Author

Topic: [Information]Mga uri ng token/coins (Read 177 times)

hero member
Activity: 1792
Merit: 536
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
August 04, 2019, 06:43:33 PM
#5
Magaganda ang pagkakaroon ng iba't ibang uri ng token o iba't ibang gamit nito. Nagkakaroon ng pagkakataong mamili ang isang investor ng crytocurrencies na mangilatis muna at alamin kung anong token o coin ang karapat dapat sa kanya na iinvest.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
June 23, 2019, 04:59:14 PM
#4
Kung anong magandang paglalagyan ng pera sa listahan ay nakadepende na sa risk appetite ng investor. Ako na nagpapalaki pa lang ng portfolio ay mas prefer ko ang utility tokens. Sunod ang currency coins.

Ok din ang utility token.  Ang problem lang is kung ang developer ay ayaw sa mga hype at pump actions para sa token nila ay matatagalan ka bago magkaroon ng malaking kita.   Isang halimbawa na lang dito ay ang Utrust.  Napakaganda ng roadmap ng Utrust at dahil nga sa hindi nilapinapayagan ang pump and dump sa coins nila, hindi nagkakaroon ng interest ang mga whales para itrade it.  Karamihan sa sumusupurta ay  mga long time holder. 



Para sa akin ok din ang equity token at security token dahil ang proyektong ito ay nangangailangan ng legal na dokumento para magawa. Ang ibig sabihin nito ay malabong maging scam ang project dahil regulated at aprubado na ito ng financial institution bago pa man sila maglunsad ng proyekto.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
June 23, 2019, 01:43:14 PM
#3
Kung anong magandang paglalagyan ng pera sa listahan ay nakadepende na sa risk appetite ng investor. Ako na nagpapalaki pa lang ng portfolio ay mas prefer ko ang utility tokens. Sunod ang currency coins.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
June 23, 2019, 12:08:22 PM
#2
Siyempre ang pianakamagandang pag-inbestan ay ang currency coin lalo na ngayon hindi mapigilan ang pagbulusok pa itaas ng bitcoin kaya ito ang magandang piliin..

Ngayon if may mga naguguluhan kung ano ba talaga ang ang mga uri ng tokens or coins kapag nadaanan nilang itong thread na ito maliliwanagan sila at dagdag kaalaman naman ito para sa lahat.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
June 23, 2019, 12:00:52 PM
#1
Marahil ay pamilyar na tayo sa mga coins at tokens ng cryptocurrency pero alam nyo ba na ang mga ito pala ay may mga uri?  Ayon sa article na aking nabasa, ito ay nauuri sa mga sumusunod.

Currency Coins/Token :  tulad ng nabanggit ito ay nagfafunction bilang pananalapi bilang pangbayad at store of Value.  Ang Bitcoin ang isa sa mga halimbawa ng ganitong uri ng coins.  Maari rin nating sabihin ang mga stable coins ay katulad nasasama sa ganitong uri.

Utility Coins/Token: Ang ganitong uri ng cryptocurrency ay nagbibigay ng pagkakataon upang maaccess ang mga serbisyo at produkto sa isang platform.  Ang halimbawa nito ay Utrust kung saan maaring gamitin ang token na ito upang magavail ng mga serbisyo at produkto sa knilang platform ng may diskwento.

Security Coin/Token :  Bukod sa pagkakaroon ng access sa platform at mga produkto, ang ganitong uri ng cryptocurrency ay nagbibigay ng pangakong may babalik na investment return at pagtaas n g value ng hawak na token.  Kinakailangan ng approval ng SEC o ng institution para maglunsad ng ganiton uri ng coins.

Asset Coin/Token :  ito naman ay ang isang digital na representasyon ng asset sa isang kumpanya o organisasyon.

Equity Coin/Token: Ito ay nahahalintulad sa isang stocks kung saan magkakaroon ng pagmamay-ari ng share ang isang cryptocurrency holder sa capital ng naglunsad ng proyekto. 

Reward Coin/Token :  Ito ay tulad ng isang loyalty points ngunit ito ay gumagamit ng blockchain technology.  Ang halimbawa nito ay ang Loyalcoins.

Meron pa raw isa pang klase at ito ay ang dividend Coin/token kung saan ang dividend token ay binibigyan ng kita ang isang holder habang hawak niya ang token na ito.  Ang isang halimbawa nito ay ang mga POS coins na kung saan nagbibigay ng karagdagang coins habang ito ay hawak lang.

Sa mga nabanggit na uri ng coins/token, ano sa palagay nyo ang pinakamagandang paglagakan ng investment?

Jump to: