryente at gas siguro dyan makokontrol ang inflation sa bansa natin at magiging nyra na ang mga bilihin.

Ayun nga yung problema, kahit na pilitin na mag taas ng sahod na iuutos ng gobyerno mag tatanggal naman ng mga empleyado para hindi malugi ang mga kumpanya pagkatapos ay madadagdagan pa ang mga gawain. Kahit saan mo tignan na paraan ay parang tayong mga nag tatrabaho ang mahihirapan. Mataas na bilihin, mababang sweldo, madaming gawain, at pati na rin ang mga work requirements sobrang taas na rin ng standards.
hero member
Activity: 1862
Merit: 601
The Martian Child
Welcome back kabayan. Totoo nga mga sinabi mo. Sobrang ramdam ko rin ang pagmahal ng mga bilihin. Dati ay parati akong gumagala kahit saang parte ng Pilipinas at minsan sa ibang bansa pero after ng pandemic wala na talaga. Ngayon ko lang din naalala na huling panood ko ng sine ay 2019 pa ata. Kailangan talaga natin magbanat ng buto. Ako naman ay umaasa sa 2025 crypto bull run para magkaroon ng capital pang negosyo.
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Naku kabayan, tumaas na ang lahat buti nalang at hindi tumaas ang mga sahod natin hehe, joke.

Yun talaga ambilis tumaas ng presyo pero yung sahod ga un parin kaya sino ba ang hindi maghihirap da ganyang set up. Mabuti sana kung tataas ang sahod pero wala eh di din siguro kaya ng employer na gawin ito since malulugi din sila.

Mahirap din ma kontrol yan ng gobyerno since kung pipilitin nila ang ilang kompanya na gawin ang pagtaas ng sahod ay malamang madaming matatanggal sa trabaho. Gaya ngayon sa lugar namin sobrang daming kompanya ang nag sara at lumipat sa ibang bansa since cheap ang labor cost at operating cost dun at kung siguro magagawan yan ng paraan ng gobyerno lalo na ang pag control sa pagtaas ng kuryente at gas siguro dyan makokontrol ang inflation sa bansa natin at magiging nyra na ang mga bilihin.
newbie
Activity: 55
Merit: 0
Sa totoo lang para sakin yung 1k pesos na pera mo na dati sobrang dami mo pwedeng bilhin, ngayon parang 100 pesos na lang. Ganun ko karamdam yung inflation sa pilinas ngayon. Tapos hindi pa rin tumitigil sa pag taas yung mga bilihan every month. Dati may natatabi pa ako sa sahod ko at nakaka-ipon para mabili yung gusto ko, ngayon hindi na e. Halos kinakain na lahat kahit tumaas yung sahod ko pati saving nadadali rin dahil sa sobrang taas ng mga bilihin ngayon.

Pero wala tuloy pa rin ang buhay need mo magdoble kayod para sa kinabukasan ng pamilya mo. Kailangan mo dumiskarte o gumalaw para kahit papaano hindi ka mabaon sa utang. Sa ngayon nakikita ko naman na ang dami pa rin pwede pagkakitaan para sa extra income kung alam mong kulang talaga yung sinasahod mo kasi ako ganun ginagawa ko ngayon kaya kahit papaano nakakasurvive at nakakaipon naman kahit konti
hero member
Activity: 2072
Merit: 542
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Naku kabayan, tumaas na ang lahat buti nalang at hindi tumaas ang mga sahod natin hehe, joke.

Grabe, kung sa isang pamilya at isa lang ang nagtratrabaho ay patay, hindi tayo mabuhay ng maayos dyan lalo na kung may anak ka na pinapaaral kahit sa public school lang dahil gagastos ka pa rin naman sa baon at pamasahe.

Tulad ng sabi, yong pagkain natin sa mga fastfoods outlet katulad ng Jollibee ay parang "luxury" na dahil kung apat kayong kumakain, yong 1k php mo ay mukhang kukulangin pa yan.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Sobrang mahal na ng mga bilihin at kung aasa ka lang talaga sa isang source of income, ay mahihirapan ka pangaraw-araw.
If you are here in the forum, I believe malaki ang exposure mo sa crypto at maganda ang opportunity mo dito. Sa totoo lang

Hinde talaga maiiwasan tumaas ang Inflation due to the world economy, apektado ren tayo specially with other big countries. Ang nakikita kong solution talaga dito is maginvest at kumita ng malaki.
legendary
Activity: 3416
Merit: 1225
Enjoy 500% bonus + 70 FS
Kung ikaw lang ang nagtatrabaho sa pamilya mo at minimum lang ang kita mo talong talo ka hindi level yung minimum na sahod dito sa Pilipinas para sa mga gastusin ang taas ng bayarin sa upa at sa kuryente at lao na sa pagkain kahit yung mga mag nenegosyo naghihigpit na rin ng sinturon.
Ang ideal na pamilya talaga at least 3 dapat nagtatrabaho para malabanan ang inflation at isa pa sa solusyon ay ang pag aabroad kasi sa baba ng pasahod at taas ng bilihan nasa ibang bansa talaga ang pag asa ng isang pamilya para maka survive at mapag aral ang kanilang mga anak.
sr. member
Activity: 1498
Merit: 271
DGbet.fun - Crypto Sportsbook
Aba sa totoo lang yung pagtaas ng bilihin sa tingin ko hindi na yan maaalis, sa kinakaharap ko ngayon dito sa bansa natin ay nakakaiyak parin ang presyo ng sibuyas, hehehe, bagamat malaki narin naman ang binaba kumpara before na grabe talaga ang mahal.

Pero sa bawat buhay na dumadaan sa akin nakakasurvive pa naman kahit pano sa biyaya ng Dios, pero nakakaaray parin talaga ang presyo ng mga bilihin. Sana magawan parin ng paraan ng administrasyon ngayon ni PBBM.
full member
Activity: 1344
Merit: 103
Wala na atang pag-asang bumaba muli ang mga bilihin , nakakamiss yung dati na kahit maliit lang ang sahod ko marami parin akong nabibili . Samantalang ngayon na yung sahud na minimum ay saktong pangkain lang sa isang araw ng pamilya. Kaya ngayon nagttyaga kami sa gulay at minsan lang kumain ng masarap para lang mapagkasya yung kinikita sa araw-araw. Kaya hindi natin maikakait na grabe talaga yung epekto na naidudulot nito. Sa ngayon dumidiskarte na lang ako ng ibang pagkakakitaan at hindi lang ako umaasa sa aking sahud dahil mas mainam na may pangsuporta pa tayo kahit papaano ay makaipon tayo para sa kinabukasan.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
Ramdam na ramdam, yung pag mag grocery ako dati yung 1k-2k sobrang dami. Ngayon, yang ganyang halaga napaka konti nalang ng mabibili. Sobrang bilis din ng inflation kaya dapat hindi lang source of income natin at dapat mas dagdagan pa natin kasi doon tayo makakabawi.
Ang hirap lang ngayon kapag hindi ka madiskarte kasi parang mababaon lang yung pera mo sa inflation lalo na kapag ise-save mo lang sa bangko, yung value talaga namang mabilis lumiit.
hero member
Activity: 1288
Merit: 564
Bitcoin makes the world go 🔃
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Para sa akon ay halos ganun pa dn naman ang life style ko. Ang pinagkakba lang ay tumaas yung number ng mga binabayadan ko pero nagadjust din kasi ang sahod ko kaya halos hindi ko ramdam ang pagtaas ng bilihin kung ibabase ko sa ratio ng sahod ko. Mabuti nlng talaga at consistent ang promotion ko kaya nakakasabay ako sa inflation tapos hindi din naman ako pala gastos kaya halos walang pinagkaiba para sa akin.

Sa presyo ng gas lang talaga ako sobrang nagulat hanggang ngayon dahil halos doble ang itinaas simula ng magka gyera sa Russia.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Cashback 15%
Grabe at ramdam na ramdam ang taas ng bilihin ngayon dahil sa inflation. Kada lakas ko makikita ko nalang kung gano tumataas ng presyo ng bilihin. Yung dating pang isang buwan na grocery nagiging pang dalawang linggo nalang. Yung dating kain sa restaurant na 1,000 pesos nagiging 2,000 pataas minsan kulang pa. Halos wala ng produkto ang hindi tumataas ng presyo na yung kita kada buwan ay halos kulangin na.
full member
Activity: 742
Merit: 101

Jump to: